top of page
Search

ni Lolet Abania | December 23, 2021


ree

Umabot sa 6.4 milyon indibidwal ang latest tally ng mga nabakunahan kontra-COVID-19 sa second wave ng vaccination drive, na inaasahan madaragdagan, ayon sa National Vaccination Operations Center.


Sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes, sinabi ni Dr. Kezia Rosario ng NVOC na tinatayang 992,000 doses ang na-administer nitong Miyerkules, ang huling araw ng pagbabakuna.


Dahil dito, nasa kabuuang 6,404,622 doses ang na-administer mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 22, kung saan hindi nakamit ang layon na 7 milyon ng gobyerno para sa mga araw ng pagbabakuna.


“Pero nakikita nating trend kasi nga because of the typhoon, medyo mahina din ‘yung pagsubmit dahil may connectivity issues ‘yung mga local governments natin,” sabi ni Rosario.


“So nakikita natin na as several days pass by na nag sa-submit naman ng datos ‘yung mga LGUs natin ng mga late na reports nila. Most likely we still expect that some will submit tomorrow or even the next day after that,” dagdag pa niya.


Target ng gobyerno ang 54 milyong Pilipino na maging fully vaccinated kontra-COVID-19 bago matapos ang taon.


Ayon sa National COVID-19 vaccination dashboard, nasa 46.3 milyon indibidwal sa ngayon ang fully vaccinated na habang 56.7 milyon naman ang nakatanggap ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

 
 

ni Lolet Abania | December 22, 2021


ree

Ipinahayag ng Malacañang ngayong Miyerkules na nasa 45 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19.


Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang bilang ng mga fully vaccinated na indibidwal kontra-COVID-19 ay 45,284,617 base sa latest count.


Ang bilang naman ng mga nakatanggap na ng unang dose ng bakuna ay 60,212,001.


Hanggang nitong Disyembre 21, umabot na sa kabuuang 102,995,133 milyon doses ng COVID-19 vaccines ang kanilang na-administer.


Target ng gobyerno na maging fully vaccinated ang 54 milyong Pilipino sa pagtatapos ng taon, 77 milyon sa Marso 2022, at 90 milyon sa panahong magtapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 30, 2022.


 
 

ni Lolet Abania | December 18, 2021


ree

Mahigit sa 2.3 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang na-administer ng gobyerno sa ikalawang round ng kanilang national vaccination drive na ‘Bayanihan Bakunahan,’ ayon sa isang opisyal ng Department of Health (DOH).


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na nasa kabuuang 2,369,216 doses ang naiturok na COVID-19 vaccine sa ginanap na “Bayanihan Bakunahan 2” noong Disyembre 15 hanggang 17.


“This is 31% our total target seven million,” ani Cabotaje na pinaghalong Tagalog at Ingles na lengguwahe. Sa kabuuan, 1.65 milyon doses ang na-administer noong Disyembre 15, habang 759,028 at 544,539 ang naibigay naman noong Disyembre 16 at 17, batay sa pagkakasunod.


Ayon sa DOH, inasahan na nila ang mababang bilang ng mga nabakunahan kontra-COVID-19 sa second round ng national vaccination drive dahil sa isinuspinde ito sa ilang lugar sa bansa sanhi ng Bagyong Odette.


Habang inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 na i-reschedule na lamang ang vaccination drive sa ilang lugar na apektado ni Odette sa Disyembre 20 hanggang 22.


Ayon sa DOH, na-postponed ang vaccination drive sa mga lugar sa Regions V, IV-B, VI, VII, VIII, IX, X, XI at XII, gayundin sa Caraga at sa Bangsamoro regions.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page