ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | April 18, 2023
Dear Chief Acosta,
Ang aking tiyahin ay rehistrado bilang isang chemist dito sa Pilipinas. Noong nakaraang buwan, nalaman niya na mayroong isang tao na nagpanggap bilang siya at ginamit ang kanyang lisensya. Ano ang maaaring parusa sa taong nagpanggap? –Pia
Dear Pia,
Para sa iyong kaalaman, ang iyong suliranin ay tinatalakay ng Republic Act No. 10657, na mas kilala sa tawag na “The Chemistry Law of the Philippines.” Nabanggit sa Section 38 ng nasabing batas na:
“Section 38. Penal Clause for the Professional Practice of Chemistry and Chemical Analysis. – No person shall undertake the professional practice of chemistry or chemical analysis without a valid certificate of registration and professional identification card. This includes any person who:
(e) Impersonates a registered chemist or a holder of a temporary/special permit. Upon conviction, a violator shall be sentenced with a penalty of imprisonment for a period of not less than one (1) month but not more than one (1) year, or a fine of not less than one hundred thousand pesos (P100,000) but not more than one million pesos (P1,000,000), or both, at the discretion of the court.”
Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang paggamit ng pangalan ng isang rehistradong chemist at pagpanggap bilang siya ay pinaparusahan ng pagkakulong ng isang buwan hanggang isang taon o multa na P100,000 hanggang P1,000,000 o parehong pagkakulong at multa, base sa diskresyon ng korte.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

