top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 22, 2023



ree

Sinimulan na ng Department of Health ang pagbibigay ng bivalent COVID-19 vaccine para sa mga priority groups kahapon.


Dumalo nang personal si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kickoff ceremony sa Philippine Heart Center sa Quezon City.


Unang tumanggap ng bakuna si Health Sec. Ted Herbosa, para ipakita sa publiko na ligtas ang 3rd booster kontra-COVID.


Aniya, isa ito sa paraan para makaiwas sa sakit at maging handa sa anumang pandemya.


Ang mga healthcare workers at senior citizens ang prayoridad na mabigyan ng bakuna.


Nasa 390,000 bivalent vaccines ang unang dumating sa bansa na donasyon ng Lithuania.


Ayon kay Herbosa, may 2 milyong doses ang under negotiation pa sa Covax facility.

Sakaling maaprubahan, karagdagan itong doses na matatanggap ng Pilipinas.


 
 

ni Madel Moratillo | June 18, 2023



ree

Sa Hunyo 21, Miyerkules, sisimulan na ang roll out ng Bivalent COVID-19 vaccine.


Bahagi ito ng 391 libong bivalent vaccine na dumating sa bansa bilang donasyon ng bansang Lithuania.


Ayon sa Department of Health, magkakaroon ng seremonya patungkol dito sa Philippine Heart Center sa Quezon City kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


Nilinaw naman ng DOH na ang mga puwede lang magpabakuna ay healthcare workers at senior citizens na mayroon ng 2nd booster, 4 hanggang 6 na buwan na ang nakakalipas. Hinihikayat naman ng DOH ang mga puwede nang magpabakuna ng bivalent na magpaturok.


Ang bivalent vaccine ay Omicron specific vaccine pero mabisa ring pangontra sa orihinal na strain ng virus.


Tiniyak naman ni DOH Secretary Dr. Ted Herbosa na ligtas ito at epektibo.


Hinikayat din niyang samantalahin ito ng publiko habang libre pa.


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2022


ree

Nasa tinatayang 300,000 COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang nakatakdang dumating sa Hunyo 20, bilang kapalit sa mga expired doses ng bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


“We are still ongoing with our negotiations with them but by June 20, may initial na tayong replacements coming from COVAX and this will be worth 300,000 vaccines,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.


“So tapos sa mga susunod pa na negosasyon may mga madadagdag pa na papalitan nila,” dagdag ng opisyal. Una nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na ilang 3.6 milyong expired COVID-19 vaccine doses ay nakatakdang palitan ng COVAX Facility.


Ayon kay Duque, nakipag-usap na sila sa mga COVAX representatives at hiniling sa mga ito na i-replace hindi lamang ang mga donasyong vaccine na malapit nang mag-expire kundi pati na rin ang mga na-procure na ng bansa.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page