top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 24, 2022


Dear Chief Acosta,


Matanda na ang aking lolo at kasalukuyang may malubhang karamdaman. Bilang kanyang pinakamalapit na apo, nais niya sana akong pamanahan. Ang nais niyang ipamana sa akin na ari-arian ay isinulat niya sa papel at kanya itong pinirmahan, subalit wala itong petsa. Sapat na ba ito upang magkaroon ng bisa ang kanyang huling habilin bagama’t wala itong notaryo? - Quincy


Dear Quincy,


Para sa iyong 6 klase ng huling habilin na hindi kailangang ipa-notaryo upang magkaroon ng bisa. Ayon sa batas, ang isang holographic will ay may bisa kung ito ay naaayon sa mga partikular ng estriktong porma na itinatakda ng batas. Ayon sa Article 810 ng New Civil Code of the Philippines:


“Article 810. A person may execute a holographic will which must be entirely written, dated, and signed by the hand of the testator himself. It is subject to no other form, and may be made in or out of the Philippines, and need not be witnessed.” (Binigyang-diin)


Ayon sa iyo, ang holographic will na ginawa ng lolo mo ay walang nakasulat na petsa. Samakatuwid, batay sa panuntunan na inilahad ng nasabing batas, hindi maituturing na holographic will na may bisa ang huling habilin ng iyong lolo dahil bagama’t ito ay kanyang isinulat at pinirmahan, wala itong petsa na isinulat niya mismo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 16, 2022


Madalas na ang aming tanggapan ay nakatatanggap ng mga hiling na tulong legal mula sa mga empleyado kaugnay ng kanilang claim sa kanilang kompanya tungkol sa “final pay”. Ano nga ba ang sinasabi ng ating Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa usaping ito?


Noong ika-31 ng Enero 2020, inilabas ng DOLE ang Labor Advisory No. 06, Series of 2020, na may titulong “Guidelines on the Payment of Final Pay and Issuance of Certificate of Employment.” Ang advisory ay ayon sa Articles 4, 103, 116 at 118 ng Labor Code of the Philippines, as amended, at Section 10, Rule XIV, Book V of its Omnibus Implementing Rules and Regulations. Kasama sa paksa ng advisory na ito ang tungkulin ng kompanya na magbigay ng Certificate of Employment sa isang empleyado.


Ayon sa nabanggit na labor advisory, ang “Final Pay,” “Last Pay” o “Back Pay” ay tumutukoy sa kabuuan ng lahat ng sahod o anumang monetary benefits na matatanggap ng empleyado anuman ang dahilan ng pagtatapos ng kanyang pagtatrabaho. Kasama sa nasabing final pay, ang mga sumusunod:

  1. Unpaid earned salary of the employee;

  2. Cash conversion of unused Service Incentive Leave (SIL) pursuant to Article 95 of the Labor Code;

  3. Cash conversions of remaining unused vacation, sick or other leaves pursuant to a company policy, or individual or collective agreement, if applicable;

  4. Pro-rated 13th month pay pursuant to Presidential Decree No. 851 (PD 851);

  5. Separation pay pursuant to Articles 298-299 of the Labor Code, as renumbered, company policy, or individual or collective agreement if applicable;

  6. Retirement pay pursuant to Article 302 of the Labor Code, as renumbered, if applicable;

  7. Income tax claim for the excess of taxes withheld, if applicable;

  8. Other types of compensation stipulated in an individual or collective agreement, if any; and

  9. Cash bond/s or any kind of deposit/s due for return to the employee, if any.

Ang 13th month pay ay katumbas ng one-twelfth (1/12) ng kabuuang suweldo ng empleyado sa loob ng isang taon.


Maliban sa mga nabanggit na monetary benefits na dapat mabayaran sa 30-araw mula sa araw ng pagkakahiwalay o pagkakatanggal sa trabaho, ang empleyado, anumang uri ang dahilan ng pagtatapos ng kanyang pagtatrabaho ay may karapatang mabigyan din ng “Certificate of Employment” sa loob ng tatlong araw mula sa oras na hiniling ito ng empleyado.

Anumang isyu o usapin na lumabas nang dahil o may kaugnayan sa pagbabayad ng final pay o pagbibigay ng Certificate of Employment ay dapat isampa sa pinakamalapit na DOLE Regional/Provincial/Field Office na nakasasakop sa lugar, kung saan nagtrabaho ang empleyado upang mapagharap ang mga partido sa conciliation alinsunod sa kasalukuyang proseso ng DOLE.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 15, 2022


Dear Chief Acosta,


Ako ay madalas mamili sa grocery store malapit sa aking tirahan. May mga pagkakataong kulang ang inaabot na sukli sa akin ng cashier ng nasabing tindahan dahil kulang diumano ang kanilang barya. Ito bang gawain na ito ay masasabi na paglabag sa batas? Maraming salamat sa pagsagot. - Kath


Dear Kath,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4(a) ng Republic Act (R.A.) No. 10909 na kilala bilang "No Shortchanging Act of 2016," kung saan nakasaad na:


“Section 4. Regulated Acts. - It shall be the duty of the business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same.


(a) In General. — It shall be unlawful for any business establishment to shortchange a consumer, even if such change is only of a small amount. Nothing in this Act shall be construed as a restriction for business establishments to give an amount greater than the sufficient change. x x x”

Ayon sa nasabing probisyon, ipinagbabawal ang hindi pagbibigay ng sapat na sukli sa mga mamimili gaanuman kababa o kaliit ang nasabing sukli. Gayunman, maaaring mabigyan ang mga mamimili ng sobra sa kanyang dapat matanggap. Ito ay dahil polisiya ng ating gobyerno na protektahan at isulong ang kapakananan ng mga mamimili. Sa nasabing sitwasyon, kung mapatutunayan ang paglabag sa nasabing probisyon ng batas, maaaring mapatawan ang naglabag nito ng karampatang parusa ayon sa Seksyon 6 ng R.A. No. 10909. Kabilang sa mga parusa na nakapaloob sa batas ang pagpapataw ng multa, pagsususpinde o pagpapawalang bisa sa license to operate ng lumabag na tindahan.

Kaya naman maaari kang maghain ng reklamo laban sa grocery store na iyong binibilhan dahil sa hindi nila pagbibigay ng tamang sukli sa iyo. Alinsunod sa batas, maaari kang maghain ng reklamo sa Department of Trade and Industry.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page