top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 12, 2022



Dear Chief Acosta,

Kinasuhan po ang kaibigan ko ng paglabag sa Batas Pambansa (B. P.) Blg. 22 dahil sa tumalbog na tseke. Naghahanap pa lamang siya ng abogado na maaaring makatulong sa kanya. Sabi diumano ng kapitbahay niya ay hindi siya maaaring tulungan sa PAO. Tama po ba iyon?

Tess


Dear Tess,


Tulad ng lahat ng mga opisina at ahensiya sa ating gobyerno, ang Tanggapan ng Manananggol Pambayan o Public Attorney’s Office (PAO) ay mayroong mga legal na panuntunang sinusunod. Ang isa sa mga panuntunang ito ay ang PAO Operations Manual. Alinsunod sa Article 8, Chapter II ng aming 2021 Revised PAO Operations Manual:

“ARTICLE 8. Cases Not to be Handled. – Public Attorneys shall not extend legal assistance in the following cases:


x x x


2. Cases involving violation of Batas Pambansa Blg. 22 (B.P. 22), otherwise known as the “Anti-Bouncing Checks Law”,except in the following instances:

  1. In cases arising from a related case already handled by the PAO on behalf of a client, where the bouncing check issued from the opposing party was insufficient to satisfy the money claim, such as award of back wages in labor cases, payment of damages, settlement,etc.;

  2. When the Public Attorney is appointed by the court as counsel de oficio,subject to Paragraph 4, Article4, Chapter II of this Manual.

x x x”

Batay sa nabanggit na panuntunan, ang mga kaso na mayroong kaugnayan sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (B.P. 22) ay, sa pangkalahatan, hindi maaaring hawakan ng mga abogado ng PAO. Subalit nais naming bigyang-diin na kung ang partido na nais hingin ang serbisyo ng PAO sa kanyang kasong B.P. 22 ay inirepresenta na rin ng PAO sa ibang kaso na kabilang ang isyu ng tumalbog na tseke, maaari siyang matulungan. Gayundin, maaaring irepresenta ng PAO ang isang indigent na partido sa kasong B.P. 22 kung italaga ng hukuman ang PAO bilang counsel de oficio ng nasabing partido.

Sa puntong ito, magiging mainam na pasadyain n’yo ang inyong kaibigan sa aming PAO District Office upang mahimay ang mga impormasyon ukol sa kanyang kaso at ma-evaluate nang maayos ang kanyang kwalipikasyon para sa serbisyo ng aming Tanggapan. Karaniwang matatagpuan ang aming district offices sa loob o malapit sa munisipyo, kapitolyo, city hall o mga hall of justice ng bawat bayan, siyudad o probinsiya.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 6, 2022



Dear Chief Acosta,

Mayroon po akong kasambahay. Nais ko po sanang malaman kung mayroong service incentive leave ang aking kasambahay. Bukod pa po rito, kung sakali man na hindi niya ito gamitin, maaari ba itong maipon para sa mga susunod na taon at gawing cash na lamang?

Kriz


Dear Kriz,

Ang sagot sa inyong unang katanungan ay opo. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 29 ng Republic Act No. 10361, o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act" o "Batas Kasambahay,” na ang isang domestic worker o kasambahay na nakapagbigay ng hindi bababa sa isang (1) taon ng serbisyo ay may karapatan sa taunang limang (5) araw na Service Incentive Leave (“SIL”), viz:

Section 29. Leave Benefits. – A domestic worker who has rendered at least one (1) year of service shall be entitled to an annual service incentive leave of five (5) days with pay: Provided, That any unused portion of said annual leave shall not be cumulative or carried over to the succeeding years. Unused leaves shall not be convertible to cash.” (Binigyang-diin)

Ganunpaman, kaugnay sa nabanggit na batas, bagaman may karapatan ang isang kasambahay sa SIL, hindi ito maaaring mapalitan ng cash equivalent kung sakaling hindi magamit sa nasabing taon ng isang kasambahay. Bukod pa rito, hindi rin ito naiipon at naidaragdag sa mga susunod na taon.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 5, 2022


Dear Chief Acosta,

Mayroon po akong nasaging lalaki sa aking pagmamaneho pauwi noong isang linggo. Dahil dito, agad ko pong inalok ng tulong pampagamot o medikal ang lalaking ito gawa ng aking pag-aalala sa kanyang kalagayan. Ganunpaman, akin pong napagtanto na baka gamitin laban sa akin ang aking pagmamagandang-loob at ipakahulugan ito bilang pag-amin o pag-ako ng kamalian. Tama po ba ang aking pag-aagam-agam?

Ivan



Dear Ivan,

Ang sagot sa inyong katanungan ay hindi po. Para sa inyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 28 ng Revised Rules on Evidence, ang alituntunin patungkol sa epekto ng pag-aalok ng pambayad o tulong medical sa mga kaso na nagresulta sa pinsala o injury, viz:

Section 28. Offer of compromise not admissible. – In civil cases, an offer of compromise is not an admission of any liability, and is not admissible in evidence against the offeror. Neither is evidence of conduct nor statements made in compromise negotiations admissible, except evidence otherwise discoverable or offered for another purpose, such as proving bias or prejudice of a witness, negativing a contention of undue delay, or proving an effort to obstruct a criminal investigation or prosecution.

In criminal cases, except those involving quasi-offenses (criminal negligence) or those allowed by law to be compromised, an offer of compromise by the accused may be received in evidence as an implied admission of guilt.

A plea of guilty later withdrawn or an unaccepted offer of a plea of guilty to a lesser offense is not admissible in evidence against the accused who made the plea or offer. Neither is any statement made in the course of plea bargaining with the prosecution, which does not result in a plea of guilty or which results in a plea of guilty later withdrawn, admissible.

An offer to pay, or the payment of medical, hospital or other expenses occasioned by an injury, is not admissible in evidence as proof of civil or criminal liability for the injury.” (Binigyang-diin)

Kaugnay sa nabanggit na alituntunin, malinaw na hindi maaaring gamitin bilang kontra- ebidensiya o patunay ng kapananagutan ang pagmamagandang-loob ng isang tao. Ito ay alinsunod sa tinatawag na Good Samaritan Rule na matatagpuan sa huling talata ng Seksyon 28, Rule 130 ng Revised Rules on Evidence na sinasabing hindi maaaring maging ebidensiya ng kapananagutan sa mga kasong civil o criminal ang pag-aalok ng tulong pampagamot o pagpapaospital.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page