top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | May 28, 2026



Janine Gutierrez at Paulo Avelino

Photo: Janine Gutierrez at Paulo Avelino



Ngayong certified Star Magic artist na ang aktres na si Janine Gutierrez, sinabi niyang bukas siya sa posibilidad na muling makatrabaho si Paulo Avelino kung may angkop na proyekto.


Wala raw siyang nakikitang problema sa muling pakikipagtambal kay Paulo dahil bahagi naman ito ng kanilang trabaho bilang mga artista. 


Binigyang-diin din niya na mas mahalaga ang kuwento at kalidad ng proyekto kaysa sa mga personal na isyu o tsismis na minsang naiugnay sa kanila.


Nagustuhan ng maraming tagahanga ang tambalan nina Janine at Paulo sa Marry Me, Marry You (MMMY) kaya marami pa ring umaasang muli silang magsasama sa isang teleserye o pelikula.


Sa ngayon, wala pang opisyal na anunsiyo tungkol sa bagong proyektong pagsasamahan nila.


Ang malinaw ay nananatiling propesyonal ang kanilang relasyon at handa si Janine sa mga bagong oportunidad sa ilalim ng kanyang panibagong kontrata sa network.


Samantala, mas nakatuon ngayon ang atensiyon ng publiko sa kanyang relasyon kay Jericho Rosales, na kamakailan ay nagpakita ng suporta sa kanyang contract-signing event sa Star Magic at ABS-CBN. 


Dahil dito, naniniwala ang marami na patuloy na susuportahan ng kanyang mga tagahanga ang anumang proyektong kanyang tatanggapin.





Niloko, nadawit sa estafa…

TESSA, KINASUHAN ANG 25 YRS. NANG EX-PARTNER NA TIBO



Usap-usapan ngayon ang socialite na si Tessa Prieto dahil sa isinampa niyang falsification of documents laban sa kanyang dating lesbian partner na si Angel Chua at sa dalawa pang indibidwal sa harap ng Department of Justice (DOJ).


Ayon kay Prieto, may mga dokumentong umano’y pineke at ginamit laban sa kanya kaugnay ng mga legal na usaping kinakaharap niya.


Bahagi ng kanyang pagtatanggol sa sarili ang pagsasampa ng kaso matapos siyang madawit sa isang hiwalay na kasong estafa.


Nais din umano niyang mailahad ang kanyang panig at mapanagot ang mga responsable kung mapatutunayang may naganap na pamemeke ng dokumento.


Hiwalay ang reklamong ito sa nauna niyang kaso laban sa dating partner na may kaugnayan sa umano’y physical abuse at paglabag sa Anti-VAWC (Violence Against Women and Their Children) Act.


Sa ngayon, nasa pagsusuri ng DOJ pa ang reklamo at wala pang pinal na desisyon kung may sapat na basehan upang magsampa ng kaso sa korte.


Matagal nang kilala si Tessa sa Philippine society circles dahil sa kanyang makulay na fashion style, charity work, at iba’t ibang social engagements. Marami rin ang dumepensa sa kanya at nagsabing bahagi na ng kanyang personalidad at public image ang kanyang kakaibang pananamit.

Ilan sa mga komento ng mga netizens:


“She’s very nice and good vibes. Madali lang talaga s’yang maloko, it seems like it.”

“She went through a heartbreak. Though ‘di natin alam ang buong nangyari, mukhang masakit ang pinagdaanan n’ya. Imagine, they celebrated their 25th year together, tapos bigla silang naghiwalay.”


“Alam ko, naloko rin s’ya ng ex-husband n’ya.”


“Mabait at friendly kasi si Tessa. Kahit sosyal, ‘di matapobre kaya minsan, naaabuso ng ibang tao.”


May nagkomento rin ng “Sana, ‘di ganito ang ending nina Janella Salvador at Klea Pineda.”

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 3, 2026



BULGARY - VICE, NAGSAWA NA SA MANSIYON NILA NI ION, GUSTONG LUMIPAT SA SIMPLENG BAHAY-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



Ngayong natupad na ni Unkabogable Star Vice Ganda ang pangarap na magkaroon ng malaking bahay, ibinahagi niya sa panayam ni MJ Felipe para sa TFC show na Are You G? (AYG) na mas pinipili na niya ngayon ang simple at praktikal na pamumuhay.


“Nagbago na ‘yung trip ko. Gusto ko ng mas maliit na bahay. Gusto ko na ng mas simple lang. Gusto ko ng kulay puting bahay. Dati, ayaw ko ng puting bahay, gusto ko, dark s’ya,” deklara ni Meme Vice.


Ipinaliwanag ni Vice na habang tumatanda siya, nagbabago rin ang kanyang pananaw sa buhay.


Aniya, “Siguro ‘yung state of mind, ‘yung sensibilities mo, nag-iiba habang tumatanda ka, ‘di ba? S’yempre, nu’ng walang-wala ka, ang dream mo ay malaking-malaki. Ganu’n ako dati lalo nu’ng bata pa ako, malala akong mangarap. Malala ‘yung mga goals ko.”


Ayon kay Vice, masarap sa pakiramdam na maabot ang mga dating pangarap, ngunit kalaunan ay hinahanap pa rin niya ang mas payak na pamumuhay.


“Tapos, s’yempre, ang sarap sa pakiramdam na na-achieve mo ‘yun pero pagkatapos ng lahat, babalik at babalik ka sa basic, eh. Okay na, na-achieve ko na ‘to, naranasan ko na. Gusto ko ‘yung mas simple, mas nagkikita kami ng mga gusto kong makita sa bahay. ‘Di ‘yung ‘pag dalawa lang kami ni Ion, hahanapin ko pa s’ya sa bahay,” lahad niya.


Ikinuwento rin ni Vice ang naging usapan nila ni Ion tungkol sa laki ng kanilang bahay.

Kuwento niya, “Sabi ko kay Ion, ‘Alam mo, ang laki nito para sa ating dalawa, napapagod ako.’ Sabi ko, ‘Dapat mas maliit na lang ‘yung bahay natin para ‘di tayo nagtataguan.’”


Bukod dito, aminado siyang malaking hamon din ang maintenance ng malaking bahay.

Sey ni Vice, “Magastos, ang hirap n’yang i-maintain. Konting kebot, meron kang mapapansin, may sasablay. At saka ‘yung mga tubo, may tutulong ganyan. Sabi ko, ‘di na natatapos.”


Dagdag pa niya, “Lahat ng nagpagawa ng bahay, alam kong nauunawaan nila ‘yun na ‘di natatapos ang pagpapagawa. Akala ko dati, sa mga simpleng bahay lang nangyayari na may tumutulo o nagli-leak ‘pag umuulan. Hindi pala. Kahit maayos at maganda ang bahay mo, may mga nasisira pa rin.”


Well, ibebenta na kaya ni Vice ang mansiyon nila ni Ion para lumipat sa mas maliit na bahay?  





POSITIBO ang pagtanggap ng mga manonood kina Fyang Smith, Ivana Alawi, at Jane Oineza sa seryeng Love Is Never Gone (LING) na mapapanood sa Prime Video.


Partikular na pinupuri si Ivana sa mas mature at dramatic na pagganap niya bilang Yana/Gem Verona, habang umani rin ng papuri si Jane para sa emosyonal niyang pagganap bilang Larajean.


Si Fyang naman ay nakatatanggap ng magagandang komento dahil sa kanyang natural na pag-arte at mahusay na pagganap bilang Raya Verona.


Usap-usapan din online ang chemistry nina Joshua Garcia at Ivana, na isa sa mga madalas banggitin ng mga viewers matapos ang premiere ng serye.


Ayon sa ABS-CBN, naging No. 1 show sa Prime Video Philippines ang LING matapos ang debut nito noong Mayo.


Bagama’t may ilang netizens na naghahambing ng kuwento nito sa ibang pelikula at serye, marami pa rin ang sumusubaybay sa mga karakter at sa kombinasyon ng romance, suspense, at drama ng palabas.


Pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Ivana Alawi, Jane Oineza, Fyang Smith at JM Ibarra ang Love Is Never Gone, na napapanood tuwing Biyernes sa Prime Video.



 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 2, 2026



BULGARY -HEART, TODO-IWAS MAGPAINTERBYU SA FLOOD CONTROL ISSUE NI SEN. CHIZ-IG _iamhearte

Photo: IG _iamhearte



May usap-usapan na umiiwas si Heart Evangelista na mainterbyu nang solo pagkatapos ng mediacon ng game show nila ni Sean Lucas sa GMA-7.


Ayon sa ilang entertainment press, maigsi lamang daw ang Q&A kaya nais pa sana nilang makatsikahan ang Kapuso actress. 


Agad daw kasing umalis si Heart at bumalik sa dressing room kaya hindi na siya nakapanayam nang paisa-isa ng mga miyembro ng media.


Dahil dito, may ilang entertainment reporters na nag-isip na baka umiiwas si Heart sa mga tanong tungkol sa mga kontrobersiyang nauugnay sa kanya at sa kanyang mister na si ex-Senate President (SP) Chiz Escudero na sangkot sa isyu ng flood control at korupsiyon.


Ayon naman sa production team, kailangan lamang talagang umalis ni Heart Evangelista dahil maghahanda pa siya para sa isa pang shoot na nakatakda pagkatapos ng media launch.

‘Yun na!





IBINAHAGI ni Lian Paz ang kanyang larawan ng pagtatapos mula sa Cebu Institute of Technology University (CIT-U). 


Inamin ng dating dancer-actress na minsan niyang naramdaman na tila hindi na niya mararanasan ang mga planong inilaan ng Diyos para sa kanya.


Aniya, “‘Di ko masabi ang tamang mga salita kung paano ko mapapasalamatan si Hesus para sa Kanyang katapatan sa buhay ko.


“Grabe ka, Lord. Lahat ng sinira ko, ginulo ko, inayos Mo. Habang lalo kong nakikita ang pag-ibig ni Hesus, ang pamantayan kung sino ako dapat para sa Kanya ay tumataas. Binigyan Niya ako ng layunin. Isinusulat Niyang muli ang kuwento ng aking buhay at palagi itong binibigyan ng pinakamagandang plot twist!”


Prangka rin niyang ibinahagi na dati niyang iniisip na huli na ang lahat para matupad niya ang kanyang pangarap.


Sey ni Lian Paz, “I thought I already missed out on the plans na mayroon si Lord para sa akin, pero Siya ang author ng buhay ko. Jesus, You redeem every part of me that is broken. You made me whole again and again.”


Dugtong pa niya, “Itong diploma, I dedicate to honor my parents. Sorry, Dad, na-late po. I know you see it from up there. To my lola na itinuring kong nanay ko, alam ko, isa ka sa pinakamasaya. My heart aches na wala ka na, but I know, like Dad, nakita mo ‘to. My mom, here’s another treasure for you.”


Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng mensahe sa kanyang mga anak.

Sinabi niya, “To my kids, Xonia, Xalene and Niña, kayo ang best part of this graduation. Who would have thought na this milestone, you will be able to witness? I cannot contain the joy that God gave me. Imagine, kasama ko kayo on this journey? How wonderful!”


Congratulations, Lian Paz!





Kahit kalat na…

JULIA, TIKOM ANG BIBIG SA ENGAGEMENT DAW KAY LUCAS LORENZO



TRENDING ngayon ang pasabog ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update hinggil sa umano’y engagement ni Julia Barretto at ng rumored non-showbiz boyfriend nito na mula sa mayamang pamilya na si Lucas Lorenzo.


Ayon sa source ni Ogie, pormal nang engaged ang dalawa.


Kung matatandaan, matagal nang usap-usapan ang kanilang relasyon dahil madalas silang maispatang nagdya-jogging at nagdi-dinner nang magkasama sa Makati.


Ang balitang ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawang personalidad.

Kung sakaling totoo ang engagement, lalo pang titibay ang koneksiyon ng mga pamilyang Barretto at Lorenzo. 


Ang kapatid ni Lucas na si Mateo Lorenzo ay mister ni Erich Gonzales, habang ang isa pa nilang kapatid na si Basti Lorenzo ay mister naman ng kapatid ni Julia na si Claudia Barretto.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page