top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 21, 2023


Dear Chief Acosta,


Noong isang araw ay pumunta ako sa tindahan upang mamili ng mga pangangailangan sa aming bahay. Ilan sa mga paninda nila ay walang presyo na nakasulat o walang nakalagay na price tag sa kanilang produkto. Ganito ba talaga o may batas tayo na tungkol dito? - Glen

Dear Glen,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4(c) ng Republic Act No. 10909, na kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016”, kung saan nakasaad na:

“Section 4. Regulated Acts. — It shall be the duty of the business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same. x x x

(c) Price Tags. — It shall likewise be the duty of business establishments to use price tags, when appropriate, indicating the exact retail price per unit or service which already includes the taxes applicable to the goods or services being offered. These establishments shall also put signs in conspicuous places within the establishments or reflect in the official receipts issued, the taxes incorporated in the retail price per unit of goods or services. This is to avoid misleading the consumers as to the exact price they have to pay for the goods or services and, consequently, the exact change due them.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, ang mga business establishments ay inaatasang gumamit ng price tag, kung saan nakalahad ang eksaktong presyo ng produkto o serbisyo, kasama na ang buwis na nakapataw sa nasabing produkto o serbisyo. Karagdagan dito, ang mga business establishments ay kinakailangan din na maglagay ng mga signs o nakasaad na sa kanilang resibo, ang buwis na kasama na sa retail price ng bawat produkto o serbisyo nila.


Ang dahilan nito ay upang maiwasan ang hindi angkop na impormasyon tungkol sa eksaktong presyo ng mga produkto na dapat bayaran at ang tamang sukli kung saka-sakali. Kaya naman, lumabag sa batas ang tindahan na iyong pinuntahan dahil hindi nakalathala ang presyo ng mga paninda nito. Dahil dito, maaari itong mapatawan ng multa at maaari ring masuspinde o makansela ang lisensya nito kung paulit-ulit na ang paglabag alinsunod sa Seksyon 6 ng batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 11, 2023


Dear Chief Acosta,


Isa akong public school teacher, na nagtuturo nang mahigit 10 taon sa isang paaralan sa aming baryo. Nitong nakaraang buwan, nabalitaan ko na mayroon diumanong ipatatayong bagong paaralan sa kabilang baryo. Kailangan diumano nila ng mga guro sa paaralang iyon kaya’t ililipat ang ilan sa amin. Subalit, napakalayo nito sa aking tahanan. May karapatan ba akong tumanggi kung sakaling isa ako sa mapipiling ilipat upang magturo sa bagong paaralan? - Nora


Dear Nora,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Section 6 ng Republic Act (R.A.) No. 4670 o mas kilala sa tawag na The Magna Carta for Public School Teachers, kung saan nakasaad na:


“Section 6. Consent for Transfer Transportation Expenses. Except for cause and as herein otherwise provided, no teacher shall be transferred without his consent from one station to another.


Where the exigencies of the service require the transfer of a teacher from one station to another, such transfer may be effected by the school superintendent who shall previously notify the teacher concerned of the transfer and the reason or reasons therefor. x x x


Necessary transfer expenses of the teacher and his family shall be paid for by the Government if his transfer is finally approved. (Binigyang-diin)


Sang-ayon sa nabanggit, malinaw na kailangang kumuha muna ang pahintulot o consent ng pampublikong guro bago siya ilipat o i-transfer upang magturo sa ibang paaralan. Subalit, kung ang paglipat ay kinakailangan upang hindi maalintana ang serbisyo o edukasyon ng mga mag-aaral, maaari pa ring mailipat ang mga public school teachers upang magturo sa ibang lugar, kahit wala ang kanilang pahintulot, basta ang school superintendent ay magbibigay sa nasabing guro ng notice at balidong rason ng kanyang paglipat.


Samakatwid, maaaring tumanggi o hindi magbigay ng pahintulot kung sakaling ikaw ang mapili na ilipat upang magturo sa ibang lugar. Gayunman, kung ang iyong paglipat ay kailangan upang hindi maalintana ang serbisyo o edukasyon ng mga mag-aaral, maaaring magdesisyon ang iyong superintendent tungkol sa bagay na ito. Alinsunod sa batas, babayaran ng gobyerno ang mga gastusin para sa paglipat ng guro at ng kanyang pamilya kung ito ay maaprubahan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 6, 2023



Dear Chief Acosta,


Ikinasal kami ng aking asawa noong May 2005 at may tatlo kaming anak. Noong nakaraang taon ay pinamanahan ang aking asawa ng lupang sakahan ng kanyang namayapang lolo. Malaki ang kinikita ng lupang ito na maaari sanang makatulong sa aming mga gastusin at pangangailangan, subalit kami ay nagkaroon ng pagtatalo tungkol dito kamakailan lang. Dahil sa nangyari, ayaw na niyang ibigay ang kinikita ng minana niyang lupa sa akin upang magamit ko sana sa mga gastusin ng aming pamilya. Maaari ko bang makuha ang kinikita ng nasabing lupa para magkaroon ako ng karagdagang panggastos? - Majoy


Dear Majoy


Para sa iyong kaalaman, ang Article 75 ng Family Code of the Philippines ang batas na naaangkop sa iyong sitwasyon sapagkat ang iyong kasal ay naganap noong 2005. Ayon sa nasabing probisyon:


“Art. 75. The future spouses may, in the marriage settlements, agree upon the regime of absolute community, conjugal partnership of gains, complete separation of property, or any other regime. In the absence of a marriage settlement, or when the regime agreed upon is void, the system of absolute community of property as established in this Code shall govern.” (Binigyang-diin)


Samakatwid, ang property regime na gumagabay sa inyong mag-asawa ay ang tinatawag na absolute community of property. Ayon sa ganitong uri ng property relation, ang lahat ng ari-arian ninyong mag-asawa bago at pagkatapos ng inyong kasal ay kasali sa inyong absolute community. Nakasaad sa Article 91 ng Family Code na:


“Art. 91. Unless otherwise provided in this Chapter or in the marriage settlements, the community property shall consist of all the property owned by the spouses at the time of the celebration of the marriage or acquired thereafter.”


Kaunay nito, mayroon din namang ari-arian na hindi kasama sa nabanggit na property regime. Ito ay binanggit naman sa Article 92 na Family Code:


“Art. 92. The following shall be excluded from the community property:


(1) Property acquired during the marriage by gratuitous title by either spouse, and the fruits as well as the income thereof, if any, unless it is expressly provided by the donor, testator or grantor that they shall form part of the community property;


(2) Property for personal and exclusive use of either spouse. However, jewelry shall form part of the community property;


(3) Property acquired before the marriage by either spouse who has legitimate descendants by a former marriage, and the fruits as well as the income, if any, of such property.” (Binigyang-diin)


Sinasabi ng probisyon na ang minanang ari-arian ng isa sa mag-asawa, gayundin ang mga kaakibat na kita nito ay hindi kasama sa mga bumubuo sa kanilang absolute community. Samakatwid, ang minanang lupa ng iyong asawa at ang halagang kinikita nito ay pag-aari lamang niya. Ang nasabing kita ay hindi mo maaaring makuha o magastos nang walang pahintulot mula sa iyong asawa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page