top of page
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 13, 2024


BLIND ITEM:


Nakakaloka naman pala ang pagiging insecure ng sikat na aktor na mataas ang ambisyon at may pagka-self-centered.


Maraming kaibigan nila ng ex-GF niyang sikat na aktres ang nagpapatunay na mas mahal ng sikat na aktor ang sarili kesa sa girl. 


Kapag daw kasi may mga projects sila together ng sikat na aktres-GF, nakikipagkumpitensiya sa exposure at sa billing itong sikat na aktor. Gusto rin niyang siya lagi ang bida at mas angat sa aktres at kapag nasasapawan siya sa kasikatan ng GF, galit na galit siya at feeling niya, natatapakan ang kanyang pride.


Kaya naman natauhan na ang sikat na aktres na hindi talaga siya totoong love ng BF na aktor dahil mas mahal nito ang career kesa sa kanya. Hindi siya priority ng guy at puro ang ambisyon nito ang iniisip.


So, wala nang balikang maaasahan sa dalawa dahil kahit ulitin pa nila ang kanilang relasyon, ganu'n lang din ang mangyayari.

 

 


 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet | January 4, 2024



Blind item:


Trulili kaya na nangungulit ang kilalang aktres na makipagbalikan sa aktor pero tumanggi na ang huli dahil payapa na ang buhay nila ng current dyowa?


Tsika ng aming source ay ilang beses nag-usap sina kilalang aktres at aktor para ayusin ang mga bagay-bagay sa kanilang dalawa lalo’t laging hinahanap ng mga anak nila ang tatay nila.


Ayon sa aming source, “Hinahanap kasi lagi ng mga bata ang tatay nila, ‘yung dating nakagawian na paggising, katabi nila ang tatay nila. Kaya talagang nakikiusap si (kilalang aktres) sa aktor na mag-ayos na sila at kalimutan ang lahat at wala nang tanungan kung ano ang nangyari.


“Ang kaso, paano? Okay na si (aktor) at si (dyowa), masaya na sila, maayos silang magkasama na ngayon sa iisang bubong. May basbas na rin ng mga magulang nila both sides. 


“Nahihiram naman ni (aktor) ang mga anak niya at nakakasama sa pamamasyal si (dyowa) kaya siguro ito ‘yung hindi matanggap ni (kilalang aktres) kasi nalilito ang mga bata, bakit may ibang girl si daddy nila.”


Dumating pa raw sa puntong mismong magulang na ng kilalang aktres ang kumausap sa aktor para balikan ang kanilang anak, pero hindi nangyari at nanindigan ang huli na wala nang chance.


As of now ay nananalangin pa rin ang kilalang aktres na sana ay magbago ang desisyon ng aktor.

 

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 5, 2023



Blind item:


Tila malabo na ngang magkaayos ang napabalitang kumpirmado nang naghiwalay na on and off-screen showbiz couple na ito, na kinagigiliwang sundan ng marami nating kababayan.


Ayon sa aming very reliable source, masalimuot at magulo na ang kanilang sitwasyon, na sinamahan na rin ng pakikialam ng mga nakapaligid sa lalaki.


May mga nauna nang napabalitang hindi sila pinangalanan na may pagbabanta ang magulang ng lalaki sa babae na ie-expose ang huli sa gitna ng pagprotekta niya sa sariling anak, ayon sa bersiyon nito sa kanyang magulang.


May mga akusasyon na naglabasan tungkol sa diumano’y ang babae ang may kasalanan sa hiwalayan.


Subalit kung tuluyang hahamunin ang babae, mapipilitan itong ilabas ang kanyang buong kalunus-lunos na kuwento at karanasan sa piling ng lalaking sobra niyang minahal at pinagtakpan kahit sa sarili niyang magulang.


Sa tindi ng maaaring isiwalat ng babae, malamang na hihinto na ang mga naninira sa babae at sumusulsol sa panig ng lalaki. Sapagkat kumpara sa akusasyon ng panig ng lalaki, mas malala ang maaaring ikaso ng babae, na mas bibigyan din ng simpatya ng mga sektor ng lipunan at mga nagtatanggol sa karapatan ng mga kababaihan laban sa pang-aabuso.


Kung magkademandahan, kulungan ang maaaring kasadlakan ng lalaki kahit habang nililitis pa lamang ang kaso.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page