top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 5, 2023



ree

Mga laro ngayong Martes – MOA

4:45 PM Lithuania vs. Serbia

8:40 PM Italya vs. USA


Sisipa ngayong Martes ang quarterfinals ng 2023 FIBA World Cup sa Mall of Asia Arena at bawal na ang magkamali. Gagawin ng nalalabing paboritong Team USA ang lahat laban sa inspiradong Italya sa tampok na laro ng 8:40 p.m. matapos ang salpukan ng mga bigating Lithuania at Serbia sa 4:45 ng hapon.

Galing ang mga Amerikano sa unang talo sa torneo sa kamay ng Lithuania noong Linggo ng gabi, 110-104. Kahit bigo, hindi nababahala si Coach Steve Kerr dahil buhay pa ang kanilang ultimong layunin na mauwi ang Naismith Trophy.

Maagang umarangkada ang Lithuania at ipinasok ang kanilang unang siyam na three-points patungo sa 54-37 lamang sa halftime. Subalit pinuri ni Coach Kerr ang inilaro ng kanyang koponan sa second half at muntik na baligtarin ang resulta kung hindi lang sa ilang pagkakamali sa dulo.

Siyam na Lithuanian ang nagtala ng siyam o higit na puntos sa pangunguna ni Kariniauskas na may 15 upang manatiling walang talo sa limang laban. Mag-iisang gumawa ng 35 si Anthony Edwards at biglang nagpakumbaba siya matapos magsalita noong Miyerkules na tatalunin nila ang Montenegro at Lithuania.

Pumasok ang mga Italyano sa quarterfinals sa 73-57 tambak sa Puerto Rico noong Linggo sa Araneta Coliseum. Patuloy na aasa sila sa husay nina Simone Fontecchio, Marco Spissu, Stefano Tonut at Nicolo Melli.


ree

Nakuha ng Serbia ang kanilang tiket sa bisa ng 112-79 pagwagi sa Dominican Republic. Aabangan muli ang matalas na shooting ni Bogdan Bogdanovic at suporta nina Nikola Jovic at 7’0” sentro Nikola Milutinov.


Darating na rin sa Pilipinas ang mga koponan na nakapasok galing sa mga laro sa Okinawa, Japan at Jakarta, Indonesia. Magkakaroon na ng bagong kampeon matapos pauwiin ng Canada ang defending champion Espanya, 88-85, sa huling laro ng Round 2 sa Indonesia Arena.

Haharapin ng Canada si Luka Doncic at Slovenia sa Miyerkules. Ang isa pang quarterfinal ay sa pagitan ng walang talong Alemanya at ang nakakagulat na Latvia na nakapasok matapos manaig sa Brazil, 104-84.



 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 3, 2023



ree

Kinalimutan ng Gilas Pilipinas ang pighati ng nakalipas na linggo at inilabas ang kanilang pinakamahusay na porma patungo sa 96-75 pagdurog sa Tsina sa pagwawakas ng kanilang kampanya sa 2023 FIBA World Cup kagabi sa Araneta Coliseum.


Binuhat ni Jordan Clarkson ang kanyang mga kababayan sa apat na three-points upang isara ang third quarter, 73-51, at walang nakapigil sa arangkada. Tila nahawa ang buong koponan kay Clarkson at kasama ang sigaw ng 11,080 tagahanga ay lalong idiniin ang mga bisita at maiwasang tapusin ang torneo na walang tagumpay.


Lamang ang Tsina sa halftime, 40-39, at huling hinawakan ang lamang, 48-46, sa shoot ni Hu Jin-qiu. Mula roon, nalimitahan ang mga bisita sa tatlong puntos sa huling anim na minuto ng third quarter sabay ng pag-init na Clarkson kasama ang tulong nina Dwight Ramos at Rhenz Abando.


Ipinasok ni Clarkson ang 16 ng kanyang 34 puntos sa third quarter. Sumunod sina Abando na may 14, Kai Sotto na may 12 at Ramos na may 11. Nanguna sa Tsina si Kyle Anderson na may 17 puntos at siyam na rebound. Isa lang ang naipanalo nila laban sa Angola, 83-76, noong Huwebes.


Samantala, nanaig ang co-host Japan sa Cabo Verde, 80-71, sa Okinawa Arena at mauwi ang tiket ng Asya sa Paris 2024 Olympics. Namuno sa mga Hapon si Joshua Hawkinson na may 29 puntos at samahan ang mga nauna nang nakapa- sok na Australia, Timo



 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | September 2, 2023



ree

Mga laro ngayong Sabado:

4 p.m. Angola vs. South Sudan (Araneta)

4:45 p.m. New Zealand vs. Ehipto (MOA)

8 p.m. Pilipinas vs. Tsina (Araneta)

8:30 p.m. Jordan vs. Mexico (MOA)


Hanggang sa huli ay lalaban ang Gilas para sa bayan! Hahanapin ng pambansang koponan ang mailap na unang panalo sa 2023 FIBA World Cup sa pagharap sa Tsina ngayong Sabado simula 8 p.m. sa Araneta Coliseum.

Biglang naglaho ang pangarap ng mga Pinoy na makapasok sa 2024 Paris Olympics matapos ang masakit na 87-68 na talo sa Timog Sudan Huwebes ng gabi. Ang mga Aprikano ay ika-62 sa FIBA Ranking kung ihahambing sa Gilas na ika-40.

Hindi napigilan ng depensa si Carlik Jones, ang 2023 NBA G League MVP na muntik nang gumawa triple double sa kanyang 17 puntos, siyam na rebound at 14 assist. Lima lang sa ipinasok na 12 manlalaro ni Coach Chot ang nakapuntos sa pangunguna nina Jordan Clarkson na may 24 at Dwight Ramos na may 20.

Ganado ang mga Intsik na galing sa 83-76 tagumpay sa Angola. Matatandaan na nanaig ang mga Angolan sa mga Pinoy sa group stage, 80-70, noong Agosto 27.

Pangunahin para sa mga Pinoy ang bantayan si Kyle Anderson na matapos walang ginawang puntos sa una nilang laban ay gumagawa na ng 16.0 puntos at 6.3 rebound sa sumunod na tatlong laro. Kailangan ding tutukan sina sentro Zhou Qi, shooter Zhao Rui at point guard Zhao Jiwei.

Para sa Gilas, simple lang ang dapat nilang gawin at wakasan ang torneo sa positibong paraan at maiwasan na magtapos sa pinakailalim ng torneo. Mahalaga ito upang mabigyan ng imbitasyon ang Pilipinas sa mga Olympic Qualifying Tournament para sa huling apat na upuan sa Paris.

Sisikapin din nilang iwasan ang nangyari noong huling ginanap ang FIBA World Cup sa bansa noong 1978 kung saan wala ring naipanalo ang Pilipinas. Bawal maglaro ang mga PBA noon at binuo ang koponan ng mga amateur sa gabay ni Coach Nick Jorge.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page