top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 19, 2022


Dear Chief Acosta,

Ako ay nagtrabaho sa isang kompanya nang sampung (10) taon. Ako ay nagbabalak na kusang-loob na umalis dito dahil may mas magandang oportunidad sa ibang bansa. Nais ko pong malaman kung may matatanggap ba akong separation pay sa aking pag-alis?

Pepe


Dear Pepe,

Ukol sa inyong separation pay, para sa inyong kaalaman, ang empleyado na kusang-loob na umalis sa trabaho, o nagsumite ng voluntary resignation ay makatatanggap lamang ng separation pay kung sakaling nakasaad ito sa isang Collective Bargaining Agreement, o kung ito ay nakasaad sa kanyang employment contract, o kung may isang established company policy ng kanyang kompanya na magbigay ng separation pay sa mga empleyadong nag-voluntary resignation. Malinaw ito sa desisyon ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa "J" Marketing Corporation Represented by its Branch Manager Elmundo Dador vs. Cesar L. Taran (G.R. No. 163924, June 18, 2009, Ponente: Honorable Former Chief Justice Diosdado M. Peralta) kung saan nakasaad na:

“It is well to note that there is no provision in the Labor Code that grants separation pay to voluntarily resigning employees. Separation pay may be awarded only in cases when the termination of employment is due to (a) installation of labor-saving devices, (b) redundancy, (c) retrenchment, (d) closing or cessation of business operations, (e) disease of an employee and his continued employment is prejudicial to himself or his co-employees, or (f) when an employee is illegally dismissed but reinstatement is no longer feasible. In fact, the rule is that an employee who voluntarily resigns from employment is not entitled to separation pay, except when it is stipulated in the employment contract or collective bargaining agreement (CBA), or it is sanctioned by established employer practice or policy.” (Binigyang-diin)

Ibig sabihin, kung wala kayong Collective Bargaining Agreement, o kung ito ay hindi nakasaad sa inyong employment contract, hindi kayo makatatanggap ng separation pay sapagkat kayo ay kusang-loob na umalis sa inyong trabaho, o nag-voluntary resignation”.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 18, 2022


Dear Chief Acosta,

Ako po ay may isang food processing business, na gumagawa ng iba’t ibang meat products. Minsan, ang ilan sa aming mga produkto, bagama’t ligtas kainin, ay hindi nakapapasa sa aming quality control standards, halimbawa na lamang kung ang produkto ay nailagay sa maling packaging, at ang pag-repack nito ay hindi naaayon sa aming proseso. Sa ganitong pagkakataon, ang mga nasabing produkto ay naitatalaga bilang “rejects” na kung saan, ito ay hindi na maaaring ibalik sa production line at kailangan nang itapon. Ako po ay nanghihinayang sapagkat ito ay naaaksaya lamang, kahit na ang mga ito ay ligtas kainin. Mayroon po bang batas na maaaring gumabay sa akin sa pag-dispose ng mga nasabing rejected products?

Sarah



Dear Sarah,

Ang batas na sumasaklaw patungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R. A.) No. 9803o kinikilala bilang Food Donation Act of 2009. Ayon sa Sections 2 at 3(a) ng batas na ito:

“Section 2. Declaration of Policy. - It is the policy of the State to alleviate national poverty and reduce food wastage. As such, the State shall implement measures to encourage the donation of apparently wholesome food for charitable purposes.

xxx

(a) Apparently Wholesome Food” refers to food that meets all quality and labeling standards imposed by pertinent laws and administrative regulations even though the food may not be readily marketable due to appearance, age, freshness, grade, size, surplus, or other conditions. It does not include milk products as defined and covered under Executive Order No. 51, the “National Code of Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplements and Other Related Products”

Alinsunod sa kaakibat nitong Implementing Rules and Regulations (IRR), ang sinumang nagnanais na magbigay ng pagkain bilang donasyon ay marapat na makipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o sa kanilang lokal na pamahalaan upang masigurado ang kaayusan at kaligtasan ng nasabing mga pagkain.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 13, 2022


Dear Chief Acosta,

Ang mga pinsan ko po ay inireklamo para sa alarms and scandals. Ang nangyari diumano po kasi ay medyo nakainom sila noong nakaraang linggo nang madaling-araw. Ang isa diumano sa kanila ay nagpaputok ng mga “five star” na paputok, habang ang isa naman ay sobrang nag-ingay na nabulahaw na ang mga kapitbahay nila. Ano po ba ang posibleng parusa sa krimen na iyon?


Danilo



Dear Danilo,

Ang krimen na alarms and scandals ay nagaganap kung ang isang tao ay nagpaputok ng baril at iba pang uri ng armas o paputok at iba pang uri ng pampasabog na maaaring magdulot ng kapahamakan. Maaari rin ito mangyari kung ang isang tao ay nagsimula ng gulo o sumali sa isang gulo, o habang gumagala sa gabi o habang nakainom ng alak ay nagdulot ng panggagambala sa ibang tao o sa pampublikong lugar. Ang parusa sa krimen na ito ay arresto menor o pagkakakulong ng isa (1) hanggang tatlumpung (30) araw, o fine na hindi hihigit sa P40,000. Ito ay alinsunod sa Section 19 ng Republic Act (R. A.) No. 10951, ang bahagi ng batas na nag-amyenda sa Artikulo 155 ng ating Revised Penal Code (RPC).


Malinaw na nakasaad sa nasabing probisyon ng batas ang sumusunod:

“Section 19. Article 155 of the same Act is hereby amended to read as follows:

Art. 155. Alarms and scandals. — The penalty of arresto menor or a fine not exceeding Forty thousand pesos (₱40,000) shall be imposed upon:

1. Any person who within any town or public place, shall discharge any firearm, rocket, firecracker, or other explosives calculated to cause alarm or danger;

2. Any person who shall instigate or take an active part in any charvari or other disorderly meeting offensive to another or prejudicial to public tranquility;

3. Any person who, while wandering about at night or while engaged in any other nocturnal amusements, shall disturb the public peace; or

4. Any person who, while intoxicated or otherwise, shall cause any disturbance or scandal in public places: Provided, that the circumstances of the case shall not make the provisions of Article 153 applicable.”

Kung mapatunayan na sadyang nagawa ng mga pinsan mo ang alinman sa mga nabanggit na aktong ipinagbabawal ng batas ay maaari silang maharap sa kasong kriminal. At kung mapatunayan sa hukuman ang kanilang kriminal na responsibilidad ay maaari silang mahatulan ng pagkakakulong o pagbabayad ng kaukulang fine.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page