top of page
Search

Buking na bahagi ng mining operations na dahilan kaya lumubog ang lalawigan sa South

ni Chit Luna - @Yari Ka! | November 28, 2020


Mukhang unsiyami na naman ang senatorial bid ng isang kongresista na gustong rumesbak sa nalalapit na 2022 Elections.


Bakit kamo? Nabistong bahagi siya ng mining operations sa sukdulan ang idinulot na perwisyo sa mga sinalantang bayan sa lalawigan sa South.


Ayon sa taong may access sa records ng Department of Environment and Natural Resources at Mines and Geosciences Bureau, mayroon itong malaking stake sa dalawang mining companies na nag-ooperate sa mga bayan sa lalawigang ito.


Ang mga naturang bayan ay kabilang sa mga lubos na sinalanta ng matinding buhos ng ulan dulot ng Bagyong Ulysses. Bagama’t humupa na ang malalim na baha, nananatili lubog sa putik ang maraming bahagi ng mga nasabing bayan — partikular ang mga lugar sa baba ng mga mining sites.


Ayon sa mga saksi, rumaragasang malapot na putik mula sa mga mining sites ang naglubog sa kanilang tahanan.


Gayunman, itinanggi ito ng mga mining operators, kabilang ang kumpanyang kinabibilangan ni Mr. Senatoriable.


Sino nga ba ang nasabing “senatoriable”? Siya ay kilala noong dekada 80 bilang aktibista. Pinasok niya ang mundo ng pulitika bilang konsehal at kalaunan ay tumakbo at nanalong kongresista ng isa sa anim na distrito ng nasabing lungsod.


Naitalaga rin siyang Kalihim ng DENR na kanyang ginamit upang lalo pa siyang makilala.

Gayunman, hindi naging sapat ang kanyang popularidad kaya nang siya’y tumakbong senador, hindi man lang siya nakalapit sa final election results para sa Top 12 senador. Sa madaling salita, gulong siya sa kanyang unang sabak.


Muling tumakbong kongresista, pero hindi para sa kanyang dating distrito. Siya ngayon ay partylist representative na kumakatawan sa sektor ng kalusugan.


Sa totoo lang, malayung-malayo ang kanyang partylist sa aktuwal kanyang isinusulong — ang pagwasak ng kalikasan.


Hindi niya marahil naririnig ang daing at panaghoy ng mga pamilyang patuloy na nasa peligro dahil sa kanilang mining operations, kaya dapat siguro ay testingin niya ang mikropono niyang ginagamit sa Mababang Kapulungan.


Ehem, mike test, mike test!

 
 

Operator ng illegal quarrying sa South, lagot kay P-Duterte!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | November 26, 2020


Sa isang lalawigan sa South matatagpuan ang mag-amang sangkot sa illegal mining activities sa kanilang bayan at hindi nakakapagtaka kung bakit sila patuloy na namamayagpag sa kabila ng mga panawagan kontra pagmimina sa kanilang lokalidad.


Dating alkalde si “Daddy” at incumbent mayor naman ngayon ang anak.


Ang nakapagtataka ay kung paano pa nakukuhang matulog ng mahimbing ang father and son sa gitna ng matinding hinanakit na halos ipagsigawan ng nawalan ng mga tahanan higit ang mga namatayan ng mga kapamilya sa biglaang pagragasa ng tubig na may halong putik sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.


Sa pagtataya ng mga eksperto, hindi hamak na mas matindi ang pagbaha sa kanilang bayan kumpara sa pagbahang dulot ng Bagyong Ondoy noong 2009 at Habagat noong 2013.


Bakit hindi hihigitan ng pinakahuling pagbaha ang mga nakalipas na tagpo lalo pa’t malaking bahagi na rin ng nasabing bayan ang nabalasubas ng mag-amang nasa likod ng mga naglipanang illegal quarrying sa kanilang lokalidad?


Hindi sila protektor — sila mismo ang operator ng mga illegal quarrying sa kanilang bayan, ayon pa sa isa nating kaibigang saksi at natatanging may kumpletong detalye sa operasyon ng kanyang amo. Tama, amo nga niya ang mag-ama!


Higit na nakagugulat ang kanyang pagsisiwalat na nagsasabing pawang nasa ibabaw ng aktibong Marikina Valley Faultine System ang mga lugar kung saan sila nagba-blasting ng mga kabundukan para iproseso ang mga mineral rock deposits na ginagawang graba at buhanging pambenta sa Metro Manila.


Sa ating pagsasaliksik, 70% ng pangangailangang graba at buhangin ng Metro Manila ay mula sa kanilang bayan at sa katabi nitong munisipalidad.


Bukod sa kita sa illegal quarrying, tiba-tiba rin ang tandem ng father-and-son mula sa “extraction fees, komisyon sa trucking firms at tong-pats sa iba pang tulad nilang illegal quarry operators.


Gayunman, hindi na siguro magtatagal at kapwa maghihimas sa rehas ang mag-amang ito makaraang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malalimang imbestigasyon sa operasyon ng mga minahan sa nasabing lugar, bunsod na rin ng malawakang panawagan ng mga residente ng kanilang bayan.


Bukod sa minahan, tumatabo rin ang mag-ama sa bawat trak ng basurang pumapasok sa pasilidad na matatagpuan sa kanilang bayan.

 
 

Feeling mabait na public servant pero nuknukan talaga ng yabang at kaplastikan, mga empleyado sa ahensiya sobra ng naiirita sa kanya

ni Chit Luna - @Yari Ka! | October 23, 2020


“Para sa bayan ang lahat ng ating ginagawa.” ‘Yan ang linyahan ng ating bida na hindi knows ng madlang pipol na nagpapanggap lang naman itong makabayan — nagpapanggap para sa pansariling kasiyahan at pangangailangan.


Sa sobrang yabang nito, maging ang mga empleyado sa ahensiya na kanyang pinaglagakan ay sobrang naiirita sa kanyang ugali. Kapag dumating ito sa opisina, dedma ang mga co-workers niya dahil sanay na sa yabang at hanging nagmumula sa kanya.


Minsan, nagkamali raw ang isang staff nito at ang ending, mega-lecture siya na akala mo marunong talaga! Like, wow, sino ka naman d’yan?


Binatikos din ito ng opisyal ng Commission on Election dahil sa ipinalabas na memorandum mula sa kanyang departamento. Nagulat ang mga empleyado dahil nakasaad sa memo na ang lahat ng empleyado ay bawal mag-post sa kanilang Facebook account ng negatibong komento laban sa gobyerno. Ngek!


Ayon sa ating source, dati pala itong waiter sa club sa Maynila, hanggang may nakilala itong taga-media kaya nakapasok sa industriya.


Heto ang masaklap, may inside the PA umano ito na pangingikil ng P200-K sa isang negosyante dahil siya ay naging opisyal ng samahan ng mga taga-media. Pinagkaperahan din umano nito ang pinamunuang grupo sa pagbebenta ng mahahalagang koleksiyon ng tanggapan.


Maging ang mga proyekto ng samahan na para sa miyembro ay naudlot dahil niloko nito ang tunay na may-ari ng lupang pabahay para sa mga miyembro.


Nuknukan na sa taas ang ere na hindi dapat ugali ng matinong opisyal ng gobyerno, aba’t balasubas pa pala?! Akala mo kung sinong makabayan at mahal ang serbisyo-publiko, plastik! Masyado kayong mapagpanggap, pero sige lang, karma na lang sa’yo, serr!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page