top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Pinunit ng may-ari ng kumpanya na pinagtatrabahuan ko ang aking time card sapagkat nagalit siya dahil isinumbong ko siya sa kinauukulan hinggil sa hindi niya pagbabayad ng SSS premiums. Hindi na ako makapasok sa opisina dahil wala na akong time card kung kaya nais kong malaman kung maituturing bang tinanggal na ako sa trabaho dahil dito? - Bernie


Dear Bernie,

Ayon sa ating Kagalang-galang na Korte Suprema sa panulat ni Kagalang-galang na dating Kasamang Mahistrado Mariano del Castillo sa Vicente Ang v. Ceferino San Joaquin, Jr. and Diosdado Fernandez (G. R. No. 185549, 7 August 2013):


“The CA is correct in its pronouncement that respondents were constructively dismissed from work. Moreover, by destroying respondents’ time cards, Ang discontinued and severed his relationship with respondents. The purpose of a time record is to show an employee’s attendance in office for work and to be paid accordingly, taking into account the policy of "no work, no pay". A daily time record is primarily intended to prevent damage or loss to the employer, which could result in instances where it pays an employee for no work done; it is a mandatory requirement for inclusion in the payroll, and in the absence of an employment agreement, it constitutes evidence of employment. Thus, when Ang tore the respondents’ time cards to pieces, he virtually removed them from Virose’s payroll and erased all vestiges of respondents’ employment; respondents were effectively dismissed from work. The act may be considered an outright – not only symbolic – termination of the parties’ employment relationship; the "last straw that finally broke the camel’s back", as respondents put it in their Position Paper.” (Binigyang-diin)


Alinsunod sa nabanggit na desisyon ng Kagalang-galang na Korte Suprema, maaaring maituring na constructive dismissal ang pagpunit sa iyong time card sa kadahilanang hindi mo na maipakikita bilang empleyado ang iyong attendance o pagpasok sa opisina na magiging basehan ng iyong suweldo. Nabanggit din sa nasabing desisyon na ang pagpupunit ng time card ay nangangahulugang tinatapos o tinutuldukan na ng employer ang relasyon nito sa kanyang empleyado. Sa ganitong sitwasyon, mawawala ka na rin sa payroll ng kumpanya at hindi na makasasahod. Bukod pa rito, mawawalan ka na rin ng ebidensya upang patunayan na ikaw ay tunay na empleyado ng nasabing kumpanya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 3, 2023


Dear Chief Acosta,


Noong nagpunta ako sa aming city hall upang humingi ng business permit ay tinanggihan ako ng staff na mabigyan nito kahit dala ko ang mga dokumentong kinakailangan para rito. Noong tinanong ko kung ano ang kanyang dahilan, sinabi niya sa akin na ang aming mga anak ay magkaaway sa school, kaya hindi diumano ako makakaasa ng kahit anong serbisyo sa kanya. Ano ang kasong nalabag niya sa ginawa niyang pamemersonal sa akin? - Facundo


Dear Facundo,


Para sa iyong kaalaman, mayroong batas na

nakasasaklaw sa iyong katanungan. Sa Section 21 (a) and Section 22 of Republic Act (R.A.) No. 9485, as amended by R.A. No. 11032, o mas kilala bilang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018, nakasaad na:


Sec. 21. Violations and Persons Liable. – Any person who performs or cause the performance of the following acts shall be liable:


(a) Refusal to accept application or request with complete requirements being submitted by an applicant or requesting party without due cause; x x x


Sec. 22. Penalties and Liabilities. – Any violations of the preceding actions will warrant the following penalties and liabilities.


(a) First Offense: Administrative liability with six (6) months suspension: Provided, however, that in the case of fixing and/or collusion with fixers under Section 21(h), the penalty and liability under Section 22(b) of this Act shall apply.


(b) Second Offense: Administrative liability and criminal liability of dismissal from the service, perpetual disqualification from holding public office and forfeiture of retirement benefits and imprisonment of one year to six years with a fine of not less than Five hundred thousand pesos (P500,000), but not more than two million pesos (P2,000,000).


Criminal liability shall also be incurred through the commission of bribery, extortion, or when the violation was done deliberately and maliciously to solicit favor in cash or in kind. In such cases, the pertinent provisions of the Revised Penal Code and other special laws shall apply. (Emphasis supplied)


Sang-ayon sa nabanggit, ang mga empleyado sa gobyerno ay hindi maaaring tumanggi sa pagbibigay ng serbisyo nang walang karampatang basehan. Ang paglabag dito ay may karampatang parusang suspensyon sa unang paglabag at pagkatanggal sa serbisyo, multa at pagkakakulong para sa ikalawang paglabag. Ibig sabihin, ang pamemersonal na iyong naranasan na nagdulot ng pagkabigo sa pagkuha ng business permit ay labag sa R.A. No. 9485. Dahil dito, maaaring magresulta sa administrative liability ang ginawang pamemersonal sa iyo ng staff ng city hall. Depende sa sitwasyon, maaari rin siyang mapatawan ng criminal liabilities, tulad ng dismissal, disqualification, pagbabayad ng multa at pagkakakulong.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 28, 2022


Dear Chief Acosta,


Mayroon akong sasakyan na nakaparada sa pribadong daanan ng aking tirahan na nakaharap sa pampublikong kalsada. Palaging pumaparada ang sasakyan ng aking kapitbahay sa harapan ng aking tirahan, kaya palaging nahaharangan at hindi makalabas ang aking sasakyan. Nagreklamo ako sa kanyang ginagawa. Ang katwiran niya ay wala siyang ginagawang mali dahil sa pampublikong kalsada siya nakaparada at hindi sa pribadong daanan ko. Tama ba ang aking kapitbahay? - Mary Rose

Dear Mary Rose,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Section 46 ng Republic Act No. 4136 o mas kilala sa tawag na “Land Transportation Code” kung saan nakasaad na:


“Section 46. Parking prohibited in specified places. – No driver shall park a vehicle, or permit it to stand, whether attended or unattended, upon a highway in any of the following places:

(a) Within an intersection

(b) On a crosswalk

(c) Within six meters of the intersection of curb lines

(d)Within four meters of the driveway entrance to and fire station

(e) Within four meters of fire hydrant

(f) In front of a private driveway

(g) On the roadway side of any vehicle stopped or parked at the curb or edge of the highway

(h) At any place where official signs have been erected prohibiting parking.” (Binigyang-diin)


Samakatwid, walang sinuman ang dapat magparada ng sasakyan sa lansangan sa harap ng pribadong daanan. Dahil dito, mali ang katwiran ng iyong kapitbahay dahil labag sa nabanggit na batas ang pagparada niya ng kanyang sasakyan sa harap ng iyong pribadong daanan kahit ito ay nasa pampublikong kalsada na.


Ang kaparusahan sa paglabag sa nasabing probisyon ng batas ay matatagpuan sa Section 56 (g) at (m), kung saan nakasaad na:


“Section 56. Penalty for violation. – The following penalties shall be imposed for violations of this Act:

xxx

(g) Violation of Section thirty-two, Thirty-four (a), (b) and (b-1), thirty-five and forty-six a fine not exceeding one hundred pesos; Provided, however, That in case of violation of Section 34 (b) the vehicle or vehicles affected may not be allowed to operate unless the requirements provided in this section are complied with;


xxx


(m) In the event an offender cannot pay any fine imposed pursuant to the provisions of this Act, he shall be made to undergo subsidiary imprisonment as provided in the Revised Penal Code.” (Binigyang-diin)


Kaugnay nito, ang nasabing multa ay itinaas sa ₱1,000, alinsunod sa Aytem I J(1) ng Joint Administrative Order No. 2014-01 ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.


Batay sa nabanggit, ang taong magpaparada ng sasakyan sa lansangan sa harap ng pribadong daanan ay maaaring pagmultahin ng ₱1,000. Dagdag pa rito, maaaring magsanhi rin ito ng pagkakakulong kung hindi mababayaran ng taong lumabag ang ipinataw na multa sa kanya.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page