top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Lolet Abania | January 15, 2023



Nakamit ni Miss USA R’Bonney Gabriel ang korona bilang Miss Universe 2022, kung saan hindi lamang siya ipinagmamalaki ngayon ng Amerika maging ng Pilipinas din.


Isang Filipino-American beauty queen, tinalo ni R’Bonney ang 82 kandidata sa coronation night ng Miss Universe pageant, kung saan ang bagong owner nito ay si Anne Jakapong Jakrajutatip, na ginanap sa New Orleans, Louisiana, ngayong Linggo (oras sa Pilipinas).


Isinilang si R’Bonney sa Houston, Texas. Habang ang kanyang ama na si Remigio Bonzon “R. Bon” Gabriel ay ipinanganak naman sa Pilipinas at tubong Manila. Sa edad na 25, nag-migrate si Remigio sa Washington, USA, habang ang ina ni R’Bonney na si Dana Walker ay nagmula sa Beaumont, Texas.


Bukod sa nagwaging Miss Universe, si R’Bonney ang kauna-unahang Fil-Am na kinoronahang Miss USA.


Sa ngayon, si R’Bonney ay 28-anyos na. Nagmarka sa mga hurado ang isa sa mga interview questions sa kabuuan ng coronation night ang tungkol sa kung anong mga pagbabago o changes ang kanyang gagawin para sa Miss Universe competition.


Tiwalang sinagot ni R’Bonney ito na kanyang itataas ang age limit ng pageant.


“I do not believe age defines us,” pahayag ni R’Bonney. At sinundan pa niya ng sagot ng kanyang favorite quote na, “If not now, then when?”


Sa batang edad na 15, fashion ang minahal nang husto ni R’Bonney. Nagtapos siya mula sa University of North Texas na may bachelor’s degree in Fashion Design noong 2018.


Si R’Bonney ay isang fashion designer, model, at kasalukuyang CEO ng kanyang sariling sustainable clothing line, ang R’Bonney Nola.


Para sa kanyang naggagandang outfits sa Miss Universe pageant, nakipag-collaborate naman si R’Bonney sa mga Filipino fashion designers.


Ang kanyang evening gown sa ginanap na mga preliminaries at coronation night ay ginawa ni Rian Fernandez, habang ang kanyang national costume ay gawa naman ni Patrick Isorena.


Gayundin, si R’Bonney ang siyang lead sewing instructor sa Magpies & Peacocks, isang Houston-based non-profit design house na kilala sa kanilang commitment para sa tinatawag na sustainability at community impact. Nagtuturo din ang Miss Universe 2022 ng sewing classes sa mga babae na naging biktima ng human trafficking at domestic violence.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 18, 2022



Ngayong Nobyembre na gaganapin ang Miss Earth 2022 at ang ating kinatawang si Jenny Ramp na nanalong Miss Earth Philippines ay nagsasanay na sa nalalapit nitong pagsabak para makuha ang international title.



Pero masamang balita dahil namatay ang daddy ni Jenny two days ago na nasa ibang bansa at hindi naman siya makaalis para masilip ito dahil sa nalalapit na kompetisyon.


Sa Instagram post ni Jenny, nandu'n ang mga larawang kasama niya ang ama mula noong bata siya hanggang nu'ng manalo siyang Miss Earth Philippines.


Ang caption ng 19-year-old lass from Tarlac City, “Rest easily, daddy. If you had just held on for a little longer you would’ve seen me complete my dreams, representing our Philippines on the international stage. I hope to make you proud up there on all my future endeavors. I love you.”


Kamakailan ay nakatsikahan namin ang Fil-Am beauty queen bilang special guest sa ginanap na launching ng GLUTANEX Skincare mula Korea na dinala rito nina Ms. Mary Grace Juliano, CEO of PINK VENTURES INC. (The Exclusive Distributor of GLUTANEX in the Philippines) at Mr. Alain Chan, vice-president.



Ang endorser ng nasabing produkto na si Korean actress Song Ji Hyo ay nakatakdang pumunta ng Pilipinas sa 1st quarter ng 2023 sa pakikipagtulungan ng NEXUS PHARMA/GLUTANEX TEAM na binubuo nina Sung Seung Je (president),

Hyun Yoo Jin (CEO Global Business), Jene Hong (Marketing head), Jee Yun Lim (Sales Manager of Asia); Jeon Wong Kim (Sales Manager of Asia) at Seoho Hyo (Sales Representative for Asia).

Going back to Jenny, aminado siyang bilang beauty queen ay kailangang alagaan niya ang kanyang skin at inaming sumubok ng maraming produkto pero ang Glutanex ang pinaka-effective sa kanya.


Aniya, “Skincare is a priority because there will be lots of restless nights. Every day there’s going to be an activity. We’re going to be sweaty, we will feel dirty, and we’re going to be wearing a lot of makeup, so it’s really important to have a proper skincare routine."


Dagdag pa niya, “Wear a lot of makeup and on some days, it’s heavier than what I am wearing now. So It’s really important to take care of my skin and I use these amazing products from Glutanex. I'm so thankful that skincare products like this exists."


 
 

ni Lolet Abania | June 6, 2022



Nasungkit ni Gwendolyne Fourniol ng Negros Occidental ang korona bilang Miss World Philippines 2022 sa ginanap na coronation night sa Mall of Asia Arena nitong Linggo.


Si Fourniol ang itinanghal na national winner mula sa 35 naggagandahang kandidata at siyang representative ng bansa para sa Miss World 2022 pageant.


Sinundan niya si Tracy Maureen Perez na kinoronahan bilang Miss World Philippines 2021, kung saan umabot naman sa Top 12 sa naturang international pageant na ginanap sa Puerto Rico nito lamang Marso.


Sa final round ng question and answer segment, tinanong si Fourniol kung paano ang bansa ay makakabawi mula sa education deficit na nangyayari dahil sa pandemya.


Para sa kanyang sagot, ani Fourniol, “As an advocate of education, I do agree that during the pandemic, we have suffered the most but the children who have the lack of access to education have suffered the greatest and working hand in hand with ERDA Foundation who empowered the marginalized Filipinos, I believe by uniting benefactors and encouraging our children and allowing them to go back to school especially during this pandemic will make this world a better place because education is the greatest weapon against poverty.”


Narito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi sa Miss World Philippines 2022:

Miss Supranational Philippines 2022 - Alison Black ng Las Piñas City

Reina Hispanoamericana Filipinas 2022 – Maria Ingrid Santamaria ng Parañaque City

Miss Eco Philippines 2022 – Ashley Subijano Montenegro ng Makati City

Miss World Philippines Tourism 2022 – Justine Beatrice Felizarta ng Marikina City

Miss Eco Teen Philippines 2022 – Beatriz McLelland ng Aklan

Second Princess and Miss World Philippines Charity 2022 - Cassandra Chan ng San Juan City


Para sa special awards na nakamit sa kompetisyon ay ang mga sumusunod:

Miss Photogenic Award – Ashley Subijano Montenegro (Makati City)

Miss Not Fungible Beauty Award – Alison Black (Las Piñas), Maria Gigante (Cebu), at Maria Ingrid Santamaria (Parañaque)

Miss Kumu World – Kristal Marie Gante (Davao del Norte)

Miss Silka Award – Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental)

Miss Love Your Skin Award - Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental), Justine Beatrice Felizarte (Marikina City)

Best in Swimsuit – Alison Black (Las Piñas)

Best in Evening Gown – Gwendolyne Fourniol (Negros Occidental)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page