top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 5, 2022


Malinaw na nakasaad sa Rule 126 ng Revised Rules on Criminal Procedure ang mga sumusunod:


“Section 8. Search of house, room, or premise to be made in presence of two witnesses. — No search of a house, room, or any other premise shall be made except in the presence of the lawful occupant thereof or any member of his family or in the absence of the latter, two witnesses of sufficient age and discretion residing in the same locality.


Section 9. Time of making search. — The warrant must direct that it be served in the day time, unless the affidavit asserts that the property is on the person or in the place ordered to be searched, in which case a direction may be inserted that it be served at any time of the day or night.


Section 10. Validity of search warrant. — A search warrant shall be valid for ten (10) days from its date. Thereafter it shall be void.”


Ayon sa mga nabanggit na probisyon, malinaw na ang pagsisilbi ng search warrant ay marapat na isinasagawa sang-ayon sa kung ano ang rekisito na inilatag ng batas at regulasyon. Sapagkat ang bawat mamamayan ay mayroong karapatan na magkaroon ng seguridad sa kanilang tahanan alinsunod sa Seksyon 2, Artikulo III ng ating Saligang Batas, kung saan nakasaad na:


“Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.”


Ang paghahalughog sa bahay, silid o anumang lugar na nakasaad sa search warrant ay dapat gawin sa presensiya ng mga legal na nakatira roon o sinumang miyembro ng kanyang pamilya o kung wala rin ang huli, kinakailangang may dalawang (2) saksi na may sapat na edad at pagpapasya, na naninirahan din sa parehong lokalidad (two witnesses of sufficient age and discretion residing in the same locality).


Ayon sa Supreme Court Administrative Matter No. 21-06-08-SC, kinakailangang magsuot ng body-worn camera at isa pang alternatibong kagamitan sa pagre-record ang mga pulis na magpapatupad ng search warrant upang maitala ang lahat ng mangyayari simula ng dumating ang mga pulis at hanggang sa matapos sila sa paghahanap ng mga bagay na nakasulat sa search warrant. Bago rin umpisahan ang pagpapatupad sa nasabing search warrant, kinakailangan na masabihan ang mga legal na nakatira sa lugar na magsasagawa ng paghahanap ang mga pulis alinsunod sa warrant na inisyu ng korte at ito ay magiging recorded. Ang search warrant din ay dapat na ipinatutupad sa araw o daytime maliban kung mapatutunayan na ang bagay o ari-arian ay nasa tao o lugar na iniutos na halughugin ay maaaring ihain sa anumang oras ng araw o gabi. Ang pagpapatupad din ng search warrant ay maaari lamang gawin sa partikular na lugar na nakasulat sa warrant.


Ang search warrant ay balido lamang sa loob ng 10-araw mula nang ito ay mailabas ng hukuman.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 4, 2022


Dear Chief Acosta,


Nang maoperahan ang aking ama, nagkamali ang kanyang doktor ng paghiwa at pagkabit ng kanyang bituka, na nagsanhi ng komplikasyon. Hindi nasunod ang uri ng medical procedure na una nilang napag-usapan ng doktor at kinailangan pa nga siyang masalinan ng dugo. Sumailalim ng panibagong operasyon ang aking ama upang itama ang pagkakamali.


Sanhi na lagpas na sa limang taon nang maisipan ng aking ama na kasuhan ang doktor, maaari bang ituring na paglabag sa medical contract para pumasok sa 10 taong prescriptive period imbes na medical negligence na hanggang apat na taon lamang para maisampa bilang kaso? - Roy


Dear Roy,


Para sa inyong kaalaman, ayon sa ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Paolo Anthony C. De Jesus Vs. Dr. Romeo F. Uyloan, substituted by his wife Salvacion Uyloan, Asian Hospital and Medical Center and Dr. John Francois Ojeda (G.R. No. 234851, 15 February 2022, Ponente: Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo) hindi maaaring maituring na paglabag sa medical contract ang naging kapabayaan ng doktor kung hindi naman nilimitahan at ipinangako sa nakasulat na kontrata ang magiging sakop ng interbensyon ng doktor sa prosesong-medikal na kanyang gagawin sa pasyente. Pakatandaang maaari naman talagang mapanagot ang mga nagkakamali ng doktor bilang medical negligence, sa ilalim ng batas tungkol sa quasi-delict (Article 2176, New Civil Code) at magagawa ito sa loob ng apat na taon magmula nang maganap ang medical negligence.


Ayon sa kasong ito:


The fact that the physician-patient relationship is consensual does not necessarily mean it is a contractual relation, in the sense in which petitioner employs this term by equating it with any other transaction involving exchange of money for services. Indeed, the medical profession is affected with public interest. Once a physician-patient relationship is established, the legal duty of care follows. The doctor accordingly becomes duty-bound to use at least the same standard of care that a reasonably competent doctor would use to treat a medical condition under similar circumstances.


Breach of duty occurs when the doctor fails to comply with, or improperly performs his duties under professional standards. This determination is both factual and legal, and is specific to each individual case. If the patient, as a result of the breach of duty, is injured in body or in health, actionable malpractice is committed, entitling the patient to damages.


In the light of the foregoing, We hold that a mere reference to an implied contract between the physician and the patient in general is insufficient for pleading a cause of action under the contract theory of professional malpractice. An action for medical malpractice based on contract must allege an express promise to provide medical treatment or achieve a specific result.


Samakatwid, kung hindi nakasaad ang pagkakasundo ng inyong ama at ng kanyang doktor na may takdang pangako o limitasyon sa kontrata tungkol sa kanyang operasyon, hindi ito maituturing na paglabag ng medical contract at papasok lamang bilang kapabayaan (medical negligence). Dahil dito lagpas na sa prescriptive period ang pagsasampa ng kaso laban sa doktor ng inyong ama.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 2, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang aking lola ay pumanaw noong nakaraang linggo. Ang tanging naiwan niya lamang para sa aking ama na nag-iisa niyang anak at tagapagmana ay perang hindi lalagpas sa P10,000. Kahapon ay may dumating na tao at sinabing may utang ang aking lola sa kanya sa halagang P50,000. Obligado ba ang aking ama na bayaran ang halagang ito? - Kiray


Dear Kiray,


Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinalakay na ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong William Ong Genato vs. Benjamin Bayhon, et al. (G.R. No. 171035, 24 August 2009, Ponente: Honorable Former Chief Justice Reynato S. Puno), kung saan sinabi na:


“While in our successional system the responsibility of the heirs for the debts of their decedent cannot exceed the value of the inheritance they receive from him, the principle remains intact that these heirs succeed not only to the rights of the deceased but also to his obligations.”


Sang-ayon sa nabanggit, ang responsibilidad ng mga nagmana para sa utang ng kanilang napagmanahan ay hindi dapat lalagpas sa halaga ng kanilang natanggap na mana mula sa huli. Ibig sabihin, ang inyong ama ay obligado lamang na magbayad ng utang ng inyong lola sa halagang hindi lalagpas sa P10,000, ang halaga ng kanyang mana mula sa inyong lola.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page