top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 13, 2023


Dear Chief Acosta,


Nakatanggap ako ng notice na nagsasaad na ako ay ilalagay sa ilalim ng “preventive suspension” sa loob ng isa’t kalahating buwan para sa isasagawang imbestigasyon tungkol sa diumano’y complaints laban sa akin. Dagdag pa rito, hindi diumano ako makatatanggap ng sahod sa nasabing panahon. Legal ba itong gawin ng aking employer? –Fey



Dear Fey,


Para sa iyong kaalaman, sa kasong Every Nation Language Institute (ENLI) and Ralph Martin Ligon vs. Maria Minelli Dela Cruz, G.R. No. 225100, 19 February 2020, sa panulat ni Kagalang-galang na dating Associate Justice Jose Reyes, Jr., pinasyahan ng Kagalang-galang na Korte Suprema ang mga sumusunod:


“Placing an employee under preventive suspension is allowed under Section 8, Rule XXIII, Book V of the Omnibus Rules Implementing the Labor Code, as amended. This section provides:


Section 8. Preventive suspension. The employer may place the worker concerned under preventive suspension only if his continued employment poses a serious and imminent threat to the life or property of the employer or of his co-workers.


Preventive suspension is not a penalty but a disciplinary measure to protect life or property of the employer or the co-workers pending investigation of any alleged infraction committed by the employee. Thus, it is justified only when the employee's continued employment poses a serious and imminent threat to the employer's or co-workers' life or property. When justified, the preventively suspended employee is not entitled to the payment of his salaries and benefits for the period of suspension.


Nevertheless, the management's prerogative of placing an employee under preventive suspension is further temporally limited. Section 9 of the Omnibus Rules Implementing the Labor Code limits the duration of the preventive suspension to a maximum of 30 days:


Section 9. Period of suspension. No preventive suspension shall last longer than thirty (30) days.


The employer shall thereafter reinstate the worker in his former or in a substantially equivalent position or the employer may extend the period of suspension provided that during the period of extension, he pays the wages and other benefits due to the worker.


Section 9 is clear that the employer had the positive duty of reinstating the preventively suspended employee upon the lapse of the 30-day period sans extension. When the period of preventive suspension exceeds the maximum period allowed without reinstating the employee actually or through payroll, or when the preventive suspension is for an indefinite period, constructive dismissal sets in.


Agcolicol, Jr. v. Casiño cites instances considered as amounting or tantamount to constructive dismissal such as: where the employee’s prolonged suspension was due to the employer’s neglect to conclude the investigation; where the employer’s imposition of preventive suspension pending final investigation was coupled with the employer’s lack of intention to conduct such final investigation; where placing the employee under preventive suspension in excess of the 30-day limit was a predetermined effort to dismiss the latter from service in the guise of preventive suspension; and where the employer failed to recall the employee to work after the expiration of the suspension taken together with the employer's precondition that the employee withdraw the complaints against it.”


Ayon sa nasabing kaso, maaaring ilagay ng employer ang kanyang empleyado sa ilalim ng preventive suspension kung ang kanyang patuloy na pagtatrabaho ay magdudulot ng seryoso at napipintong banta sa buhay o ari-arian ng employer o kanyang mga katrabaho. Gayunman, ang prerogative ng management na ilagay ang isang empleyado sa ilalim ng preventive suspension ay limitado lamang sa 30 araw. Ito ay maaaring pahabain sa kondisyon na sa panahon ng extension, babayaran ang sahod at iba pang benepisyo ng sangkot na empleyado.


Sa iyong sitwasyon, mali ang pagpataw sa iyo ng isa’t kalahating buwan na preventive suspension dahil lampas ito sa 30 araw na limitasyong itinakda ng batas. Bukod pa rito, maaaring ituring na constructive dismissal ang nangyari sa iyo kung maipakikita na ang iyong preventive suspension ay parte ng plano upang matanggal ka sa serbisyo.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 12, 2023


Sa panahong ito ay marami ang nababahala sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na dulot na rin ng pagbaba ng produksyon at pagtaas ng pangangailangan. Mabuti na lamang at may mga batas na pinaiiral ang ating estado upang bigyang-proteksyon ang mga mamimili ng pangunahing pangangailangan sa ganitong panahon na hindi pa rin ganap na nakakaahon ang ating bansa sa banta ng COVID-19.


Ang Republic Act No. 7581 o kilala bilang Price Control Act ay ipinasa ng Kongreso at isinabatas upang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga mamimili sa panahon ng mga kagipitan o biglaang pangangailangan. Ang polisiya ng batas na ito ay upang siguraduhin na ang mga pangunahing pangangailangan ng tao ay mapanatili sa makatwirang halaga sa lahat ng oras, lalo na sa panahon ng kagipitan bunsod na rin ng mga kalamidad. Sa paglalagay ng kontrol sa mga bilihin ay sinisiguro rin ng pamahalaan na mayroong sapat na balik ng puhunan ng mga namumuhunan.


Ang mga pangunahing bilihin o essential commodities na ito ay ang bigas, mais, root crops, tinapay, isda (sariwa o nakalata) at iba pang lamang dagat, sariwang karne ng baboy, baka at manok, itlog, tubig na nakalagay sa mga bote at iba pang lalagyan; gatas (sariwa o naproseso), gulay at prutas, noodles, kape, asukal, mantika, asin, sabong panlaba, panggatong (firewood), uling, LPG at kerosene, kandila, at mga kinakailangang gamot na pinag-uri ng Department of Health (DOH). Ang mga prime commodities naman ay mga produktong hindi man kasali sa mga pangunahing bilihin ay tinataguriang lubhang mahalaga katulad ng harina, de-latang karne ng baboy, baka o manok, sibuyas, bawang, suka, patis, toyo, sabon, fertilizer, pesticide, herbicide, mga patuka o pakain sa hayop, papel at iba pang school supplies, at construction materials.


Sa ilalim ng batas na ito, ipinagbabawal ang pagtatago at pagtitipon ng mga pangunahing bilihin at prime commodities. Masasabing mayroong hoarding kung mayroong hindi makatwirang pamimili, pagtitipon at pag-iimbak ng isang tao na labis-labis sa kanyang normal na imbentaryo. Ang pagtanggi na magbenta ng mga stocks ng anumang uri ng pangunahing bilihin sa mga mamimili ay maaari ring maituring na hindi resonableng pag-iimbak ng mga pangunahing bilihin o prime commodities.


May karapatan ang bawat mamimili laban sa mga labis na pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at prime commodities. Mayroong labis na kita (profiteering) kapag ang pagbebenta ng anumang pangunahing bilihin at prime commodities sa presyong hindi hamak na higit sa nakatalagang presyo nito. Ipinagpapalagay na mayroong labis na pagkita kapag ang mga pangunahing bilihin ay walang price tag, hindi tama ang sukat at bigat, may halo o hinaluan ng ibang uri o ang kasalukuyang presyo ng isang pangunahing bilihin ay mas mataas nang 10% kumpara sa presyo nito noong nakaraang buwan.


Ang karapatan laban sa mga cartels ay binibigyang-diin din ng batas na ito. Mayroong cartel kapag may dalawa o higit pang dami ng tao na nagkasundong magsagawa ng produksyon, magpakalat, magproseso, magtago, mag-supply o magbenta ng mga pangunahing bilihin at prime commodities na naglalayong pataasan at manipulahin ang pagtaas ng presyo ng bilihin sa merkado. Kung sabay-sabay na nagtataasan ang presyo ng mga produkto, ito ay dahil nagsasabwatan ang mga negosyante na parehong taasan ang mga presyo sa merkado upang walang choice ang mga consumers.


Ang sinuman na mahuling nagsasagawa ng illegal price manipulation ng mga pangunahing bilihin at prime commodities ay maaaring maparusahan ng pagkakakulong mula limang taon hanggang 15 taon at pagbabayad ng multa mula P5,000 hanggang P2,000,000. Sa mga mahuhuli namang nagsasagawa ng paglabag sa price ceiling na itinalaga para sa mga pangunahing bilihin ay maaaring maparusahan ng pagkabilanggo mula isa hanggang 10 taon at pagbabayad nang mula P5,000 hanggang P1,000,000.


Kapag ang nagsagawa ng mga nabanggit na paglabag ay isang korporasyon, ang mga opisyales at empleyado o mga Pilipinong kinatawan ng isang banyagang korporasyon, na responsable sa mga nasabing paglabag ang mananagot sa batas.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 11, 2023


Dear Chief Acosta,


Nagbabalak akong lumipat ng trabaho dahil hindi ko na nakikitang uusad ang aking karera sa kanila. Ngunit nang balikan ko ang aking employment contract, napansin ko na mayroon palang nakasaad na non-compete clause. May bisa ba ang nasabing clause? – Jemmy


Dear Jemmy,


Ang iyong katanungan ay nasagot ng Kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Daisy B. Tiu vs. Platinum Plans Phil. Inc., G.R. No. 163512, 28 February 2007, sa panunulat ng Kagalang-galang na dating Associate Justice Leonardo A. Quisumbing, kung saan pinasyahan ang mga sumusunod:


“As early as 1916, we already had the occasion to discuss the validity of a non-involvement clause. In Ferrazzini v. Gsell, we said that such clause was unreasonable restraint of trade and therefore against public policy. In Ferrazzini, the employee was prohibited from engaging in any business or occupation in the Philippines for a period of five years after the termination of his employment contract and must first get the written permission of his employer if he were to do so. The Court ruled that while the stipulation was indeed limited as to time and space, it was not limited as to trade. Such prohibition, in effect, forces an employee to leave the Philippines to work should his employer refuse to give a written permission.


Conformably then with the aforementioned pronouncements, a non-involvement clause is not necessarily void for being in restraint of trade as long as there are reasonable limitations as to time, trade, and place.


In any event, Article 1306 of the Civil Code provides that parties to a contract may establish such stipulations, clauses, terms and conditions as they may deem convenient, provided they are not contrary to law, morals, good customs, public order, or public policy.


Article 1159 of the same Code also provides that obligations arising from contracts have the force of law between the contracting parties and should be complied with in good faith.


Not being contrary to public policy, the non-involvement clause, which petitioner and respondent freely agreed upon, has the force of law between them, and thus, should be complied with in good faith.”


Ayon sa nasabing kaso, ang non-compete o non-involvement clause ay hindi maituturing na walang bisa hangga’t may mga makatwirang limitasyon ito, partikular sa oras, kalakalan, at lugar.


Hindi salungat sa pampublikong patakaran ang non-involvement clause, na malayang napagkasunduan. Sa pagitan ng mga nagkasundong partido, ito ay may puwersa ng batas, at sa gayun ay dapat na sundin nang may mabuting loob.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page