top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Rohn Romulo @Run Wild | August 2, 2026



Katrina Llegado - IG Eduarda Barum

Photo: Katrina Llegado - IG Eduarda Barum


Bongga ang pagpasok ng unang araw ng Agosto dahil isang magandang balita ang bumulaga sa mga Pilipino nang masungkit ng pambato ng bansa na si Ma. Katrina Llegado ang titulong Miss Supranational sa Poland.


Isang modelo, negosyante, at military reservist si Katrina na nagtapos sa De La Salle University (DLSU). Siya ang pangalawang Pilipinang nanalo ng titulo matapos ang kompetisyon na ginanap sa Nowy Sącz, Poland, noong Hulyo 31 (Agosto 1 sa Maynila). Si Mutya Datul ang unang winner ng Miss Supranational noong 2013.


Kinabog ni Katrina ang 66 pang kandidata mula sa buong mundo upang makuha ang korona mula sa nagwagi noong nakaraang taon na si Eduarda Braum ng Brazil.


Hindi ito ang kanyang unang international competition. Una niyang ini-represent ang Pilipinas sa 2019 Reina Hispanoamericana pageant sa Bolivia, kung saan nakamit niya ang Quinta Finalista o 5th runner-up.


Bago nakuha ni Llegado ang titulong 2026 Miss Supranational, nakapasok siya sa finals ng 2025 Miss Universe Philippines pageant kung saan si Ahtisa Manalo ang winner.


Ang first runner-up naman sa Miss Supranational ay ang seasoned contender na si Ève Gilles ng France, na naging semi-finalist din sa 74th Miss Universe pageant.

Congrats, Katrina Llegado! Ano kaya ang masasabi ng mga bashers na nagsabing hindi siya makakapasok sa Top 20?


Isang malaking sampal sa kanila ang kanyang pagkapanalo.





ANG itinanghal na Best Picture sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) na I’mPerfect, ang first-ever Filipino feature film na tampok ang mga aktor na may Down syndrome, ay nakatanggap ng official invitation sa Lucania Film Festival.


Isa na namang malaking karangalan ito para sa Pilipinas at malaking hakbang para sa patuloy na pag-angat ng Philippine independent cinema sa world stage.


Dumating na sa Italy ang cast na kinabibilangan nina MMFF Best Actress Krystel Go, Earl Amaba, Javi Sarmiento, at Angela Batallones. Kasama rin ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez at ang creative team ng award-winning Filipino independent film na I’mPerfect upang opisyal na i-represent ang Pilipinas sa 27th Lucania Film Festival na gaganapin mula August 2 to 5 sa Pisticci, Italy, kung saan kabilang ang pelikula sa official international line-up ng prestihiyosong festival.


Ang film festival ay isa sa mga kinikilalang international festivals na nagbibigay-pugay sa independent films at nagtitipon ng filmmakers, producers, at artists mula sa iba’t ibang panig ng mundo.


Isa nga itong napakalaking milestone para sa I’mPerfect, na mula sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo, na patuloy ang pag-ani ng international recognition matapos ang matagumpay nitong festival run noong Disyembre, 2025.

Habang nasa Italy, nakikibahagi ang Philippine delegation sa iba’t ibang festival activities kasama ang filmmakers at industry professionals mula sa Europa, Asya, at iba pang mga bansa.


Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa cultural exchange, networking, at posibleng international collaborations.


Sa pamamagitan ng I’mPerfect, maipapakita sa international audience ang isang natatanging kuwentong Pilipino, pati na rin ang world-class creativity at husay ng ating mga filmmakers.


Ayon kay Ria Atayde-Marudo, CEO ng Nathan Studios, ang pagkakapili sa  pelikula ay bunga ng dedikasyon at pagsisikap ng buong production team at isang pagkakataon upang maipakita ang galing ng mga Pilipino sa mas malaking pandaigdigang entablado.


Higit pa sa festival screening, ang paglahok ng I’mPerfect sa Lucania Film Festival ay patunay na lalo pang kinikilala ang Philippine cinema sa international film community, kung saan patuloy na nakakakuha ng invitations, awards, at magagandang reviews ang mga pelikulang Pilipino.


Ngayong nasa ika-27 taon na ang Lucania Film Festival, nananatili itong isa sa mahahalagang international events na nagsusulong ng independent filmmaking at cultural exchange sa pamamagitan ng pelikula.

Congrats, Team I’mPerfect!

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 4, 2026



TALKIES - BEA MILLAN-WINDORSKI, PAMBATO NG ‘PINAS SA MISS U 2026-FB Beatrice Millan Windorski

Photo: FB Beatrice Millan Windorski



Kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2026 si Bea Millan-Windorski mula sa La Union noong Mayo 2, 2026. 


Tipong hindi narinig ni Bea na ang pangalan niya ang itinanghal na 2026 Miss Universe Philippines noong gabi ng patimpalak dahil matapos ianunsiyo ang kanyang pangalan ay makikitang pumapalakpak pa siya katabi ang mga naggagandahang kandidata at tila hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga pangyayari.


Na-realize lang ni Bea na siya ang nanalo nang batiin siya ng kasamang kandidata at sinabing siya ang nagwagi ng korona bilang Miss Universe Philippines 2026.


Si Bea ang magiging representative ng Pilipinas para sa 75th Miss Universe na gaganapin sa San Juan, Puerto Rico sa November 2026.

Isang malaking congratulations, Bea Millan-Windorski.





Nagbahagi si Lara Quigaman ng throwback photo niya kasama ang asawa na si Marco Alcaraz at mga anak na sina Noah, Tobin at Moses noong panahon na nag-migrate sila sa Canada.


Sey ni Lara, “Three years ago today, we walked away from everything familiar, our careers, our home, our family, our friends, our comfort—and started over in Canada.

“Noah was 10, Tobin was 4 and Moses was just 2 years old. It wasn’t easy, but we were together, and that was what made it worth it.


“Our prayer was that God would bring us closer to each other, closer to Him, and use us for His purpose. And He has answered every single one of those—and more.


“We don’t know what’s ahead but we trust that He goes before us and will be with us. He will never leave us nor forsake us so we will face each day without fear knowing our God is a God who keeps His promises.”


Amen to that, Lara. God is good all the time.





“INAAYAWAN ko ‘yung pila, baka maapakan ako,” ang pahayag ng komedyante at forever Goin’ Bulilit (GB) living legend na si Dagul sa game show na Ang Tanong.


Sa panayam ng mahusay na TV host na si Toni Gonzaga, napag-usapan nila ni Dagul ang tungkol sa ayuda na puwedeng makuha ng isang senior citizen.

Tanong ni Toni, “Nagso-social media ka ba?”


Saad ni Dagul, “Sa TikTok kaming dalawa ng anak ko, pinipilit n’ya ako. Ayaw ko talaga. ‘Yan, nasubukan namin, okay naman kahit paano, may nanonood.”

Dagdag na tanong ni Toni, “Pero nu’ng nag-start kayo sa showbiz, paano kayo napasok sa pag-aartista?”


Saad ni Dagul, “Namili lang ako ng paninda namin ni misis dito sa Maynila, tapos sinubukan kong manood ng Sang Linggo nAPO Sila (SLNS) dati.


“Tapos, nagpa-picture ako kay Sir Willie Revillame, itinuro n’ya ako kay Randy Santiago, sabi n’ya, ‘Du’n ka magpa-picture rin.’


“Eh, kakaumpisa pa lang ng Kool Ka Lang. Sabi n’ya, ‘Gusto mo bang mag-artista?’ Sabi ko, ‘Sige, subukan ko.’ Sabi n’ya, ‘Kaya lang du’n ka sa kabila.’ Sabi ko, ‘Kahit saan.’ ‘Yun, sa Kool Ka Lang noong 1998 ako nag-umpisa.”


Tanong ni Toni, “Saan kayo pinakanahirapan sa showbiz?”


Saad ni Dagul, “Nahihirapan talaga ako ‘pag mahaba ‘yung lines ko. Mahina ako mag-memory, pero sa mag-acting, kahit ano, kahit ibalibag, kaya ko ‘yun nu’ng bata-bata pa ako.”

Sa panayam ay tinanong ni Toni kung ilang taon na si Dagul.


Saad ni Dagul, “Sixty-five (years old). Sabi ng kapitan namin, may allowance na raw ako. Sabi ko, ‘Ano’ng allowance ‘yun?’ Dapat 60 o 65.”


Hirit na tanong ni Toni, “Ang mga senior, may pensiyon?”

Saad ni Dagul, “Meron, may pensiyon ata.”


Sey naman ni Toni, “Dapat kinukuha n’yo ‘yung pensiyon n’yo.”

Saad ni Dagul, “Inaayawan ko ‘yung pila, baka maapakan ako.”

Tanong ni Toni, “Kumusta ang buhay ng isang senior, Kuya Dagul?”


Saad ni Dagul, “Napakahirap minsan. Naalala ko nu’ng kabataan ko, ‘pag tumakbo ako, nadadapa, ang bilis kong tumayo, takbo pa rin.


“Pero ngayon, ‘pag nadapa, wala na. Sisigaw na lang ako, ‘Darna.’ ‘Di na ako makatayo.”

Well, in fairness kay Dagul, mahusay pa ring magpatawa kahit sa mga simpleng bitaw ng dialogue.





MULING kinilala ang ABS-CBN News para sa mga development-oriented nitong programa sa Gandingan Awards 2026, kung saan nagwagi rin si senior reporter Michael Delizo.


Pinangalanang Best Field Reporter si Michael Delizo para sa kanyang makabuluhang pagbabalita ng mga isyung seguridad, polisiya at militar sa siyudad.


Pinarangalan din ang ilang programa ng ABS-CBN News kabilang ang Tao Po (TP) na ginawaran bilang Most Development-Oriented Magazine Program at ang

My Puhunan: Kaya Mo! (MPKM) na itinanghal bilang Most Development-Oriented Livelihood Program.


Ang digital feature naman ng NXT na ‘Reshaping the Future of Farming Through Renewable Energy’ ay nagkamit ng parangal na Most Development-Oriented Online Video.


Ang Gandingan Awards ng University of the Philippines Community Broadcasters’ Society (UPCBS) ay nagbibigay-pagkilala sa mga bukod-tanging personalidad, organisasyon, kumpanya, eskuwelahan at programa sa bansa.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

by Info @ News | November 21, 2025



Bongbong Marcos

Photo File: Miss Universe Philippines



MISS UNIVERSE 2025 3RD RUNNER UP 🇵🇭👑💫


Itinanghal na 3rd runner up ang pambato ng Pilipinas na si Ma. Ahtisa Manalo sa 74th Miss Universe na ginanap sa Thailand ngayong Biyernes, Nobyembre 21.


‘I want to be the hope of the people’


Ito ang mula sa pusong sagot ni Miss Universe 2025 3rd runner up Ma. Ahtisa Manalo sa kakatapos lang na prestihiyosong pageant ngayong Biyernes, Nobyembre 21.


Nag-iwan ng marka ang kanyang mga salita para sa mga kabataan at sa kanyang adbokasiya sa Alon Akademie.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page