top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 6, 2023



Dear Chief Acosta,


Ang aking pinsan ay kasalukuyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Noong makalawa ay nakausap ko ang isa sa kanyang mga amo at ako ay inalok nito ng trabaho sa kanilang kumpanya. Maaari na ba akong mag-apply nang direkta sa kanya nang hindi dumadaan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA)? –Glenn


Dear Glenn,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan ay ang Article 18 ng Presidential Decree (P. D.) No. 442, o mas kilala sa tawag na “Labor Code of the Philippines,” kung saan nakasaad na:


“Art. 18. Ban on direct-hiring. No employer may hire a Filipino worker for overseas employment except through the Boards and entities authorized by the Secretary of Labor.


Direct-hiring by members of the diplomatic corps, international organizations and such other employers as may be allowed by the Secretary of Labor is exempted from this provision.”


Ayon sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang direct-hiring o direktang pagtanggap sa isang trabahador kung ang lugar ng pagtatrabahuhan ay sa labas ng Pilipinas. Kung nais ng isang Pilipino na makapagtrabaho sa labas ng bansa, kailangan muna niyang dumaan sa mga ahensya na authorized ng ating gobyerno. Ginagawa ito para maprotektahan ng ating gobyerno ang bawat Pilipino na magtatrabaho sa ibang bansa at masiguro na ang kapakanan nila ay kayang ipaglaban dahil hindi batas ng Pilipinas ang nasusunod sa ibang bansa.


Sa ganitong sitwasyon, ang authorized na ahensya ang mananagot sa anumang problema na kakaharapin ng ating mga overseas Filipino workers. Kaya naman, labag sa batas ang balak mong pagdirekta sa employer ng iyong pinsan sa ibang bansa nang hindi dumadaan sa POEA.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 5, 2023



Nakasaad sa Article XV ng 1987 Philippine Constitution na isinalin sa wikang Pilipino ang mga sumusunod na probisyon:


“SEK. 1. Kinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino na pundasyon ng bansa. Sa gayon, dapat nitong patatagin ang kaisahan ng pamilyang Pilipino at aktibong itaguyod ang lubos na pag-unlad niyon.


SEK. 2. Ang pag-aasawa, na ‘di malalabag na institusyong panlipunan, ay pundasyon ng pamilya at dapat pangalagaan ng Estado.”


Malinaw sa ating Saligang Batas na kinikilala ng Estado ang pamilyang Pilipino bilang pundasyon ng ating bansa. Bilang pagkilala ay kinakailangang patatagin ng Estado ang kaisahan at pag-unlad nito. Dahil dito, itinuturing ng estado ang pag-aasawa bilang isang panlipunang institusyon na hindi dapat malabag at kinakailangang mapangalagaan.


Kaya naman sa ating Family Code (Executive Order No. 209, s. 1987), nakapaloob ang mga sumusunod na probisyon:


“Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code.”


Kung ating susuriin ang mga nabanggit na probisyon, makikita natin na ang pagpapakasal ay kinikilala bilang isang institusyon kung saan ang lahat ng insidente at bagay na may kinalaman dito ay marapat na base sa kung ano ang sinasabi ng batas.


Ang pag-aasawa ay hindi maaaring maging suheto ng isang kasunduan maliban kung ang usapin ng kasunduan ay patungkol sa marriage settlement kung saan inaayos ng mag-asawa sa kanilang relasyon na may kinalaman sa kanilang mga ari-arian.


Nararapat din na igalang ng Estado ang karapatan ng mag-asawa na magtatag ng kanilang pamilya sang-ayon sa kanilang panananalig sa kanilang relihiyon at sa kung ano ang mga kinakailangan ng responsableng pagtataguyod ng pamilya.


Pinangangalagaan din ng pamahalaan ang karapatan ng mga bata na mabigyan ng kalinga, kasama ang wastong pag-aalaga at nutrisyon, at natatanging proteksyon mula sa lahat ng mga anyo ng pagpapabaya, pang-aabuso, pagmamalupit, pagsasamantala, at iba pang kondisyong nakapipinsala sa kanilang pag-unlad.


Marami ang pangangailangan ng pamilyang Pilipino. Kaya naman pinangangalagaan ng Estado ang karapatan ng bawat miyembro ng pamilya na mabigyan ng sapat na sahod at kita para sa ikabubuhay ng pamilya.


May karapatan din ang bawat pamilyang Pilipino na lumahok sa mga asosasyon na nagtataguyod ng patakaran at programa na nakaaapekto sa kanilang kapakanan.


Higit sa lahat, dapat igalang ng estado na ang pamilya ay may tungkuling kalingain ang matatandang miyembro nito. Ngunit maaari ring gawin ito ng Estado sa pamamagitan ng makatarungang mga pamamaraan ng kapanatagang panlipunan. (Seksyon 5, Artikulo XV, Saligang Batas)


Sa paglipas ng panahon ay maraming programa ang itinatag ng pamahalaan upang mapangalagaan ang pamilyang Pilipino. Katulad na lamang ng “Pantawid Pamilyang Pilipino Program” (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development. Ang 4Ps ay isang hakbang ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng conditional na tulong-pinansyal para sa pinakamahihirap na Pilipino upang pabutihin ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0 hanggang 18 taong gulang. Kailangan lamang ay matupad ng pamilya ang mga kondisyon ng pamahalaan upang maibigay sa kanila ang tulong-pinansiyal. Halaw ito sa programang Conditional Cash Transfer ng mga bansa sa Latin Amerika at Aprika, na siyang naging dahilan upang maialpas sa kahirapan ang milyun-milyong tao sa buong mundo (www.official gazette.gov.ph/programs/conditional-cash-transfer/).


to ay taliwas sa kanyang kagustuhan. Ngunit, maaari siyang makasuhan para sa pagbabayad ng danyos ng dahil sa breach of contract o hindi niya pagtupad sa kanyang mga kontraktwal na obligasyon.


Ibig sabihin, hindi ka maaaring pilitin ng iyong publisher na i-publish ang iyong mga tula.


Subalit, maaari ka nilang kasuhan para sa danyos sang-ayon sa inyong kontrata.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | March 4, 2023



Dear Chief Acosta,


Sumulat ako ng isang compilation ng mga tula na sumikat sa mga kabataan. Dahil dito, nilapitan ako ng isang publisher at nagkasundo kami na susulat pa ako ng 10 bagong tula na siyang isasama sa nasabing compilation na ipa-publish ng nasabing publisher. Sa kasamaang-palad, kahit anong pilit ko ay hindi ko nagugustuhan ang mga bagong tula na aking sinulat. Sa palagay ko ay nawala na ang aking inspirasyon upang sumulat ng mga tula. May karapatan ba ang aking publisher na pilitin akong i-publish ang mga bago kong tula kahit hindi ako nasisiyahan sa mga ito? –Allan


Dear Allan,


Para sa iyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa iyong sitwasyon ay ang Section 194 ng Republic Act No. 8293 o mas kilala sa tawag na Intellectual Property Code of the Philippines, kung saan nakasaad na:


“An author cannot be compelled to perform his contract to create a work or for the publication of his work already in existence. However, he may be held liable for damages for breach of such contract.”


Sang-ayon sa nabanggit, hindi maaaring pilitin ang isang author o tagalikha na i-publish ang kanyang mga gawa kung ito ay taliwas sa kanyang kagustuhan. Ngunit, maaari siyang makasuhan para sa pagbabayad ng danyos ng dahil sa breach of contract o hindi niya pagtupad sa kanyang mga kontraktwal na obligasyon.


Ibig sabihin, hindi ka maaaring pilitin ng iyong publisher na i-publish ang iyong mga tula.


Subalit, maaari ka nilang kasuhan para sa danyos sang-ayon sa inyong kontrata.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page