top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Jan. 21, 2025



File Photo: Pangulong Bongbong Marcos at dating Pangulong Rodrigo Duterte - FB


Nagsisinungaling umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa alegasyon niya na may pinirmahang blangko sa 2025 national budget.


Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., alam ni Duterte bilang dating presidente na hindi maaaring magpasa ng General Appropriations Act (GAA) nang may blangkong items.


Ani Marcos, batid din ni Duterte na hindi pa nangyari ang ganitong insidente sa kasaysayan ng Pilipinas.


Malinaw aniya na nakasaad sa GAA ang bawat programa at proyekto at kung magkano ang alokasyon sa mga ito.


“He’s lying. He’s a President. He knows that you cannot pass a GAA with a blank. He’s lying. And he’s lying because he knows perfectly well that that doesn’t ever happen. Sa buong, sa kasaysayan ng buong Pilipinas, hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA na hindi nakalagay kung ano 'yung project, at saka ano 'yung, 'yung gastos, ano 'yung pondo. So, it’s a lie," paliwanag ni Marcos sa ambush interview sa Taguig City.


"We, ah, I was watching the news earlier today and people were saying, it’s 4,000 pages. Papaano namin bubusisiin 'yan. Para titingnan namin iisa-isa. Hindi na lang. Meron namang kopya, that’s available on the website of the DBM. Tingnan n'yo, huwag na ninyo busisiin isa-isa."


Sinabi ni Marcos na available rin ang nasabing dokumento para suriin ng publiko sa website ng Department of Budget and Management (DBM).


"Hanapin niyo 'yung sinasabi nila na blank check. Tingnan n'yo kung meron kahit isa. Para mapatunayan na tama ang sinasabi kong kasinungalingan 'yan, That’s my reaction,” hamon pa ni Marcos.


Matatandaang pinuna ni Duterte at Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab ang 2005 national budget dahil wala umano itong bisa at hindi dapat ipatupad dahil sa mga blangko sa Bicameral Report.

 
 

Ulat ng People's Television Network, Inc. (PTNI) @Info | Jan. 12, 2025



Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng administrasyon naBinigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukala ng administrasyon na maglaan ng puhunan para sa pag-unlad ng Hilagang Mindanao sa pamamagitan ng paglagmaglaan ng puhunan para sa pag-unlad ng Hilagang Mindanao sa pamamagitan ng paglag--da sa Laguindingan International Airport Public-Private Partnership (PPP) Project Concesda sa Laguindingan International Airport Public-Private Partnership (PPP) Project Conces--sion Agreement sa Malacañan Palace noong Oktubre 28, 2024.sion Agreement sa Malacañan Palace noong Oktubre 28, 2024.



Nagsimula na ang modernisasyon at pag-upgrade ng mga paliparan sa Laguindingan, Panglao, Caticlan, Bukidnon, at Tacloban bilang bahagi ng estratehiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing global tourism at investment hub ang bansa.


Ayon sa Pangulo, “Ito ang paraan natin upang magkaroon ng isang ingklusibo at masaganang Bagong Pilipinas. Pinagbubuti pa natin ang karanasan ng mga turista sa pamamagitan ng pagpapalawak at pag-upgrade ng mga paliparan na nag-uugnay sa Visayas at Mindanao sa buong mundo. Ang mga paliparan natin ay magbubukas ng mga bagong oportunidad para sa turismo at pag-unlad ng ekonomiya.”


Nagbibigay-daan ang mga paliparan sa pag-taas ng bilang ng mga turista sa pamamagitan ng pagpapabuti ng accessibility, pagpapasigla ng ekonomiya, at pagpapahusay sa karanasan ng mga manlalakbay. “Sa utos ng Pangulo, layunin nating iangat ang transport sector ng bansa sa global standards. Ang mga inisyatibo natin sa transportasyon ay magdudulot ng paglago ng turismo at pang-ekonomiyang pagbabago,” ayon kay Secretary Jaime J. Bautista ng Department of Transportation (DoTr).



PHP 712 bilyon mula sa turismo noong 2024


Pinatutunayan ito ng pinakabagong da-tos. Sa kabila ng mga hamon sa buong mundo, umabot sa PHP 712 bilyon ang halagang ginugol ng mga turista noong 2024, na 119% na pagtaas mula sa PHP 600.01 bilyon noong 2019 bago ng pandemya. Mas mahaba na rin ang itinatagal ng mga turista sa kanilang destinasyon, mula 9 hanggang 11 gabi. Ang Pilipinas ay may pinakamataas na tourism per capita spend sa ASEAN na higit sa USD 2,000 at mahigit 70% ng mga bisita ang patuloy na bumabalik.



Sa isang inspeksyon sa Ormoc Airport noong Oktubre 20,Sa isang inspeksyon sa Ormoc Airport noong Oktubre 20, 2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na ang2022, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na ang pagbubukas ng paliparan para sa mga komersyal na flight aypagbubukas ng paliparan para sa mga komersyal na flight ay maghahatid ng higit pang kaunlaran sa lungsod at sa rehiyon ngmaghahatid ng higit pang kaunlaran sa lungsod at sa rehiyon ng Silangang Visayas.Silangang Visayas.



Bukod pa sa pagdaragdag ng mga atraksyon, tinitiyak din ng administrasyong Mar-cos na ligtas na makararating ang mga turista sa mga beach, food adventures, at wellness tours sa pamamagitan ng world-class na mga paliparan.



Laguindingan Airport: Gateway ng Northern Mindanao sa mundo


Kilala sa makapigil-hiningang Maria Cristina Falls at mga luntiang nature park, matagal nang nakaaakit ng turista ang Northern Mindanao.


Upang higit pang tumaas ang bilang ng makabibisita sa Maria Cristina Falls, nilagdaan ng DoTr at Aboitiz InfraCapital noong Oktubre 2024 ang isang kasunduang nagpapalawak at nagpapaunlad sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental. Mahigit doble ang madaragdag sa taunang kapasidad nito mula 1.6 milyon hanggang 3.9 milyong pasahero sa 2026, at aabot ng 6.3 milyon pasahero taon-taon sa pagtata-pos ng proyekto.


Sa paglalagda ng concession agreement kasunod ng Notice of Award noong Setyembre 30, 2024, maisasagawa ang pag-upgrade ng paliparan sa ilalim ng P12.75 bilyong Public-Private Partnership (PPP) arrangement. Magsisimula ang 30-taong concession period sa Abril 2025 at pamamahalaan ng Aboitiz InfraCapital (AIC) ang operasyon at maintenance ng paliparan.


Ang Laguindingan Airport ay magiging pan-gunahing gateway para sa lokal at internasyonal na mga manlalakbay. Mula nang buksan noong 2013, naging mahalagang trans-portation hub ito para sa Northern Mindanao, na nagbibigay-serbisyo sa mga lungsod ng Cagayan de Oro, Iligan, at Marawi, gayundin sa mga lalawigan ng Misamis Oriental, Lanao del Norte, at Bukidnon. Sa kasalukuyan, ito na ang pangalawang pinaka abalang paliparan sa Mindanao, kasunod ng Francisco Bangoy International Airport sa Davao City.


Noong 2023, umabot sa 2.6 milyon ang domestic travelers at 39,000 foreign tourists sa Northern Mindanao. Ang modernisasyon ng paliparan ay makatutulong upang higit pang makilala ang rehiyon bilang premier destination.


Aprubado ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong Hulyo 2023 ang PPP initiative na ito na nagpapahusay sa karanasan ng mga pasahero at nagpapalawig ng kapasidad at functionality ng paliparan.



Bohol-Panglao at Caticlan airports: Mga sentro ng turismo


Isa pang paliparan na sumasailalim sa malawakang pagbabago ay ang Bohol-Panglao International Airport, ang ika-siyam na pinaka abalang paliparan sa bansa.


Pamamahalaan ito ng Aboitiz InfraCapital sa pamamagitan ng PHP4.53 bilyong unsolicited bid, na naglalayong taasan ng 25% ang kapasidad nito mula 2 milyon hanggang 2.5 milyong pasahero sa loob ng dalawang taon. Sa taong 2030, inaasahang aabot ito sa 3.9 milyong pasahero taon-taon.


Kasunod ng Notice of Award noong No-byembre 18, 2024 at ng 30-taong concession period na magsisimula sa 2025, mapapabilang sa proyekto ang pagpapalawak ng passenger terminal building, paglalagay ng state-of-the-art equipment, at modernisasyon ng airside at landside facilities.


Layunin ng upgrade na matugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga manlalakbay na hanap ang mga likas na atraksyon ng Bohol tulad ng Chocolate Hills, serene beaches, at mga tarsier, gayundin ang mayaman at makulay nitong kultura.


Ayon sa Bohol Provincial Tourism Office, mahigit isang milyong turista ang bumisita noong 2023. Sa bilang na ito, 67% ay domestic travelers, habang 33% ay international visitors, at ang mga South Koreans ang pinakamalaking grupo na may 41.8%. Kabilang din sa mga bumisita sa Bohol ang mga turista mula sa China, Taiwan, United States, Germany, at France. Iniugnay ng provincial government ang pagtaas ng bilang ng mga bisita sa pagbubukas ng direct flights papunta at mula sa Bohol.


Makatatanggap din ng mas modernong pasilidad ang Caticlan Airport, ang pangunahing gateway sa isla ng Boracay. Ang paliparan, na nagbigay-serbisyo sa mahigit 1.7 milyong turista noong Enero hanggang Oktubre ng 2024, ay magkakaroon ng bagong terminal building at higit pang palalawakin ang runway para sa mas malalaking jet aircraft.


Samantala, ang Megawide Construction Corp., na nagtayo ng world-class passenger terminal sa Mactan-Cebu International Airport at Clark International Airport, ang nakakuha ng kontrata para sa disenyo at konstruksyon ng bagong terminal building sa Cat-iclan Airport.


Kilala rin bilang Godofredo P. Ramos International Airport, nagsisilbi itong pan-gunahing gateway para sa mga bumibisita sa white sand beaches ng Boracay. Ang paliparan ay pinamamahalaan ng Trans Aire Develop-ment Holdings Corp., isang subsidiary ng San Miguel Corporation Infrastructure.


Bukidnon at Tacloban airports: Magpapalakas ng regional connectivity

Dalawang paliparan pa ang magpapabuti sa air connectivity sa Pilipinas. Inaasahang makukumpleto ang mga pag-upgrade sa Bukidnon at Tacloban airports sa taong 2025 at 2026.


Patuloy naman ang mga pagbabago sa Bukidnon Airport sa Maraymaray, Don Carlos na nakumpleto na ang Phases 1 at 2 ng proyekto, kasama ang runway, embankment, at apron areas. Nakatuon naman ang Phase 3 sa aerodrome development, habang ang passenger terminal building ay inaasahang matat-apos sa Enero 2025.


Sa kasalukuyan, nakapaglilingkod ito sa maliliit na turboprop aircraft, at sa huling bahagi ng 2026, inaasahang makapagbibigay-serbisyo ang paliparan sa A320 jets. Magsisilbi rin ito sa 1.5 milyong residente ng Bukidnon at karatig na lalawigan, at magpa-pasigla sa turismo at ekonomiya ng rehiyon.


Samantala, ang Tacloban Airport, kilala rin bilang Daniel Z. Romualdez Airport, ay sumasailalim sa komprehensibong upgrade na naaayon sa international standards.


Kasama rito ang pagtatayo ng bagong passenger terminal building, pagpapahaba ng runway, at pagpapabuti ng access roads, na inaasahang matatapos sa 2026.


Noong 2022, nakapaglingkod ang paliparan sa 1.48 milyong pasahero at nag-proseso ng 40 daily flights. Makikinabang din ito sa PHP4.58 bilyong Tacloban Causeway na magpapaikli ng travel time mula sa city center patungong paliparan na tatagal lamang ng limang minuto.


Ang Phase 1 ng terminal building renovation ay may badyet na PHP761.91 milyon, habang ang susunod na phases ay nangangailangan ng karagdagang pondo, kasama ang halagang gagamitin para sa site acquisition at airport facilities, upang masiguro ang pangmatagalang epekto nito sa koneksyon at pag-unlad ng rehiyon.

 
 

by Intercontinental Broadcasting Crop. (IBC-13) @Info | Jan. 11, 2025



Kaakibat ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyakin ang seguridad sa pagkain ng bawat sambahayan, inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang inisyatiba, Program 29 (P29) at ang Rice for All (RFA) Program, upang magbigay ng abot-kayang bigas sa mga Filipino. Larawan mula sa sipi ng PCO



Itinuturing ang bigas na pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino kaya’t nararapat lamang na maipagbili ito sa mga mamimili sa halagang abot-kaya ng lahat.


Ang mga ganitong adhikain ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang inilatag mula nang maupo bilang pangulo ng bansa sa gitna ng pandaigdigang pagtaas ng presyo ng bilihin na lubhang nakaapekto sa presyo ng mga lokal na produktong agrikultural.


Dagdag pa sa mga suliraning dulot ng pagtaas ng presyo ng bigas ang iba’t ibang hamon at suliraning negatibong nakaaapekto sa agrikultura ng bansa. Kabilang dito ang kapabayaan ng mga dating nanungkulan, climate change, at mga pagbabago sa kalagayang panlipunan na nagdulot ng pagbaba ng bilang ng mga magsasaka.


Ang mga ito ay nagdulot ng kasalukuyang kakulangan sa suplay ng lokal na bigas na inaasahang sasapat sa pangangailangan ng bansa. Bunga nito, naging isa ang Pilipinas sa mga nangungunang importers ng bigas sa buong mundo.


Ayon sa pag-aaral ng United States Department of Agriculture na inilathala noong Marso 2024, tinatayang tataas ang konsumo ng bigas sa bansa mula 2024 hanggang 2025 kasabay ng paglaki ng populasyon ng Pilipinas.


Batay naman sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang per capita consumption ay nasa 120 kilo, nangangahulugang ang bawat Pilipino ay komukonsumo ng sampung kilo ng bigas kada buwan.


Ang mga ganitong pagtataya ay nagpapakita ng pangangailangang pagbutihin hindi

lamang ang produksiyon ng pagkain sa bansa kundi pati na rin ang pagpapababa ng presyo ng bigas—lalo na para sa mga mahihirap na ang konsumo ng bigas ay umaabot sa halos 20 porsiyento ng kanilang badyet, doble sa kinukonsumo ng karaniwang mamimili.


Ayon sa pinakabagong ulat ng PSA, ang isang kilo ng regular milled rice sa pambansang pamilihan ay may average retail price na higit sa 49 pesos noong ikalawang bahagi ng Nobyembre 2024 o mula Nobyembre 15 hanggang 17.


Sa layuning gawing mas abot-kaya ang bigas para sa publiko at alinsunod sa adhikain ni Pangulong Marcos na masigurong may pagkain ang bawat pamilya, inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang programa na naglalayong magbigay ng murang bigas sa mga Pilipino—ang Program 29 (P29) at ang Rice for All (RFA) Program.



Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at Kadiwa ng Pangulo sa San Jose, Occidental Mindoro noong ika-23 ng Abril 2024. Larawan mula sa sipi ng PCO



Ang dalawang programang ito ay alinsunod sa layunin ng Pangulo na makamit ang food security sa bansa. “Nananatiling pangunahin sa pambansang adyenda ang food security,” ayon sa Pangulo.


“Sa ating bisyon para sa isang masagana, matatag, at ligtas na Pilipinas sa taong 2040, ang pangunahing layunin ng administrasyong ito ay makabuo ng isang inclusive society na walang nagugutom, na ang mga Pilipino ay namumuhay nang malaon at malusog, naninirahan sa isang bansang ligtas at mapagkakatiwalaan, na may kalayaang maging malikhain, may angking talino, at kabahagi sa pagharap sa mga suliranin ng kasalukuyan.”


Inilunsad ang P29 noong Hulyo 5, 2024 sa sampung KADIWA ng Pangulo (KNP) centers sa Metro Manila at Bulacan, na may layuning gawing laganap ang murang bigas sa buong bansa.


Ang KNP ay isang market linkage facilitation program na ang mga pangunahing bilihin, kabilang ang mga produktong agrikultural, ay ibinebenta sa mas abot-kayang halaga.

Layunin ng P29 na magbigay ng mura at de-kalidad na bigas sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa. Target nitong maabot ang 6.9 milyong pamilya ohumigit- kumulang 35 milyong Pilipino, lalo na ang mga nasa disadvantaged sectors tulad ng mga indigent (4Ps beneficiaries), senior citizens, persons with disabilities (PWD), solo

parents, at indigenous people.


“Ang Program 29 ay isa sa dinirektiba po ng ating mahal na Pangulo bilang tugon sa mataas na presyo ng bigas,” paliwanag ni DA Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing and Consumer Affairs Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra.


Mula nang ilunsad ang P29 o Program 29 noong Hulyo, lumawak pa ito sa iba’t ibang lungsod at lalawigan sa bansa sa layunin ng pamahalaan na gawing available ang bigas na 29 pesos bawat kilo sa mga lugar sa Visayas at Mindanao.


Ang bigas na ginagamit sa programa ay nagmula sa non-regular stocks ng National Food Authority at binili ng Food Terminal Inc. (FTI)—isang korporasyon sa ilalim ng DA—at ibinebenta sa mga Pilipinong nasa vulnerable sector sa mas murang presyo.


Bilang karagdagang hakbang para makamit ang layunin ng gobyerno na mag

bigay ng abot-kayang pagkain sa mga Pilipino, inilunsad din ng DA ang “Rice for All” pro

gram sa pamamagitan ng pagbebenta ng well-milled rice sa halagang 40 pesos kada kilo.


Ang programa, na sinimulan noong Agosto 1, 2024, ay nagbibigay sa bawat mamimili

ng abot-kayang opsyon sa bigas. Sa ilalim ng inisyatibong ito, ang well-milled rice ay mabibili sa iba’t ibang KNP centers at pampublikong pamilihan sa iba’t ibang lugar, lalo na sa Luzon, sa halagang P40 bawat kilo, at bawat mamimili ay may nakalaang 25 kilong bigas kada araw.


Ang RFA ay isang self-sustaining initiative samantalang subsidized naman ang P29 program.


“‘Yung Rice-for-All program natin was following ‘yung pag-launch natin ng Program 29. We launched it to cater to vulnerable sectors. There was a concern na parang bakit sila

(vulnerable sectors) lang ang merong rice na mas mura. So ito po ‘yung naging response natin,” paliwanag ni Velicaria-Guevarra.



Dulot ng tagumpay ng Program 29 (P29), inilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang “Rice-for-All” Program sa mga piling tindahan ng Kadiwa, kasama ng well-milled rice na P45 kada kilo, murang mga pru ng well-milled rice na P45 kada kilo, murang mga prutas, gulay, isda, at karne, upang tinyakin ang mas malawak na pagkamit ng mga Filipino sa murang bi malawak na pagkamit ng mga Filipino sa murang bigas. Larawan mula sa sipi ng DA



Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., maaaring mas bumaba pa ang presyo ng bigas sa ilalim ng “Rice for All” program depende sa wholesale market prices

ng bigas.


Tiniyak niya na sa pangkalahatan, mas mababa ang presyo ng bigas na ibinebenta sa ilalim ng programa kung ihahambing sa kasalukuyang retail price.


“Nais ni Pangulong Marcos na masigurong may access ang bawat Pilipino sa abot-kayang pagkain sa mga panahong ito. Kaugnay nito, patuloy naming palalawakin ang KADIWA network at gagawing available ang mas maraming pangunahing bilihin sa publiko,” ayon sa opisyal.


“Ang bisyon natin ay maibaba hanggang sa pinakamurang halaga ang mga pangunahing

pagkain sa ilalim ng Rice-for-All program,” dagdag niya.


Samantala, matagumpay na naisasagawa ang programa batay sa Publicus Asia PAHAYAG survey na isinagawa mula Setyembre 15 hanggang 19 at nagpakita na 82 porsiyento ng mga sumagot ay sumang-ayon sa paglulunsad ng dalawang programa na naging dahilan para kilalaning nangunguna o “most approved” program ng pamahalaan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page