top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 23, 2022


Dear Chief Acosta,


Kami ng aking napangasawa ay mga Pilipino na nagbakasyon sa ibang bansa. Nagpasya kaming magpakasal doon at gumawa kami ng kasunduan sa kasal kaugnay sa mga ari-arian namin na matatagpuan lahat sa Pilipinas. Ang aking katanungan ay batas ba ng Pilipinas o ng bansa kung saan kami nagpakasal ang susundin sa relasyon ng ari-arian naming mag-asawa?


Moy


Dear Moy,


Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Artikulo 80 ng Family Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“Art. 80. In the absence of a contrary stipulation in a marriage settlement, the property relations of the spouses shall be governed by Philippine laws, regardless of the place of celebration of the marriage and their residence.


This rules shall not apply:

(1) Where both spouses are aliens;

(2) With respect to the extrinsic validity of contracts affecting property not situated in the Philippines and executed in the country where the property is located; and

(3) With respect to the extrinsic validity of contracts entered into in the Philippines but affecting property situated in a foreign country whose laws require different formalities for its extrinsic validity.” (Binigyang-diin)


Nakasaad sa nasabing artikulo na ang batas ng Pilipinas na may kaugnayan sa ari-arian ng mag-asawang Pilipino ang susundin, anuman ang lugar ng pagdiriwang ng kasal at ang kanilang tirahan. Samakatuwid, ang batas ng Pilipinas ang susundin sa relasyon ng ari-arian ninyong mag-asawa kung walang salungat na kondisyon na nakasaad sa inyong kasunduan sa kasal.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 22, 2022


Pinangangalagaan ng estado ang kapakanan ng mga bata na magkaroon ng lehitimong estado sa kanilang pamilya. Kaya naman binigyan ng estado ang mga bata ng proteksyon na maigawad sa kanila ang lehitimong estado bilang anak kung ang pagkakapanganak nila ay hindi sanhi ng ipinagbabawal ng batas na relasyon ng kanilang mga magulang.


Sa isang sitwasyon kung saan ang isang lalaki at babae ay nagsama sa iisang bubong at nagkaroon ng anak sa labas ng isang balidong kasal subalit walang balakid na sila ay makapagpakasal noong araw na lumabas ang kanilang anak, ang nasabing anak ay itinuturing na hindi lehitimo. Subalit kapag ang common law husband and wife ay nagpakasal pagkatapos na naipanganak na ang bata, ang nasabing bata ay maaaring maging isang lehitimong anak ng nasabing mag-asawa sa bisa ng isang Affidavit of Legitimation. Ang partikular na mga probisyon ng Family Code, kaugnay nito, ay ang mga sumusunod:


Art. 177. Only children conceived and born outside of wedlock of parents who, at the time of the conception of the former, were not disqualified by any impediment to marry each other may be legitimated.


Art. 178. Legitimation shall take place by a subsequent valid marriage between parents. The annulment of a voidable marriage shall not affect the legitimation.


Art. 179. Legitimated children shall enjoy the same rights as legitimate children.


Art. 180. The effects of legitimation shall retroact to the time of the child's birth.”


Sang-ayon sa mga nabanggit na probisyon, ang sunod na pagpapakasal ng mga magulang ng isang batang ipinagbuntis at ipinanganak sa mga panahong hindi kasal ang mga magulang subalit walang legal na balakid para makapagkasal, ay maaaring magbigay sa bata ng karapatang maging isang lehitimong anak.


Matapos makapagpakasal ng kanyang mga magulang, maaari nang pumunta ang mga ito sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang kapanganakan ng kanilang anak para isagawa ang Affidavit of Legitimation upang maging lehitimo ang estado ng kanilang anak.

 
 

sa ilalim ng isang delinquency sale?


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 21, 2022


Dear Chief Acosta,


Nakabili kami ng lupa sa isang sikat na developer sa aming probinsiya. Nang kami ay lumuwas ng Maynila hindi namin napansing hindi namin nabayaran ang buwis sa nasabing lupa. Ipinabatid naman namin ang aming pagbabago ng tirahan sa aming developer bago kami umalis. Nagkaroon diumano ng proseso sa aming probinsiya para mailit ang aming lupa at iginiit diumano ng munisipyo na sapat na ang notice nila sa aming developer ukol dito, kahit pa sinasabi na mayroon kaming kasalukuyang address sa Maynila. Maaari po bang hindi kami masabihan ukol dito?


Pampi

Dear Pampi,


Para sa inyong kaalaman, ayon sa ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Filinvest Development Corporation vs. Nilo Del Rosario (G.R. No. 253115, September 15, 2021, Ponente: Honorable Former Associate Justice Rosmari D. Carandang), nararapat na masunod ang panuntunan ng pagbibigay ng naaayong notice sa tamang partido, gaya ng rehistradong may-ari ng lupa o sa rehistradong pinagbentahan nito, upang lubusang masabi na maaari nang ilitin at maibenta ng lokal na pamahalaan ang isang ari-arian sa ilalim ng isang delinquency sale:


Therefore, considering the failure to comply with the mandatory requirements under Sections 254, 258, and 260 of the LGC for a valid tax delinquency sale, specifically as to the posting requirements and the proof of the various notices and warrant of levy by the registered owner of the property or a person having legal interest thereon, the Court renders the tax sale null and void.


Samakatuwid, kung naibenta man ang inyong lupa nang walang maayos na pagpapaalam sa inyo, maaaring mabalewala ito kapag hindi lubos na nasunod ang panuntunan ng batas.


Bilang mga bagong may-ari ng lupa, marapat lamang na kayo ang bigyan ng Notice of Delinquency at iba pang mga abiso ukol sa “tax delinquency sale” ng munisipyo. Masasabi nating hindi sang-ayon sa batas ang ginawang pagpapadala ng mga notices sa developer. Dahil dito, maaaring ipawalang-bisa ang nasabing pagbebenta sa public auction ng inyong lupa ng munisipyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page