top of page
Search

ni MC @Sports News | August 28, 2025



Retamar

Photo: They have a height advantage, but we can match their skills. Our training camp has been exhausting, but it was so worth it. It helped us a lot,” ayon kay Joshua “Owa” Retamar ng Alas Pilipinas Men hinggil sa training camp nila laban sa Europeans. (#MWCH2025/pnvfpix)



Lumabas ang lakas ng laro ni Joshua “Owa” Retamar at ng kanyang teammates na Alas Pilipinas sa kanilang pagbalik bansa matapos makatunggali ang mas matatangkad at malakas na  European teams sa mabungang three-country training camp sa Morocco, Romania, at Portugal bago ang historic debut sa FIVB Men’s Volleyball World Championship sa pag-host ng 'Pinas sa Setyembre.  


Aminado ang 25-anyos na playmaker na unang kinabahan ang team sa tune-up matches laban sa  European teams pero nawala ang kanilang kaba sa dulo, dahil nailabas ng malakas na kasagupa ang kanilang laro at piniga sila sa kanilang skills laban sa matataas na kalaban. 


At first, I was a bit nervous because everyone here is so tall. We felt like high schoolers compared to them,” ani Retamar. “But we’re happy because we realized that even if we’re smaller, we can still keep up with them.”


Pinakabata si Retamar sa national team member sa edad 19 sa pagganap nilang  main setter at naging instrumento sa makasaysayang  silver medal sa Philippines 2019 Southeast Asian Games.


Sa makasaysayang paglahok ng bansa at pag-host sa 32-nation worlds, si Retamar ay isa sa senior members, gumabay sa bagong Alas Pilipinas setters Eco Adajar at Elijah Tae-yin Kim sa ilalim ng gabay niya.


Sa gabay ni Italian coach Angiolino Frigoni, nakapulot ng mahalagang aral ang UAAP Finals MVP at Best Setter National University sa loob at labas ng court mula sa world champion tactician.


Si Retamar ay isa sa 21 Alas pool members na umaasang makapasok sa Final 14 at maging bahagi ng historic opener sa Set. 12 vs. Tunisia sa MOA Arena.

Sasagupa rin ang Alas Men vs. No. 23 Egypt sa Set. 16 at No. 13 Iran sa Set. 18 sa Pool A action.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 28, 2025



Photo : Gilas Pilipinas vs Macau Bears - Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP


Nagising ang Gilas Pilipinas sa tamang panahon upang talunin ang bisitang Macau Black Bears, 103-98, sa kanilang exhibition game noong Lunes ng gabi sa Araneta Coliseum.


Nagsilbing nararapat na despedida ang tagumpay bago sumabak ang pambansang koponan sa 2025 FIBA Asia Cup sa Jeddah, Saudi Arabia.


Bumira ng sunod-sunod na tres sa huling quarter si Justin Brownlee simula sa unang nagpatikim ng lamang sa mga Pinoy, 84-83. Tumira pa siya ng apat pang three-points at isang three-point play para lumayo ang Gilas, 101-94, at 1:41 ang nalalabi.


Lamang ang Black Bears sa halftime, 63-46, subalit inilatag ng kombinasyon nina Dwight Ramos, Cjay Perez at AJ Edu ang pundasyon ng paghabol ng mga Pinoy.


Tinuldukan ng three-points ni Scottie Thompson ang pangatlong quarter pero lamang para maging dalawa na lang ang lamang ng Macau, 81-79. Ayon kay Coach Tim Cone, napakahalaga na makapaglaro sila sa harap ng mga kababayan dahil mas madalas silang nasa ibayong-dagat.


Inimbitahan niya ang mga Filipino sa Saudi Arabia na panoorin ang kanilang mga laro. Nagtapos si Brownlee na may 32 puntos buhat sa limang tres at humakot ng 15 rebound sa 35 minuto.


Sumunod si Ramos na may 19 at anim na assist at Edu na may 15. Nanguna sa Macau sina Will Douglas na may 23 at Amorie Archibald na may 22 bilang reserba. Nag-ambag ng 17 si Jenning Leung. Maglalaro ng isa pang exhibition ang Gilas kontra Jordan pagdating nila sa Saudi. Ang FIBA Asia Cup ay tatakbo mula Agosto 5 hanggang 17.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 25, 2025



Photo by Reymundo Nillama / Bulgar Sports


Nanigurado ang San Miguel Beer at inuwi na ang 2025 PBA Philippine Cup matapos daigin ang TNT Tropang 5G, 107-96, sa Game Six kagabi sa Philsports Arena. Nagwakas ang seryeng best-of-seven, 4-2, at walang iniwan na duda ang Beermen.


Bumalik ang malupit na opensa at nagsama sina June Mar Fajardo at Jericho Cruz para itulak ang Beermen sa kanilang pinakamalaking lamang sa pangatlong quarter, 80-60.


Patuloy na pumalag ang TNT sa likod nina Jordan Heading, Kelly Williams at Almond Vosotros subalit may nakahandang sagot ang Beermen. Walang shoot sa unang tatlong quarter, biglang uminit si Marcio Lassiter para sa mga pandiin na puntos.


Kasama ang mga napapanahong buslo nina Fajardo at Cjay Perez ay sinigurado ang resulta. Parehong nagtapos na may tig-24 puntos sina Fajardo at Perez at humakot din ng 12 rebound si Fajardo.


Nagtapos si Cruz na may 13 at siya rin ang napiling Finals MVP ng PBA Press Corps. Nanguna sa TNT si Calvin Oftana na may 14 ng kanyang 19 sa unang quarter na kinuha ng Tropa, 25-23.


Sumunod sina Williams na may 17 at Brandon Ganuelas-Rosser na may 15. Nagwagi ang TNT sa Game One, 99-96. Bumangon ang Beermen at nagwagi ng tatlong sunod – 98-92, 108-88 at 105-91 – bago humabol ng isa pa ang Tropa sa Game Five, 86-78.


Magpapahinga muna ang mga koponan at magtitipon muli sa Oktubre para sa ika-50 season liga. Magsisimula ang taon sa Philippine Cup kaya ilang buwan malalasap ng Beermen ang tagumpay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page