top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 9, 2022


Marami sa atin na dahil mayroong trabaho sa labas ng mga tahanan ay nangangailangan ng mga taong tutulong at gagawa ng mga gawaing bahay na hindi natin magampanan dala ng kakulangan ng oras na gawin pa ang mga ito. Lalo na sa kasalukuyang panahon na sobra na ang bigat ng daloy ng trapiko, kaya madalas ay malaking bahagi ng ating oras ang nagugugol sa pagbiyahe. Kaya naman tayo ay kumukuha ng mga kasambahay para sa ganun ay mayroon tayong magiging katuwang sa pagtupad ng mga gawain sa bahay.


Kaugnay nito, tulad ng ibang empleyado, may batas na nagbibigay-proteksyon sa mga kasambahay na ating kukunin sa empleyo. Ito ay bagama’t ang mga kasambahay ay nasa loob lamang ng bahay na gagawa ng mga gawaing bahay para sa kanilang amo.


Sa pagpasa ng Republic Act No. 10361 o Batas Kasambahay, ang ating mga kasambahay ay nabigyan ng sapat na proteksyon sa kanilang pagtatrabaho. Bilang mga kasambahay, ayon na rin sa mga regulasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE), sila ay may karapatang mabigyan ng mga sumusunod na benepisyo:

  1. Monthly minimum wage; (Buwanang minimum na sahod)

  2. An aggregate of 8 hours daily rest period; (Walong oras na pahinga sa isang araw)

  3. Weekly rest period of 24 (uninterrupted) hours; (Lingguhang tuluy-tuloy na 24-oras pahinga o day-off)

  4. 5 days annual service incentive leave with pay; (5 araw na service incentive leave kada isang taong paninilbihan)

  5. 13th month pay;

  6. SSS benefit;

  7. PhilHealth benefit; at

  8. Pag-IBIG benefit.


Sila rin ay may karapatan at prebilehiyo,tulad ng mga sumusunod:

  1. Freedom from employers’ interference in wage disposal; (Kalayaan na hindi mapakialaman ng kanilang amo kung paano nila gagastusin ang kanilang mga sahod)

  2. Standard of treatment; (Mabigyan ng maayos na pagtrato)

  3. Board, lodging, and medical attendance;

  4. Right to privacy; (Karapatang mapag-isa)

  5. Access to outside communication; (Karapatang magkaroon ng komunikasyon o ugnayan sa labas)

  6. Access to education and training; (Karapatang mabigyan ng daan para sa edukasyon at pagsasanay)

  7. Right to be provided a copy of the employment contract; (Karapatang mabigyan ng kopya ng kontrata tungkol sa kanyang pamamasukan)

  8. Right to certificate of employment; (Karapatang mabigyan ng sertipiko ng pagtatrabaho)

  9. Right to form, join, or assist labor organization; (Karapatang bumuo, makilahok o tumulong sa organisasyon ng paggawa)

  10. Right to terminate employment based on just cause; (Karapatang tapusin ang pagtatrabaho ayon sa makatuwirang dahilan) at

  11. Right to exercise religious beliefs and cultural practices (Karapatang sundin at tuparin ang sariling paniniwalang panrelihiyon at pangkultura)


Kinakailangan lamang na sa paggamit ng kasambahay ng kanyang mga karapatang nabanggit ay hindi niya mapababayaan ang kanyang tungkulin bilang kasambahay. Sapagkat kaakibat ng bawat karapatan ay mga tungkulin ding nakaatang sa responsibilidad. Sa pagtatrabaho bilang kasambahay, marapat na malaman nila ang kanilang responsibilidad para sa kaayusan ng bahay na kanilang pinaglilingkuran at hangad ang pag-asang sila rin ay mabigyan ng karampatang proteksyon sa ilalim ng batas.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 5, 2022


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay kasalukuyang overseas Filipino worker (OFW) sa kabila ng kanyang pagiging menor de edad. Sa kasamaang-palad, isinumbong siya ng isa niyang kaibigan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung kaya’t agaran siyang pinauwi. Nais ko lamang malaman kung maaari bang hindi siya sumunod sa POEA na nais na siya ay pauwiin sapagkat malaking halaga ang nagastos namin upang makapag-abroad siya? - Olivia


Dear Olivia,


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Section 9 ng Republic Act No. 10022 o ang batas na nag-amyenda sa Republic Act No. 8042, otherwise known as the Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na:


“Section 9. Section 16 of Republic Act No. 8042, as amended, is hereby amended to read as follows:

“SEC. 16. Mandatory Repatriation of Underage Migrant Workers. – Upon discovery or being informed of the presence of migrant workers whose ages fall below the minimum age requirement for overseas deployment, the responsible officers in the foreign service shall without delay repatriate said workers and advise the Department of Foreign Affairs through the fastest means of communication available of such discovery and other relevant information. The license of a recruitment/manning agency which recruited or deployed an underage migrant worker shall be automatically revoked and shall be imposed a fine of not less than five hundred thousand pesos (Php 500,000) but not more than one million pesos (Php 1,000,000). All fees pertinent to the processing of papers or documents in the recruitment or deployment shall be refunded in full by the responsible recruitment/manning agency, without need of notice, to the underage migrant worker or to his parents or guardian. The refund shall be independent of and in addition to the indemnification for the damages sustained by the underage migrant worker. The refund shall be paid within thirty (30) days from the date of the mandatory repatriation as provided for in this Act.” (Binigyang-diin)

Malinaw sa nabanggit na probisyon ng batas na sapilitan at agaran ang repatriation o pagpapauwi sa migrant worker na wala sa hustong gulang. Bukod pa rito, nakasaad din sa nabanggit na probisyon ng batas na nararapat na abisuhan ang Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs/DFA) sa pinakamabilis na paraan ng komunikasyon ukol dito. Gayundin, nakasaad din sa nasabing probisyon na ang lisensya ng ahensya na nagpadala sa nasabing menor de edad sa ibang bansa ay awtomatikong babawiin at papatawan ng multang nagkakahalaga mula limandaang libong piso (P500,000) hanggang isang milyong piso (P1,000,000). Karapatan din ng menor de edad na OFW na mabawi ang kanyang mga nagastos sa pagpo-proseso ng kanyang aplikasyon mula sa kanyang ahensya. Ito ay nararapat na maibalik sa kanya o kanyang magulang o guardian sa loob ng 30-araw matapos niyang makabalik sa Pilipinas. Iba pa ito sa kung anumang danyos na maaari pang maibigay sa kanya. Kaya naman, bagama’t hindi maaaring pigilan o tanggihan ang pag-repatriate ng iyong anak dito sa Pilipinas, may karapatan naman kayo na bawiin sa ahensyang nagpaalis sa kanya ang inyong binayad para sa pagproseso ng kaniyang aplikasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 28, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay miyembro ng Katutubong Aeta. Nang ako ay nag-a-apply sa trabaho, sinabihan ako ng human resource personnel na hindi diumano sila tumatanggap ng mga katutubo. Tama ba ito? - Kara


Dear Kara,

Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 23 at 24 ng Republic Act No. 8371 o mas kilala bilang “The Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997” na binibigyan ng pantay na karapatan ang mga katutubong Pilipino pagdating sa trabaho. Maliwanag na isinasaad dito na:


“SECTION 23. Freedom from Discrimination and Right to Equal Opportunity and Treatment. — It shall be the right of the ICCs/IPs to be free from any form of discrimination, with respect to recruitment and conditions of employment, such that they may enjoy equal opportunities for admission to employment, medical and social assistance, safety as well as other occupationally-related benefits, informed of their rights under existing labor legislation and of means available to them for redress, not subject to any coercive recruitment systems, including bonded labor and other forms of debt servitude; and equal treatment in employment for men and women, including the protection from sexual harassment.


Towards this end, the State shall, within the framework of national laws and regulations, and in cooperation with the ICCs/IPs concerned, adopt special measures to ensure the effective protection with regard to the recruitment and conditions of employment of persons belonging to these communities, to the extent that they are not effectively protected by laws applicable to workers in general.


ICCs/IPs shall have the right to association and freedom for all trade union activities and the right to conclude collective bargaining agreements with employers’ organizations. They shall likewise have the right not to be subject to working conditions hazardous to their health, particularly through exposure to pesticides and other toxic substances.


SECTION 24. Unlawful Acts Pertaining to Employment. — It shall be unlawful for any person:


a) To discriminate against any ICC/IP with respect to the terms and conditions of employment on account of their descent. Equal remuneration shall be paid to ICC/IP and non-ICC/IP for work of equal value; and


b) To deny any ICC/IP employee any right or benefit herein provided for or to discharge them for the purpose of preventing them from enjoying any of the rights or benefits provided under this Act.” (Binigyang-diin)


Samakatwid, ipinagbabawal ng batas ang anumang uri ng diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho at iba pang kondisyon ng pamamasukan laban sa mga katutubong Pilipino. Kung malalabag ito, maaaring magsampa ng kaukulang kaso sa korte ang katutubo para mabigyang-hustisya ang pagdiskrimina sa kanya.


Kaya naman, pinapayuhan ka namin na kumunsulta sa pinakamalapit na tanggapan ng Public Attorney’s Office o PAO upang mabigyan ka namin ng kaukulang legal na tulong kaugnay ng iyong kinakaharap na suliranin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page