top of page
Search

Ambisyosong frog nang umastang district collector, todo-ikot sa ahensiya hindi para mag-work kundi para mangolekta ng tara! Buwisit!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 24, 2020


Sa dami ng asunto kaugnay sa korupsiyon sa Bureau of Custom (BOC), namimintong masibak sa puwesto ang isang kolektor ng naturang ahensiya sa parteng Mindanao.


Garapalan umano ang panghuhuthot ng bayot nating bida! Hindi lang korup, ambisyosong frog pa! Aba, knows n’yo ba na umakto itong district collector nang lumiban sa puwesto ang opisyal ng kanilang distrito?


Ayon sa ating source, astang boss ang peg niya, lahat ng nasasakupan ng distrito nito ay inikutan niya, na akala naman ng mga tauhan ng BOC ay nagpapatupad ng maayos na pamamalakad pero ‘yun pala ay “tara” ang pinagkakaabalahan ni Bakla! Sinisiguro nitong maayos ang pagbibigay sa kanya. ‘Kalokah!


Wala siyang pakialam sa mga nakabinbing dokumento, kapag walang tara ay tenga sa mesa nito ang papel kahit pa araw araw na itong binabalik-balikan ng kliyente. Ibang klase talaga, kainis!


May nagreklamo na mahigit tatlong linggo na raw ang kanyang papeles sa opisina ng ating bida, pero hindi nito inilalabas at sinasabi lang na may problema.


Heto ang matindi kay Bakla, nang bigyan siya ng payola, wala nang kara-karaka, biglang lumabas ang papeles! ‘Yun pala ang secret, eh!


Sobrang higpit niya sa pera, pero waldas ito pagdating sa kanyan magastos na batambatang boylet. Shala, sana all!


Super-bigay ito sa luho ng partner dahil baka kapag hindi nabigay ang gusto ni Boyfie ay mawala ito na parang bula.


Pero sabi nga nila, lahat ng mapagsamantala ay may araw din, kaya naman ngayon ay sinisilip na ang ating bida sa kanyang puwesto. Wala palang custom personnel order (CPO) na inisyu ang Department of Finance bilang OIC sa ating hitad. Oops!


Dagdag pa ng source na kaliwa’t kanan ang tara niya, parang buwaya sa katakawan! Lunok lang nang lunok, at parang manok na kahig lang nang kahig.


Madalas pa raw, kapag dumating ito sa opisina, malayo pa lang siya ay alam na nila dahil bumubusina na sa katatalak ang bunganga nito. Nakakahiya si Bakla, walang professionalism sa katawan!


Heto pa, nang maging “OIC” ay nakabili ito ng condo at hindi lang isa, kundi dalawa na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P10 milyon! Huwaaw!


Pero nalalapit na ang lifestyle check mo, at lahat ng kinurakot mo ay mababawi ng gobyerno! Ganern!

 
 

Astang powerful pero kakaba-kaba namang mawala sa puwesto ang angkan dahil malaki ang chance ng sikat na mayor na manalo sa pagka-gobernador

ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 17, 2020


Balisa ngayon ang isang dating gobernador mula sa Region 4-A dahil malamang ay mabura na sa mapa ang pangalan ng kanilang angkan—na naghari ng ilang dekada sa isang probinsiya sa nasabing rehiyon.


Natuwa naman marami sa balitang kumalat sa social media, kung saan popondohan ng malaking partido ang magaling na mayor para tumakbong gobernador ng probinsiya.


Kapag tinatanong ng mga tao si mayor kung handa na siya sa panibagong political career, ang sagot lamang nito ay, “Eh, tingnan natin!” Pero mukhang handa naman si mayor na linisin at pagandahin ang probinsiya.


Anyways, balik tayo sa ating bida, namayagpag ng ilang dekada sa posisyon ang pamilyang ito, walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanilang posisyon, makapangyarihan at sunud-sunuran ang karamihang mayor sa kanya.


Ang pamilyang ito ay “political dynasty”, ibig sabihin ay pagkatapos ni tatay ay si anak at si nanay naman.


Siniguro ni ex-gov. na matatag ang itinayo nitong haligi nang sa gayun ay hindi ito basta maitutumba ng sinumang kumakalaban sa kanila. Ibang klase, lodi!


Pero, ‘wag pakasiguro dahil kahit matibay ang pondasyon sa pulitika, alam nating may hangganan ang lahat.


May balita pang ang mga kritiko o sinumang kumakalaban kay ex-gov. ay hindi na makababalik sa kanilang karera. Napatunayan ito sa kasaysayan ng dalawang mayor na nagtangkang agawin ang kapitolyo. May mga ulat na si ex-gov. diumano ang nasa likod ng nagpagpatay sa tapagsalita ng kalabang mayor.


During the campaign, ibinulgar ng napatay ang lahat ng katiwalian ng ating bida. Sa mga political rally, palaging sinasabi nito (napatay) ang lahat ng katiwalian ni ex- gov., tulad ng illegal logging, gambling, pagbebenta ng mga lupain sa mga negosyante at iba pa.


Ang masaklap pa, ang mga napagbentahan ng lupain ay hindi napasok sa kaban ng bayan, kundi rekta sa account ni ex-gov.!


At heto pa, lately, pinasok na rin nito ang mining business, pinasabog ang mga bundok at ngayo’y magandang subdivision na ang makikita mo rito.


Kaya naman, ang pag-iendorso sa magaling na mayor para pumalit kay ex- gov. ay malaking himala kung siya ay magwawagi.


Knows n’yo na ba ang kapalmuks nating bida? Hmmm…

 
 

‘pag ‘di napagbigyan ay ipapa-stop ang project!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 15, 2020


Naggigirian ngayon ang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga kongresista mula South at Metro Manila.


At sa anong dahilan? Ang walang kamatayang “SOP” o special operation procedure — ang termino sa porsiyento ng mga opisyal ng gobyerno. Kapag may kontratang isinasagawa ang mga opisyal ng gobyerno, normal na ang SOP para sa mga mambabatas.


Kapag may “pet project”, kukuha ang mga opisyal ng DPWH ng contractor para sa nasabing proyekto. Ngunit bago ibigay ang award sa contractor, dapat may maayos silang usapan — ang tumataginting na SOP!


Kadalasan, ibinigay agad ang SOP sa contractor at sa opisyal ng bawat ahensiya. Kapag mabait ang kongresista ay 15% ang hihingin niya at papantayan din ito ng porsiyento ng opisyal ng DPWH. Normal na ang ganitong kalakaran sa mga ahensiya ng ating gobyerno. Tsk!


Ngunit, kamakailan ay nagkairingan ang mga kongresista at ang opisyal ng DPWH dahil sobra raw ang pagkaganid ng isang babaeng mambabatas at asawa nito na dating kongresista.


Hiningan daw nila na ang isang opisyal ng DPWH ng 30% advance payment sa bawat proyekto.


Sino naman ang makapagbibigay ng 30% sa mag-asawa, eh, paano naman ang ‘for the boys’ ng DPWH?


Dahil dito, galit na galit ang mag-asawang kongresista, na ang siste ay ipinahinto nila ang infra-project kung hindi maibibigay ang 30% na SOP sa kongresista.


Dahil sa pagkontra ng mga opisyal ng DPWH, pinag-initan ito at ipinatatangal sa puwesto bilang district engineer.


May dahilan daw para maging sobrang ganid ang kongresista — isa sa kanila ay tatakbong alkalde ng isang lungsod. Maunlad ang siyudad at maraming proyektong imprastruktura. Siyempre, marami ring POGO rito na makukuhanan nila ng milyung-milyong intelehensiya kapag nanalo ito sa puwesto.


Knows n’yo ba ang ating mga bida? Kilala ninyo ‘yan dahil sikat sila sa pagiging matakaw sa proyektong imprastruktura. Ang tawag sa kanila ng mga constructor ay “SOP lang ang katapat niyan, highest bidder... winner.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page