top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | February 28, 2026



Xian Gaza at Michelle Dee

Photo: Xian Gaza at Michelle Dee - FB IG



Nakikipagtulungan na ngayon ang aktres-beauty queen na si Michelle Marquez Dee (MMD) sa National Bureau of Investigation (NBI) para makipag-ugnayan sa International Criminal Police Organization o Interpol kaugnay ng planong paghingi ng “Red Notice” laban sa controversial content creator na si Christian Albert Gaza o Xian Gaza, na pinaniniwalaang nasa labas ng bansa.


Ginagawa na ng kampo ni MMD ang lahat ng legal remedies para mapanagot si Xian Gaza.


Sey ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, “Siguro po, we will just exhaust all legal remedies at makipag-ugnayan sa law enforcement agencies para makagawa ng paraan. Kung kinakailangan ng red notice sa Interpol, lalo’t ‘di lang naman ito ang kanyang kaso at may iba pa s’yang mga kaso at pending warrant of arrest, maaari po natin itong ipaalarma sa Interpol para maisyuhan s’ya ng red notice at maaresto kahit wala s’ya sa Pilipinas.”

Nauna nang naghain si MMD ng supplemental affidavit sa NBI Cybercrime Division kaugnay ng kanyang cyber libel complaint. 


Ayon pa kay Atty. Garduque, may mga additional posts umano si Gaza na ‘defamatory and malicious’ kaya isinama ito sa kanilang reklamo.


“Actually, we’re very confident about it kasi ‘yung mga posts naman, eh, talagang may actual malice. These posts are made with knowledge na ‘di totoo,” dagdag pa niya.


Inihahanda na rin ng kampo ni MMD ang pag-akyat ng reklamo sa Makati Prosecutor’s Office habang hinihintay ang susunod na mga developments sa kaso.




Fave part daw sa mukha niya…

JASMINE, NEVER IPAPARETOKE ANG MGA MATA



INALALA ng magkapatid na Anne at Jasmine Curtis-Smith ang namayapa nilang ama sa birthday nito. 


Sa kanyang Instagram (IG), nag-post si Anne ng photo nila ng amang si James Ernest Curtis-Smith with a touching caption na: “Happy birthday to my Father Dearest. Missing him with all my heart. I can’t help but ponder what it must be like up in heaven. If today the angels celebrate him too, I hope they let him have a glass of wine. I know somewhere amongst the clouds and stars is where he sits and that’s where I’ll raise my glass to.”


Nag-post din si Jasmine ng photos nila ng dad niya at sa mga photos, ramdam ang closeness ng mag-ama. Lagi silang magkayakap sa mga larawan.





Mensahe pa ng aktres, “Happy birthday, Dad. Every drive to your place was always worth it because it ended in the warmth and safety of your embrace.


“I miss you in the quiet moments, in the long roads, in the small things. But I hope wherever you are, you’ve got your beer in a basong may yelo. Cheers to the life of our Gentle Giant.”

Anyway, kahit pala itinanggi at nilinaw ni Jasmine ang isyung pagpaparetoke niya ng mukha at sinabi ang rason kung bakit nabago ang mga mata niya sa paningin ng iba, may mga nag-insist pa rin na ang mga mata niya ang kanyang ipinaayos. Naging doll eyes daw, dahilan para mag-iba ang face niya.


Sabi naman ni Jasmine nang makausap namin sa set ng Season 2 ng Stars On The Floor (SOTF), namaga lang ang mga mata niya kaya inisip na nagparetoke siya. 

“My eyes are my favorite part of my face, ‘di ko ito ipagagalaw,” wika ni Jasmine.


Samantala, dancerist era muna si Jasmine ngayon dahil every episode ng STOF, mapapanood siyang sumasayaw. 


Wish ni Jasmine Curtis-Smith na makasama sa isang dance production number sina Alden Richards at Marian Rivera.



PINURI ng mga officers and members ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) si Dingdong Dantes dahil on time na dumating sa oath-taking ng mga new officers sa pamumuno ngayon ni Tessa Mauricio-Arriola. 


Eksaktong 11 AM daw dumating ang aktor sa venue, mabuti na lang at maaga rin silang dumating.


And speaking of Dingdong, dumating siya sa opening ng Philippine Film Heritage Building at may maganda siyang pahayag tungkol dito. Ini-represent niya ang AKTOR PH na kanyang pinamumunuan.


Pahayag ni Dingdong, “Yesterday felt like stepping into a cinematic frame. The newly opened Philippine Film Heritage Building in Intramuros now stands as a home for the future of Filipino cinema, housing Cinematheque Centre Manila alongside the Philippine Film Archive and FDCP offices.


“And what a way to open the screen. ‘SISA’!


“Mula sa direksiyon hanggang cinematography, mula sa mga performances hanggang scoring at production design, solid. Buong-buo. Isang total Filipino package na maipagmamalaki natin sa buong mundo.


“Kudos to its producers and all the forces behind it, under the vision of Jun Robles Lana, whom I hope to work with again someday.


“Being in the same room with the industry, hits rough patches, tuloy lang. We create, we take risks, and we move forward together.


“Salute to Direk @direkjoey and FDCP for calling action on this one.”

Sa April, regular na uling mapapanood si Dingdong Dantes sa teleserye ng GMA-7 dahil sa buwang nabanggit ang airing ng The Master Cutter (TMC), na isa uling action-packed series. 


Sa direction ni Dominic Zapata, mauunang mapanood sa Netflix ang nasabing series.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | February 27, 2026



Ashley Ortega - Instagram

Photo: Ashley Ortega - Instagram



HINDI pa pala nagkakaayos sina Ashley Ortega at ang mom niya at 4 years na silang hindi nagkikita mula nang umalis ang aktres sa bahay nila nang walang paalam. 


Minimal din ang communication nila. Nagparamdam lang ang mom ng aktres noong nasa Bahay ni Kuya siya sa Pinoy Big Brother (PBB). Sumulat ang mom niya sa kanya pero hanggang doon lang.


Sabi ni Ashley sa interview na umere sa GMA-7, nagpadala siya ng flowers sa mom niya pero wala itong sagot. 


Ramdam ang sakit kay Ashley habang binalikan ang nangyari sa kanila ng mom niya.


“Nagtatampo pa rin s’ya. I left without saying goodbye. I just needed time for myself and to grow. Four years and four Christmases na without her. It’s painful. Every day I pray things will be better,” sabi ni Ashley.


Sa tanong ni Nelson Canlas kung nag-reach out ba siya sa mom niya, sagot niya, “Of course, nag-reach out ako, pero wala pa rin. I had to step out para lang ‘di uli ma-trigger. It’s hard not having a relationship with her.”


Ang hirap nga noon, hindi niya mai-share sa mom niya ang nangyayari sa career at personal life niya. Hindi niya maikuwento ang boyfriend niyang si Mavy Legaspi. Hindi rin niya mai-share ang magagandang projects na ginagawa niya at isa rito ang GMA Afternoon Prime na Apoy sa Dugo (ASD). Bida-kontrabida ang role ni Ashley at maganda kung mapapanood siya ng mom niya.


Siguro nga, sobrang nasaktan ang mom ng aktres sa bigla niyang paglalayas kaya hindi pa siya magawang patawarin at muling tanggapin sa buhay niya. 

Naaawa ang mga fans kay Ashley Ortega pero tanong nila, bakit daw ito naglayas?




MAY paglilinaw na agad bago pa ma-bash si Tom Rodriguez na bakit siya ang leading man ni Bea Alonzo sa sisimulan nitong series sa GMA-7. 


Hindi magkatambal sa Whispers from Heaven (WFH) ang dalawa, walang leading man si Bea pero isa si Tom sa main characters ng series na isang political drama thriller.


Nagkaroon na ng storycon ang series na ididirek ni Zig Dulay at present ang karamihan sa cast. Bukod kay Tom, kasama rin sina Maricar Reyes, Cassy Legaspi, Jason Abalos at Jake Macapagal.


First time for Bea and Tom to work together at first time rin ni Bea na makasama ang cast bukod kay Maricar na nakatrabaho na niya sa isa niyang series sa ABS-CBN. 

Excited na si Bea to work again dahil ang last series niya ay ang Widows’ War (WW) pa kung saan kasama naman niya si Carla Abellana.



NAIBAHAGI ni Carlo Aquino ang nabasa niyang comment ng mga fans ni Bela Padilla na kapag daw nauulanan ang aktres sa mga pelikula nito, siguradong paiiyakin nito ang mga moviegoers. 


Paano ‘yan at sa isa nilang promo ng movie nilang A Special Memory (ASM), habang ang background music ay ang Himala ng Rivermaya, nasa ulanan sila pareho at basang-basa?


Tanong ng mga fans, ibig bang sabihin, dobleng iyak ang kanilang gagawin? Dobleng sakit ang kanilang mararamdaman habang pinapanood ang pelikula ni Director Jerry Lopez Sineneng?


Parang tama raw ang comment ng isang fan na dapat ay hindi lang panyo ang dalhin ng mga moviegoers kapag pinanood nila ang movie kundi small towel dahil iiyak sila nang husto. 


May nag-comment na nga ng “Naulanan na naman si Bela, masakit ‘yan for sure.”

Samantala, nagbiro si Carlo na nanginginig siya sa lamig habang kinukunan ang nasabing promo, hindi lang niya ipinahalata. 


Kahit naman si Bela, siguradong gininaw sa promo shoot, mabuti na lang at take one.


Be ready guys dahil sa mga quiet moments ng mga karakter nina Bela Padilla at Carlo Aquino kayo mas iiyak. 


Sabi nga ni Bela Padilla, “Damay-damay na ‘to guys. Kasama ang isa pang mapanakit @jose_liwanag.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | February 24, 2026



Chiz Escudero at Heart Evangelista

Photo: Heart at Chiz / YT File


Ikinatuwa ng mga fans ni Heart Evangelista ang post nitong may hawak siya na may nakasulat na initial na ‘L.M.E.’ na ang ibig sabihin ay Love Marie Escudero. Patunay daw ito na solid pa rin ang marriage nina Heart at Sen. Chiz Escudero, contrary sa nababalitang naapektuhan ang pagsasama nila dahil sa controversy ni Chiz.


Positive rin ang dating sa mga fans ng caption ni Heart sa post na, “Stitched into the story.” 


Ang dating nito ay may forever ang Chiz-Heart love story.





Good news din ang pagpasok ni Heart sa Top 10 in a male-dominated influencer landscape. Kasama siya sa Top 10 Key Voices ng Lefty para sa January 2026 Paris Menswear Fashion Week. Mas pinatatag nito ang katayuan niya bilang global fashion icon.


Imagine, napasok ni Heart ang isang heavily male-dominated influencer landscape dahil nakapagtala siya ng 5.4 percent engagement rate at nakapag-generate ng $3.34M na Earned Media Value.


Kasama niya sa Top 10 ang mga K-pop idols na sina Mingyu at The8 ng Seventeen, Hyunjin ng Stray Kids, Thai actor at singer na si Nattawat Jirochtikul, at iba pang talents at brand ambassadors sa Asia-Pacific region.


The only female in the list aside from Heart is Mon Laferte, a Chilean-Mexican singer.


Sa Menswear Fashion Week Fall-Winter 2026, dumalo si Heart sa mga high-value shows ng Amiri, Sacai, Patou, Hermes, LGN Louis Gabriel Nouchi at Kenzo.


Para sa mga observers, ang malakas na media impact ni Heart, lalo na ang pagiging the only Filipino representative sa latest Lefty ranking, ay patunay na patuloy siyang nag-e-endorse ng luxury fashion value sa Asia-Pacific region.



NAG-SHARE ng mga lessons at learnings si Marian Rivera sa Celebrity Dance Stars at P-Pop Dance Stars na nagko-collab at naglalaban-laban sa pagalingan ng pagsasayaw sa Season 2 ng Stars On The Floor (SOTF).


Aniya, “Lagi ko rin itong isinasalin sa mga anak ko na kung may bagay na gusto nilang kunin, i-ready nila ang sarili nila nang buung-buo. ‘Wag makalimot sa mga taong tumulong sa ‘yo papunta sa taas. Kailangan i-offer lahat sa Taas kasi ‘pag may basbas ‘yan, lahat ng gusto mo, mapupunta sa ‘yo.”


May dagdag pa si Marian na nakikita mong pinakikinggan ng mga celebrities at P-Pop artists. Reminder din daw niya ito sa kanyang younger self.


“Palaging iisipin na kailangang maging blessing ka sa ibang tao dahil ‘pag naging blessing ka, grabe ang flow ng blessings. Ganu’n lagi ang gagawin. ‘Wag makalimot sa Taas para matupad ang mga pangarap mo. Ganu’n lang ang gagawin natin para lahat tayo, happy at ma-achieve ang lahat ng gusto natin,” patuloy ni Marian.


Ayon pa kay Marian, turo ito ng lola niya na isinasalin niya sa kanyang mga anak at ngayon, sa mga contestants ng SOTF


Magandang example si Marian sa pagsunod sa turo ng lola niya kaya patuloy siyang ibine-bless.


Pinuri rin ni Marian ang Celebrity Dance Stars at P-Pop Dance Stars.

“Nakikita ko kung gaano sila ka-dedicated, nakikita ko ang friendship na nabuo. Lahat sila ay nakaka-proud,” sey niya.


Samantala, tuloy ang dating ng mga projects at hindi natatapos ang pagtanggap niya ng awards. 


Sa ginanap na Philippine Arts, Films, and Television Awards (PAFTA), nasungkit ni Marian ang Modern Grand Slam Best Actress Award para sa movie na Balota.

Hosted by Alden Richards, napapanood ang SOTF every Sunday, 7:15 PM on GMA-7 after Bubble Gang (BG).



Panoorin lang…

MOVIE TICKET NINA CHARO, BOOTS AT BARBIE, IBINABA NA ANG PRESYO



IBINABA na rin ang presyo ng ticket para sa movie ng Solar Studios at Centerstage Productions na Until She Remembers (USR). Ito at ang sipag mag-promote ng cast at ganda ng pelikula ang ilan sa mga rason para panoorin at suportahan ang USR na magbubukas sa mga sinehan bukas, February 25.


Nakakaaliw si Charo Santos-Concio, nasa dancerist era na talaga siya at enjoy sa pagti-TikTok (TT). Pati ang brother nito, nakumbinse niyang sumayaw.

Ang ganda rin ng post ni Charo patungkol sa movie nila nina Barbie Forteza at Boots Anson-Rodrigo.


Aniya, “This story is for those who love unconditionally, and for those who love quietly, even when love cannot fully bloom.


“My deepest gratitude to @titabootsansonroa, @barbaraforteza, our director @brillante_mendoza, @solarpixturesph, and to all our co-stars who poured their hearts into this film. Thank you to everyone who embraced our story with such warmth.


“May I gently remind us that love, in all its forms, is always worth choosing.”

Well, mukhang magiging uso na ang pagpapababa ng presyo ng movie tickets.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page