top of page
Search

ni Lolet Abania | September 29, 2021



Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules ng karagdagang kaso na 339 ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19, kung saan umabot na sa kabuuang 3,366 cases.


Sa online briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang bagong Delta cases ay na-detect mula sa 748 sequenced samples na nakabilang sa mga nakuha noong Abril hanggang Hunyo.


Gayundin, sa pinakabagong genome sequencing nakapagtala ng 186 Beta variant cases, 98 Alpha variant cases, siyam na P.3 variant cases, at isang Gamma variant case.


Ayon pa sa DOH, sa ngayon ang Delta variant ang tinatawag na most common lineage sa mga naging sequenced samples ng COVID-19 cases sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | August 15, 2021



(Updated) - Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Linggo ang unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, isang “variant of interest” (VOI) na base sa mga pag-aaral ay nai-report na mas nakahahawa at sinasabing vaccine-resistant kumpara sa iba pang virus strains.


Ayon sa DOH, isang 35-anyos na babae ang kauna-unahang kaso ng Lambda variant. Subalit, hindi pa nadedetermina ng ahensiya kung ito ay “local case o returning overseas Filipino.” Sinabi naman ng ahensiya na ang pasyente ay asymptomatic at nakarekober na sa sakit matapos na sumailalim sa 10-araw na isolation period.


Tiniyak ng DOH sa publiko na nagsasagawa na ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente. “This variant of interest has the potential to affect the transmissibility of SARS-CoV-2 and is currently being monitored for its possible clinical significance,” pahayag ng DOH.


Ang Lambda variant ay unang na-detect sa Peru noong nakaraang taon at naitalang mas infectious kumpara sa orihinal na strain na nagmula sa Wuhan, China noong 2019.


Lumabas sa mga pag-aaral na ang Lambda variant ay mas resistant at 'di kayang labanan umano ng COVID-19 vaccines. Ito rin ay ikinlasipika bilang VOI ng World Health Organization noong Hunyo 14.


Matatandaang nito lamang Hulyo, sinabi ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma, “The variant is an emerging global public health risk because it was first detected in Peru, which so far has the highest COVID-19 death rate.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 11, 2021



Patay ang 90-anyos na ginang matapos tamaan ng dalawang variants ng COVID-19 na Alpha at Beta, ayon sa mga researchers sa Belgium.


Ayon sa ulat, hindi bakunado laban sa COVID-19 ang naturang ginang at dahil mag-isa lamang ay sumasailalim sa “at-home nursing care.” Isinugod umano sa OLV Hospital sa City of Aalst ang ginang at napag-alaman na positibo ito sa COVID-19.


Saad ni Molecular Biologist Anne Vankeerberghen ng OLV Hospital, "Both these variants were circulating in Belgium at the time, so it is likely that the lady was co-infected with different viruses from two different people. "Unfortunately, we don't know how she became infected."


Ayon naman sa virologist na si Professor of Molecular Oncology Lawrence Young ng University of Warwick, posibleng magkasabay na tamaan ng dalawang virus strain ang isang indibidwal.


Aniya pa, "This study does highlight the need for more studies to determine whether infection with multiple variants of concern affects the clinical course of COVID-19 and whether this in any way compromises the efficacy of vaccination.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page