top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 26, 2023


Ang karapatan ng isang tao na magmana ay nakapaloob sa Book III, Title IV, Chapter I ng New Civil Code of the Philippines. Ang unang probisyon nito ay nagbibigay-kahulugan sa kung ano ang pagmamana. Ayon dito:


“Art. 774. Succession is a mode of acquisition by virtue of which the property, rights and obligations to the extent of the value of the inheritance, of a person are transmitted through his death to another or others either by his will or by operation of law.”


Sa pagbalangkas ng nasabing probisyon, malinaw nating makikita na ang isang tao ay maaaring magkamit ng ari-arian sa pamamagitan ng mana, na magsisimula sa araw na ang nagpapamana ay sumakabilang-buhay. Dalawang partido ang pinag-uusapan sa mana: ang nagpapamana at tagapagmana. Ang nagpapamana ay ang partidong sumakabilang-buhay at ang tagapagmana ay ang naiwanan ng taong pumanaw. Sa ganitong paraan ng pagkakamit ng pag-aari, hindi lamang ari-arian ang nalilipat sa isang tao, bagkus pati ang karapatan at obligasyon din ng taong nagpapamana.


Ang pagsasalin ng mana ay maaaring sa pamamagitan ng (1) isang testamentong tinatawag na “last will and testament” o huling habilin; (2) operasyon ng batas dahil sa kawalan ng huling habilin ng taong pumanaw; o kaya (3) ang kumbinasyon ng dalawang nabanggit kung saan may huling habilin, ngunit hindi nasakop ang kabuuan ng mana o mayroong sapilitang tagapagmana na hindi naisama sa nasabing huling habilin. Sakop ng mamanahin ang lahat ng karapatan at obligasyon ng nagpapamana na hindi napawalang-bisa ng pagpanaw ng huli.


Sa ating batas, ang mga sumusunod ang mga itinalagang sapilitang tagapagmana:


“Art. 887. The following are compulsory heirs:


(1) Legitimate children and descendants, with respect to their legitimate parents and ascendants;


(2) In default of the foregoing, legitimate parents and ascendants, with respect to their legitimate children and descendants;


(3) The widow or widower;


(4) Acknowledged natural children, and natural children by legal fiction;

(5) Other illegitimate children referred to in Article 287.”


Sila ay itinuring na sapilitang tagapagmana, sapagkat sila ay itinalaga ng batas na may karapatan na makinabang sa mga ari-ariang naiwanan ng isang taong namayapa na.


Maaari lamang silang mawalan ng mana kapag ang nagpapamana ay gumawa ng kasulatan na nagpapawalang karapatan sa kanila na maging tagapagmana nito.


Gayunman, maaaari lamang silang tanggalan ng karapatang magmana alinsunod sa mga dahilang itinatakda ng batas at dapat din itong sumunod sa porma ng isang huling habilin.

Ang mga dahilan na maaaring gamitin upang mapawalan ng mana ang isang sapilitang tagapagmana katulad ng asawa at mga anak ay alinman sa mga sumusunod:


“Art. 919. The following shall be sufficient causes for the disinheritance of children and descendants, legitimate as well as illegitimate:


(1) When a child or descendant has been found guilty of an attempt against the life of the testator, his or her spouse, descendants, or ascendants;


(2) When a child or descendant has accused the testator of a crime for which the law prescribes imprisonment for six years or more, if the accusation has been found groundless;


(3) When a child or descendant has been convicted of adultery or concubinage with the spouse of the testator;


(4) When a child or descendant by fraud, violence, intimidation, or undue influence causes the testator to make a will or to change one already made;


(5) A refusal without justifiable cause to support the parent or ascendant who disinherits such child or descendant;


(6) Maltreatment of the testator by word or deed, by the child or descendant;


(7) When a child or descendant leads a dishonorable or disgraceful life;


(8) Conviction of a crime which carries with it the penalty of civil interdiction.


Art. 921. The following shall be sufficient causes for disinheriting a spouse:


(1) When the spouse has been convicted of an attempt against the life of the testator, his or her descendants, or ascendants;


(2) When the spouse has accused the testator of a crime for which the law prescribes imprisonment of six years or more, and the accusation has been found to be false;


(3) When the spouse by fraud, violence, intimidation, or undue influence cause the testator to make a will or to change one already made;


(4) When the spouse has given cause for legal separation;


(5) When the spouse has given grounds for the loss of parental authority;


(6) Unjustifiable refusal to support the children or the other spouse.”


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Pebrero 25, 2023


Dear Chief Acosta,


Tumanggi ang katrabaho ko na pakasalan ako kahit nabuntis ko siya. Pumayag naman siya na kilalanin ang sanggol bilang anak ko nang ito’y ipinanganak. Dahil dito, humingi ako ng paternity leave sa aming opisina tulad ng ginawa ng mga katrabaho ko noong nanganak ang kanilang mga asawa.


Sa kasamaang-palad, ang aking kahilingan ay tinanggihan dahil hindi ako kasal. Totoo bang hindi ako kuwalipikado para sa paternity leave? – Maruicio


Dear Maruicio,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 2 ng Republic Act No. 8187 o mas kilala sa tawag na “Paternity Leave Act of 1996”, kung saan nakasaad na:


“Sec. 3. Definition of Term. – For purpose of this Act, Paternity Leave refers to the benefits granted to a married male employee allowing him not to report for work for seven (7) days but continues to earn the compensation thereof, on the condition that his spouse has delivered a child or suffered a miscarriage for purposes of enabling him to effectively lend support to his wife in her period of recovery and/or in the nursing of the newly-born child.


Kaugnay nito, ang Seksyon 1 (d) ng Implementing Rules and Regulations ng batas ay nagbigay-linaw sa kahulugan ng salitang “spouse”.


Ayon dito, “SECTION 1. Definition of Terms - As used in these Rules, the following terms shall have the meaning as indicated hereunder

d. “Spouse” refers to the lawful wife. For this purpose, lawful wife refers to a woman who is legally married to the male employee concerned.”


Batay sa inyong salaysay, ikaw at ang ina ng iyong anak ay hindi kasal. Samakatuwid, batay sa nabanggit na batas, totoo na hindi ka kuwalipikado para sa paternity leave dahil isa sa mga kinakailangan upang makuha ang nasabing benepisyo ay kasal ang lalaking empleyadong humihingi nito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Daing mula sa hukay | February 24, 2023


Ang kaarawan ay itinuturing na espesyal na araw ng taong nagdiriwang nito. May pagkakataon na kahit may mga pasanin sa buhay ay nagkakaroon ng kagaanan.


Ngunit, ang munting hiling ng dalagita na si Jessica Poquiz ay naipagkaitan at sa halip ay bigat ng kalooban ang kanyang naramdaman.


Ayon sa salaysay ng kanyang mga magulang na sina G. Jusite at Gng. Grace Poquiz ng Parañaque City, “Noong ika-8 ng Nobyembre 2018, kaarawan ng aming anak, sinabihan niya kami na mabigat ang loob niya dahil masama ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa sumunod na taon ng 2019 ay naging pabalik-balik ang pananakit ng kanyang ulo, tiyan, katawan at kasukasuan.”


Si Jessica, 13, ay namatay noong Nobyembre 1, 2019. Siya ang ika-148 sa mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng lamang-loob), neurotropism (pamamaga, at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} - na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos na hilingin ng kanilang mga pamilya.


Ayon sa kanyang Certificate of Death, siya ay namatay dahil sa Cerebral Herniation (Immediate Cause), Ruptured Artenovenous Malformation Versus Intracranial Mass (Other Signigicant Conditions Contributing to Death). Si Jessica ay naturukan ng Dengvaxia sa kanilang eskwelahan sa Parañaque City. Noong Nobyembre 2017, nag-umpisa siyang dumaing ng pananakit ng likod at matapos noon, napansin ng kanyang mga magulang na siya rin ay hinihingal. Sa pagdaan ng mga buwan ay lumala ang kalagayan niya.


Sa mga taong 2018 at 2019, narito ang pinagdaanang mga karamdaman ni Jessica hanggang sa siya ay bawian ng buhay noong Nobyembre 1, 2019:


  • Pebrero 2018 Nagreklamo siya ng pananakit ng kalamnan, tiyan, ulo, likod, mga buto at kasukasuan. Dahil dito, dinala siya sa isang ospital sa Manila upang ipasuri. Ayon sa doktor, normal naman ang kalagayan niya. Payo pa nito, painumin lamang siya ng Gatorade na siya namang ginawa ng kanyang mga magulang. Gayunman, wala pa ring magandang pagbabago sa mga nararamdaman niya. Lagi siyang pagod kahit hindi naman siya nagpapakapagod. Nagpatuloy ang mga masasamang nararamdaman niyang ito sa mga sumunod na buwan.

  • Mayo 17, 2018 - Muli siyang dinala sa ospital sa Manila. Normal pa rin ang resulta ng pagsusuri ng doktor sa kanya, kaya siya ay pinauwi rin. Ang daing ni Jessica ay ang pananakit ng kanyang kalamnan, at paghingal at pagod. Hindi pa rin bumuti ang kalagayan niya.

  • Hunyo 2019 - Dahan-dahan na siya kung maglakad. Patuloy pa rin ang pagsakit ng ulo niya.

  • Hulyo 2019 - Namaga ang mukha ni Jessica. Dumaing siya ng pananakit ng kanyang ulo, tiyan at kalamnan. Hinihingal din siyang huminga. Hindi pa rin bumuti ang kalusugan niya sa mga sumunod na buwan.

  • Oktubre 29, 2019 - Dumaing siya ng sobrang pananakit ng ulo. Siya ay umuungol sa sakit, nagwawala, naduduwal at nagsusuka. Dahil doon, itinakbo siyang muli sa ospital. Habang sakay sila ng taxi, bumula ang bibig niya. Pagkadating nila ru’n, sinabihan sila ng doktor na nag-agaw-buhay si Jessica at kailangang i-revive. Dagdag pa nila, brain dead na siya at delikado ang kanyang buhay. Hindi na siya magising at puso na lamang niya ang tumitibok. Siya ay isinailalim sa CT scan, at base sa resulta, may pumutok na ugat sa utak niya. Pagsapit nga ng pasado alas- 7:00 ng umaga nang Nobyembre 1, 2019, tuluyan nang pumanaw si Jessica.


Salaysay nina G. at Gng. Poquiz, “Napakasakit ng dagliang pagpanaw ng aming anak. Hindi ipinaliwanag kung anong puwedeng maging epekto nito sa kanyang kalusugan. Hindi rin siya tinanong kung nagkaroon ba siya ng karamdaman na maaaring maging balakid upang siya ay mabakunahan nito. Kung nabigyan lamang kami ng pagkakataong malaman kung anong puwedeng maging epekto nito kay Jessica, siguradong hindi kami papayag. Kung hindi siya nabakunahan, nabubuhay pa sana siya ngayon, kaya kinakailangang may managot sa kapabayaan ng mga taong nagbakuna sa kanya.


“Dahil dito, nais naming mapanagot ang mga taong mayroong kinalaman sa pagpapalaganap ng Dengvaxia vaccine nang walang pag-iingat at tamang pag-aaral.”


Buo ang loob ng mag-asawang Poquiz na panagutin ang pinaniniwalaan nilang responsable sa trahedyang nangyari sa kanilang anak. Nilapitan nila ang aming tanggapan at PAO Forensic Team. Aming ibibigay ang lubos namin kakayahan sa kanyang kaso at sa tulad niyang biktima upang mapanagot sa matinding kapabayaan at kakulangan ng malasakit ang mga kinauukulan.


Habang ipinaglalaban ang tila napakailap na hustisya, ang magagandang alaala na ito ay nananatiling buhay sa gunita ng mga magulang ni Jessica.


Sabi nila, “Siya ay malusog at maliksing bata. Ang aming anak ay mabait, mapagmahal at may matayog na pangarap. Ayon sa aming anak, nais niyang mangibang-bansa upang dalhin kami du’n at aalagaan. Noong nabubuhay pa ang aming anak, tanging kapakanan naming mag-asawa ang namumutawi sa kanyang mga bibig.”


Ang nasayang na buhay at magagandang katangian ni Jessica ay nagsisilbing inspirasyon at hamon sa amin na ang kanyang sakrispisyo, tulad ng iba pang biktima, ay magkaroon ng saysay–nawa’y maipagkakaloob ang hustisya sa dulo ng labang ito.


Ito ay pangako na maaaring panghawakan ng mga magulang ng biktima ng eksperimentong bakuna na Dengvaxia na karamihan ay kabilang sa mahihirap. Ang laban nila sa kanilang mga kaso ay isang uri ng paglaban sa kahirapan at sa hustisya, na tiyak kami ay kaagapay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page