top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | December 7, 2025



BIDA - JILLIAN, SUPER SEXY, PINAGDUDUDAHANG RETOKADA NA_IG _jillian

Photo: IG _jillian



Kinilig na naman ang mga shippers nina Jillian Ward at Eman Bacosa Pacquiao dahil ini-repost ng huli ang reels video ng Kapuso actress na ipinakita kung gaano siya ka-sexy at kung gaano kaliit ang waistline. 


May mga nagbiro pa nga na lahat ng ganda at kaseksihan ng aktres ay para lang sa kanya.


Ang ganda ng kurbada ng katawan ni Jillian at karamihan, humanga. May nanghingi pa ng tips kung paano siya pumayat at sumeksi. Hindi nga lang nawala ang mga nagduda, may nag-comment na dala raw iyon sa pagsusuot ni Jillian ng corset mula bata pa siya hanggang ngayon.


Nagkasagutan pa ang mga fans at bashers ni Jillian dahil in-insist ng fan na hindi gumamit ng corset ang aktres. Dala raw ng diet at workout ang pagpayat at pagiging sexy niya ngayon.


May nagsabi namang nagpa-tummy tuck si Jillian at retokada ang tiyan nito, bagay na kinontra ng mom ng aktres. Twenty years old pa lang daw ang anak niya, hindi pa puwedeng magpa-tummy tuck.


Sa mga nagduda naman na si Jillian ang nasa video dahil maliit daw ang hips at payat ang legs, samantalang sa personal ay bilugan ang aktres, sagot ng mom niya, “She lose weight, mahirap bang paniwalaan na may ganyan ka-sexy na katawan? But yeah, thanks sa compliment.”


Habang pinagdedebatehan pa kung si Jillian ba talaga ang nasa reels video na maliit ang waistline, ang aktres ay busy sa trabaho. Nagte-taping ito ng Never Say Die (NSD) series nila ni David Licauco at ipinasilip na nga ng GMA-7 ang ilang eksena sa action series na airing sa 2026.



ANAK ni Piolo Pascual ang role ni Ashtine Olviga sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng MQuest Ventures, Cignal at Spring Films na Manila’s Finest (MF), role na kaiinggitan ng mga baguhan. Kasi naman, bago pa lang si Ashtine, si Piolo agad ang kasama at gaganap pa niyang tatay.


Isama na rin ang iba pang cast gaya nina Enrique Gil, Ariel Rivera, Jasmine Curtis-Smith, Joey Marquez, Romnick Sarmenta, Rica Peralejo at marami pang iba.

Tapos, ang director ay si Raymond Red, tama lang na ma-overwhelmed si Ashtine.

Sa mediacon, natanong si Ashtine kung ano ang challenge sa kanya being in the movie. 


“Ang challenge sa akin ay kung paano labanan ang kaba. Mabuti sina Sir Piolo, ipinaramdam sa akin na okay lang magkamali. Sobrang thankful ako sa kanila at sa support nila kahit nalilito ako minsan dahil hindi nila dinagdagan ang pressure ko. In-enjoy ko lang ang mga scenes ko.”


Matutuwa si Ashtine dahil pinuri siya nina Piolo at Enrique Gil. 


Sabi nga ni Piolo, “I’m impressed dahil kahit gaano siya ka-busy, she did good.

Maganda ang ibinigay n’yang acting. She’s very eager to learn, napaka-humble at masarap kasama.”


Ganoon din ang sinabi ni Enrique Gil, eager to learn at mahusay at magaling makisama si Ashtine. 


Well, magaling din daw mag-TikTok si Ashtine kaya nagpapaturo sila ni Piolo.

Sa December 25, 2025, mapapanood na si Ashtine Olviga sa kanyang first movie with Piolo Pascual bilang actor at co-producer. 


Sigurado namang hindi siya pababayaan ng kanyang mga fans at susuportahan ang first MMFF movie niya.




Every year, nagpapalit, ‘di na makilala…

ARCI, AMINADONG PAIBA-IBA ANG MUKHA DAHIL SA RETOKE



Nakakatuwa ang mga netizens, hindi na nila bina-bash si Arci Muñoz sa paiba-iba nitong mukha dahil sa enhancement. Natutuwa na lang sila na makitang iba na naman ang mukha ng aktres na in fairness, hindi itinatanggi na dahil sa enhancement ang pagbabago ng kanyang hitsura.


Sa new photos ni Arci, iba na naman ang hitsura nito, kaya ang mababasang comment, “Final look na ‘yan this year, ha?” “Wala na si Arci,” “Ang layo na n’ya sa hitsura n’ya dati.” 


Paulit-ulit ang ganitong comment kaya nasanay na rin siguro si Arci.

May nag-comment naman na bagay kay Arci ang bago niyang mukha, mas lalo siyang gumanda. 


May nagsabi namang para na siyang Korean, para raw Chinese, at para sa iba, kamukha niya ang Thai actress na si Yaya Urassaya. 


Meron namang humanga sa husay ng doctor ni Arci Muñoz. May nagtanggol din sa kanya na wala silang pakialam anuman ang gawin nito sa kanyang mukha. Her face, her money, her rules — na tama naman.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | December 1, 2025



BIDA - MARIAN AT PIA, BFF NA_IG _marianrivera

Photo: IG _marianrivera



Ikinatutuwa ng kani-kanyang supporters na tila magiging mabuting magkaibigan sina Marian Rivera at Pia Wurtzbach-Jauncey. 


Nagsimula ang pagiging friends ng dalawa nang madalas magkasabay sa mga events ng Bvlgari, launching at opening ng mga high-end shop at iba pang fashion events.


Nagkakakuwentuhan siguro ang dalawa at doon na nagsimula ang kanilang friendship. 

Nitong huli, niregaluhan ni Pia ng chocolates si Marian. Ipinost ni Marian ang gift ni Pia at sabi niya, “You are the sweetest, Pia! Thank you for the chocolate — love them all!”


Iba’t iba ang flavor ng chocolates at sa wrapper pa lang, alam mong masarap. 

Inaabangan ng mga fans ang iba pang interaction nila at wish nga nila, kahit hindi sa mga fashion events ay magkita ang dalawa.


And speaking of Marian, hindi siya ma-bash sa pag-a-unboxing ng bago niyang Hermes bag. Comment ng mga netizens, alam nilang pinagtrabahuhan nito ang ibinili sa hard to find bag. Alam din nila na sunud-sunod pa rin ang endorsements ni Marian Rivera kaya afford niya ang luxury bag.





Aktor, no show na rin...

BARBIE, AYAW NANG PAG-USAPAN SI JAMESON



SOLO na dumalo sa black carpet premiere ng KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie (KMJSGNLTM) si Barbie Forteza at solo rin siyang tumakbo sa AIA Rock ‘n’ Roll Manila 2025. Hindi niya kasama si Jameson Blake sa dalawang events na ikinagulat ng mga nakakita sa aktres dahil dati naman, kasama niya ang aktor sa mga premiere night at lalo na sa pagtakbo.


Sa interview ni Gorgy Rula kay Barbie sa premiere night, inanunsiyo nito na, “I’m single and very happy. Always happy.” 


Hindi na nito sinagot kung ano ang nangyari — binasted ba niya si Jameson, nanligaw ba talaga ang aktor, tumigil sa panliligaw, o tama ang mga fans na pang-promo lang ang sweetness nilang dalawa?


Remember na nakikita silang laging magka-holding hands at nagde-date. Ipinakilala pa nga ni Jameson si Barbie sa mom niya at sa iba niyang relatives nang dalhin sa bahay ng mom at lola niya.


Hindi na lang natin malalaman kung ano ang nangyari dahil sabi ni Barbie kay Gorgy, huwag na lang pag-usapan. Ang mangyayari nito, hindi na natin sila makikitang magkasama sa panonood ng sine at pagtakbo. 


Magkita man sa pagtakbo, hindi na siguro sila sweet at baka magdedmahan pa.

Sabi naman ng mga fans, okay din na wala si Jameson sa premiere night dahil nandoon si Jak Roberto, pero friends ang dalawa at aprub nga si Jak kay Jameson for Barbie. Para ngang ipinaubaya na niya ang aktres kay Jameson Blake.


Nalungkot ang BarSon fans nina Barbie at Jameson sa naudlot na relasyon ng dalawa. Wala na raw magpapakilig sa kanila at hindi na nila makikitang magkasama. 


Natuwa naman ang BarDa fans nina Barbie at David Licauco — wala na raw Jameson na umeeksena. 


Sagot ng fans ni Barbie, kahit naudlot ang BarSon, hindi pa rin mababago ang sitwasyon na may non-showbiz girlfriend si David.





BUKAS, makikilala na ng media si Love Kryzl, ang bata at bagong recording artist dahil ilo-launch bukas ang new single niyang Kayong Dalawa Lang


Hindi pa man nailo-launch, naging controversial na ang new single ni Love Kryzl dahil ang music video ng single ay tampok ang engaged couple na sina Kiray Celis at Stephan Estopia.


Ang daming na-fake news at inakalang ikinasal na sina Kiray at Stephan, gayung sabi ng aktres sa mediacon ng Kiray Brands, this December pa ang kasal nila ng fiancé.

Later na nalamang music video shot for the said single ang sinabing kasal nina Kiray at Stephan.


Kinunan sa Las Casas sa Bagac, Bataan ang music video at aakalain talaga na kasal ng dalawa. 


Sa music video, makikitang sumasayaw si Love Kryzl at for sure, kinanta niya ang Kayong Dalawa Lang.


Marami pa tayong malalaman tungkol kay Love Kryzl after the launching. Isa sa sasagutin nito ang tanong na ano ang feeling na dahil sa kanya, marami ang na-fake news at inakalang kasal nina Kiray at Stephan ang nag-viral na wedding shoot nila.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | November 28, 2025



 BIDA - SARAH, IN-STALK DAW SI MARTY ROMUALDEZ KAYA PINAALIS SA BAR_FB Sarah Lahbati

Photo: FB Sarah Lahbati



Intriguing ang ini-repost ni Sarah Lahbati mula sa @vibezwithyell, “Judge me na lang, katamad mag-explain.”


Sabi ng mga nakabasa, baka patungkol ito kay Sarah kaugnay ng kinasangkutang isyu na diumano’y pagpapalabas sa kanya sa isang sosyal na bar. 


Nabanggit ang pangalan ni Rocio Zobel, ex-girlfriend ni Marty Romualdez, na nali-link kay Sarah.


Tama naman si Sarah, sa halip na mag-explain na baka mas lumala at lumaki pa ang isyu, mas mabuti kung mananahimik na lang siya at hayaang i-judge ng mga tao, lalo na ng mga Marites. 


Katwiran siguro nito, later on, lalabas din kung ano ang totoong nangyari, kung pinalabas nga siya o fake news ang kumalat na tsika.


Walang nababanggit si Sarah sa Instagram (IG), kaya mas apektado pa yata ang mga followers at supporters niya. 


May nanawagan naman kay Dra. Vicki Belo na mag-isyu ng statement to defend Sarah dahil isa ang aktres sa mga ambassadress ng Belo. 


Pero, Belo baby din pala si Rocio, kaya mahirap kung may kakampihan si Dra. Vicki.


Besides, hindi niya isyu ang isyu ng dalawa. Wala siyang alam at wala siya sa bar that time. 


Baka masisi pa si Dra. Vicki kapag nakialam.


Mapapansin din na iisa ang circle of friends na iniikutan nina Sarah Lahbati at Rocio Zobel. 


Ang maganda, tahimik sila sa socmed (social media), walang nagpo-post kaya less intriga. 



TO celebrate his 15th year in showbiz, magkakaroon ng Fan Meet si Alden Richards na tinawag niyang Moving ForwARd at magaganap ito sa December 13, 2026 sa Sta. Rosa Laguna Multi-Purpose Complex. Produced ito ng Myriad Entertainment na pag-aari ni Alden.


Sabi ni Alden, “15 years. Countless memories. One journey we built together. One night, one moment, created just for you. Come join me and reserve your seats.”


Dagdag pa ni Alden, “We want it to be immersive. We want them to feel it’s an event of feeling. We want them to feel all sorts of things—the hardships of my journey in the past years, and of course, the happy moments as well, the successful moments because ‘yung mga taong involved du’n, ‘yung mga taong pupunta du’n, parte sila nu’n.”


Kaya sa Sta. Rosa gagawin ang fan meet dahil tagarito si Alden, at maganda nga naman kung sa bayan niya gagawin ang isang special event sa buhay at career niya. 

May mga performers na magpapasaya sa mga dadalo, kabilang ang Cup of Joe.


Samantala, habang wala pang ginagawang TV series at movie si Alden, sa endorsement muna siya busy. Sunud-sunod pa rin ang endorsement niya at ang pinaka-latest ay isang brand ng corned beef.


Parang may pinaghahandaang pelikula si Alden, at parang action movie ito, dahil sa lumabas na photo kung saan may hawak siyang arnis at kasama niya si Larry St. Clair, lead instructor daw ng Martial Way Legacy. 


Excited ang mga fans na malaman kung para saan ang paghahandang ito ni Alden Richards.



IPINASA ni Gary Estrada sa amin ang Facebook (FB) post niyang “So proud of you, my love gaboy,” na ang tinutukoy ay ang second daughter nila ng wifey niyang si Bernadette Allyson, si Gabbi Ejercito. 


Kabilang kasi si Gabbi sa ipinakilala na cast ng Viva One series na Hell University (HU).

Ramdam ang pagiging proud ni Gary sa anak na sumunod sa kanila ni Bernadette na mag-showbiz. 


Gabbi is 19 years old, La Salle student, at pagsasabayin ang school at showbiz.

Gaya ng ibang cast, kabado pero excited si Gabbi sa first project niya, at kahit hindi siya ang lead, sigurado namang darating din ‘yun. 


Sa ngayon, support muna siya kina Heart Ryan at Zeke Polina, at kina Aubrey Caraan at Lance Carr.


Na-interview na namin dati si Gabbi at ang dalawa niyang kapatid, at lahat sila, gustong mag-showbiz, lalo na ang bunso. 


Ang eldest, gusto ring maging model at nagte-training na sa isang modelling agency na nagte-train din ng mga beauty queens.


Pangako nina Gary Estrada at Bernadette Allyson, hindi sila magiging stage parents sa kanilang mga anak. 


Well, hintayin natin kung mapapanindigan nila ang ipinangako.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page