top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 24, 2022


Ang karapatan ng mga manggagawa ay ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas. Upang pag-ibayuhin ang karapatang ito ay nararapat lamang na magkaloob ang estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at 'di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang pagbibigay ng trabaho at pantay na mga pagkakataon na magkaroon ng trabaho.


Bukod sa mga nabanggit ay marapat ding garantiyahan ng estado ang mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa sa pagtatatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga nang alinsunod sa batas. Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay.


Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.


Isa sa mga karapatan ng mga manggagawa ay ang magtatag ng kanilang sariling organisasyon na may layong magbigay ng proteksyon sa kanilang mga kapakanan. Isa sa mga polisiya ng pamahalaan ay ang hindi paghadlang sa karapatan ng taumbayan, kabilang ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi labag sa batas.


Sa kaso ng Samahan ng Manggagawa sa Hanjin Shipyard versus Bureau of Labor Relations (G.R. No. 211145, October 14, 2015), na isinulat ni Honorable Former Associate Justice Estelito P.Mendoza, sinabi ng ating Korte Suprema na:


“As Article 246 (now 252) of the Labor Code provides, the right to self-organization includes the right to form, join or assist labor organizations for the purpose of collective bargaining through representatives of their own choosing and to engage in lawful concerted activities for the same purpose for their mutual aid and protection. This is in line with the policy of the State to foster the free and voluntary organization of a strong and united labor movement as well as to make sure that workers participate in policy and decision-making processes affecting their rights, duties and welfare.”


Kung ating babalangkasin ang sinasabi ng Korte Suprema sa nabanggit na desisyon, ang karapatan na magkaroon ng sariling organisasyon ay hindi lamang pagtatatag ng isang labor union (unyon) para sa hangaring magkaroon ng collective bargaining agreement ang union sa kanilang employer. Kasama rin dito ang pagbuo ng isang grupo o organisasyon na naglalayong magbigay ng tulong at proteksyon sa bawat miyembro na bumubuo rito.

Marapat lamang maintindihan ng bawat manggagawa na sa pagbuo at pagsali sa isang organisasyon ay kaakibat nito ang responsibilidad na gampanan ang mga alituntunin nakasaad sa by-laws ng kanilang organisasyon nang sa gayon ay mapanatiling maayos ang natatag na organisasyon.

 
 

ng may-ari


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 22, 2022


Dear Chief Acosta,

Ako po ay may kapitbahay at ako ay pinagbantaan na puputulin diumano po niya ang mga sanga ng aming puno kung hindi ko ito gagawin. ‘Yung puno po kasi naming mangga ay medyo lumaki na at ‘yung ilang mga sanga ay lumagpas na sa aming bakuran patungo sa kanilang ari-arian. Hindi ko naman po kayang pigilan ang pagtubo ng mga sanga. Wala naman po itong tinatamaan at ito ay nagbibigay lilim pa sa kanilang bakuran. Paulit-ulit na po niya akong pinupuntahan upang sabihan na putulin ko ang mga sanga. Itong huli po ay kung hindi ko diumano puputulin ang mga sanga ay siya na mismo ang gagawa nito. Maaari po ba ito? Puwede ko po ba siyang kasuhan ng Grave Threats?

Miko

Dear Miko,

Ang sagot sa inyong katanungan ay tinugon ng Korte Suprema sa kasong Rosauro Reyes vs. People of the Philippines (GR No. L-21528 and L-21529, Mar. 28, 1969, Ponente: Honorable Former Chief Justice Querube C. Makalintal). Ayon sa nasabing desisyon, ang mga elemento ng krimeng Grave Threats sa ilalim ng paragraph 2 ng Art. 282 ng Revised Penal Code ay:

“(1) that the offender threatened another person with the infliction upon his person of a wrong; (2) that such wrong amounted to a crime; and (3) that the threat was not subject to a condition.”(Emphasis Ours)

Ayon sa nasabing desisyon, ang pagbabanta sa isang tao ng paggawa ng isang maling gawain na may karampatang krimen ay puwedeng kasuhan ng Grave Threats. Ngunit, sa inyong kaso, ang pagbabanta ng pagputol ng mga sanga na lumagpas sa inyong lupa ay hindi isang mali na may karampatang krimen. Ang mga lumagpas na sanga ay maaaring ipaputol sa inyo at kung ito ay hindi n’yo aaksyunan ay maaari niya itong putulin.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 20, 2022



Dear Chief Acosta,

Iniwan ako ng aking asawa noong buntis pa ako sa aming anak. Nangako siyang tutulong sa pang-araw-araw naming gastusin kahit hindi na kami nagsasama, pero bigla siyang tumanggi na magbigay ng sustento. Maituturing bang krimen ang hindi niya pagbibigay ng sustento?

Lorna


Dear Lorna,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Section 5 ng Republic Act No. 9262, o mas kilala sa tawag na Anti-Violence against Women and Children Act of 2004” kung saan nakasaad na:

SECTION 5. Acts of Violence Against Women and Their Children.- The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

x x x

(e) x x x This shall include, but not limited to, the following acts committed with the purpose or effect of controlling or restricting the woman's or her child's movement or conduct

(1) x x x


(2) Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman's children insufficient financial support;” (Binigyang-diin)

Malinaw na nakasaad sa nabanggit na batas na ang pagbawi ng pinansyal na suporta na nararapat sa babae o kanyang mga anak ay maituturing na krimen ng karahasan sa kababaihan at kabataan. Samakatuwid, maaari n’yong sampahan ng kasong kriminal ang inyong asawa alinsunod sa nasabing batas dahil ang kanyang pagbawi ng sustento sa inyong mag-ina ay maituturing na “act of violence” o karahasan na layuning parusahan ng nasabing batas.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page