top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 13, 2023


Dear Chief Acosta,


Kinasuhan sa korte ang pamangkin ko ng paglabag sa RA 7610. Ilang beses ipina-postpone ng Piskal ang pagdinig dahil hindi sumisipot ang magulang ng bata. Noong huling pagdinig, hiniling na ng pamangkin ko sa kanyang abogado at korte na ma-dismiss ang kaso. Napagkaloob naman, ngunit provisional dismissal lamang ang pinahintulutan. Ngayong nakalipas na ang pitong buwan, pinabuksan ulit ng Piskal ang kaso. Hindi ba mali na buksan pang muli ang kaso dahil malalagay na sa double jeopardy ang pamangkin ko? Sabi ng abogado niya, ganu’n talaga, ngunit sa tingin ng pamilya namin ay dapat hindi na siya litisin pang muli.—Edelita


Dear Edelita,


Ang pag-dismiss sa kasong kriminal ay maaaring permanente o pansamantala lamang.


Ipinaliwanag ng Korte Suprema ang pagkakaiba ng dalawa:


“A permanent dismissal of a criminal case may refer to the termination of the case on the merits, resulting in either the conviction or acquittal of the accused; to the dismissal of the case due to the prosecution’s failure to prosecute; or to the dismissal thereof on the ground of unreasonable delay in the proceedings, in violation of the accused’s right to speedy disposition or trial of the case against him. In contrast, a provisional dismissal of a criminal case is a dismissal without prejudice to the reinstatement thereof before the order of dismissal becomes final or to the subsequent filing of a new information for the offense within the periods allowed under the Revised Penal Code or the Revised Rules of Court. (Pablo Condrada vs. People of the Philippines, G.R. No. 141646, February 28, 2003, Ponente: Retired Honorable Associate Justice Romeo J. Callejo Sr.)


Nabanggit mo na ayon sa kautusan ng korte, ang kaso laban sa iyong pamangkin ay provisionally dismissed. Sapagkat pitong buwan pa lamang ang nakalilipas ay maaari pa itong buhayin dahil nagiging pinal lamang ang provisional dismissal makalipas ang isa o dalawang taon nang hindi binubuhay ang kaso. Partikular na nakasaad sa Rule 117 ng Revised Rules of Criminal Procedure na:


“Section 8. Provisional dismissal. — A case shall not be provisionally dismissed except with the express consent of the accused and with notice to the offended party.


The provisional dismissal of offenses punishable by imprisonment not exceeding six (6) years or a fine of any amount, or both, shall become permanent one (1) year after issuance of the order without the case having been revived. With respect to offenses punishable by imprisonment of more than six (6) years, their provisional dismissal shall become permanent two (2) years after issuance of the order without the case having been revived.”


Kaugnay nito, hindi malalagay sa double jeopardy ang iyong pamangkin, sapagkat mayroong pagsang-ayon niya sa naging dismissal. Sa katunayan, siya mismo ang humiling nito ayon sa iyo. Kaya maaari pa ring buhayin ang kaso laban sa kanya, maliban na lamang kung mapapatunayan niya na walang sapat na ebidensya na sumusuporta sa akusasyon laban sa kanya o kung hindi na makatwiran ang pagkaantala sa kasong isinampa laban sa kanya na nalalabag na ang kanyang karapatan sa speedy trial. Ito ay alinsunod sa paliwanag ng ating Korte Suprema:


“The proscription against double jeopardy presupposes that an accused has been previously charged with an offense, and the case against him is terminated either by his acquittal or conviction, or dismissed in any other manner without his consent. As a general rule, the following requisites must be present for double jeopardy to attach: (1) a valid indictment, (2) before a court of competent jurisdiction, (3) the arraignment of the accused, (4) a valid plea entered by him, and (5) the acquittal or conviction of the accused, or the dismissal or termination of the case against him without his express consent. However, there are two exceptions to the foregoing rule, and double jeopardy may attach even if the dismissal of the case was with the consent of the accused: first, when there is insufficiency of evidence to support the charge against him; and second, where there has been an unreasonable delay in the proceedings, in violation of the accused’s right to speedy trial.”


Sa puntong ito, lubos naming iminumungkahi na makipag-ugnayan ang iyong pamangkin sa kanyang abogado at alamin kung naaangkop at pasok siya sa isa sa mga exceptions na nabanggit sa itaas, at para na rin lubos siyang magabayan sa legal na hakbang at/o remedyo na maaari niyang gawin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 12, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay tinawag ng dalawa niyang kaibigan na nakatagpo ng halagang P100,000 habang naglalakad sa isang madilim na kalye sa aming barangay. Sang-ayon sa kanilang usapan, pinaghati-hatian nila ang pera at ito ay nagastos ng aking anak pambili ng ilang materyales pang-ayos ng aming bahay at ilang mga appliances.


Kinalaunan, may mga pulis na nagtungo sa aming bahay. Hinahanap nila ang aking anak na naituro diumano na isa sa mga nakatagpo ng pera. Itinuro ng aking anak ang dalawa niyang kaibigan na nakatagpo ng pera, ngunit nagastos na rin nila ang kanilang parte. Kinasuhan ang dalawang bata, kasama ang aking anak. Hindi naman nagnakaw ang aking anak at nakibahagi lamang sa hatian, tama ba na naisama siya sa kaso? –Fanny



Dear Fanny,


Ang iyong katanungan ay sinagot ng Korte Suprema sa kasong Fernando Pante y Rangasa v. People of the Philippines (G.R. No. 218969, January 18, 2021, Ponente: Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando), kung saan sinabi ang konsepto ng ‘finder in law’ kung saan ipinahayag ng Korte Suprema na hindi lamang ang taong aktwal na nakahanap ng isang bagay at hindi nagsauli nito ang may-sala, kundi pati ang mga taong nakibahagi o pinaglipatan nito. Ayon sa Korte Suprema:


“Under Article 308, par. 2 (1) of the RPC, Theft is also committed by one's failure to deliver lost property to its owner or local authorities. In this kind of Theft, it is essential to prove: 1) the finding of lost property; 2) the failure of the finder to deliver the same to the local authorities or its owner.


In fine, a "finder" under Article 308, par. 2(1) of the RPC is not only limited to the actual finder of the lost property since the gist of the offense is the furtive taking and misappropriation of the property found. Though not the actual finder, there is no dispute that Pante knew for a fact that his two co-accused minor did not own the subject money. He knew for a fact that his co-accused minor merely found the money along the road while the latter was delivering bread. Instead of returning the money, Pante convinced his co-accused minors not to return the money and to divide it among themselves. At that moment, Pante placed himself precisely in the situation as if he was the actual finder. Otherwise stated, petitioner was a "finder in law," if not in fact; and his act in appropriating the money was of precisely of the same character as if it had been originally found by him. His criminal intent to commandeer the money found was altogether clear at that point. The rationale for the "finder in law" concept is not difficult to fathom. It is precisely to protect the owner of the lost property in the event the lost property is transferred from one individual to another and to prevent the "finder in law" from escaping liability by claiming that he was not the actual finder thereof but was merely entrusted custody thereof by someone who had no intention to appropriate the same.”


Gaya sa kaso ng iyong anak, siya ay makokonsiderang ‘finder in law’ at may pananagutan sa ilalim ng batas dahil siya ay nakibahagi sa paghahati ng nasabing natagpuang pera, gayung alam naman niyang ito ay napulot lamang. Hindi magiging depensa na hindi naman siya ang mismong nakatagpo o nakapulot ng pera dahil ang tinitingnan ng batas ay ang ilegal o hindi makatwirang pagkuha o paggamit ng pera na alam mo namang pag-aari ng iba.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | May 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Ang aking anak ay kasalukuyang nag-aaral sa isang pampublikong eskuwelahan.


Noong nakaraang taon, sa pribadong eskuwelahan siya nag-aral, ngunit kinailangan ko siyang ilipat. Hindi pa namin nakukuha ang kanyang report card mula sa dati niyang paaralan dahil may naiwan pa kaming utang sa matrikula. Sa kabila nito, tinanggap siya sa bago niyang paaralan, matapos akong pumirma ng affidavit of undertaking at nangako na isusumite ko ang report card ng aking anak sa oras na makuha ko ito. Sa kabutihang-palad ay napabilang siya sa academic honors list, subalit sinabihan ako ng kanilang pamunuan na hindi mabibigyan ng nasabing parangal ang aking anak kahit naabot niya ang kinakailangang grado, sapagkat hindi ko pa nasusumite ang report card niya mula sa dati niyang eskuwelahan. Maaari ba nilang gawin ‘yun? –Louise


Dear Louise,


Ang mga panuntunan na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Department of Education Order 03, Series of 2018 o ang Basic Education Enrollment Policy. Nakasaad dito na:


“C. Temporary Enrollment

Transferees from public and private schools in the Philippines who failed to submit the SF 9 (formerly Form 138) during early registration or upon enrollment shall only be temporarily enrolled until the submission of required documents on or before August 31st of the current school year. They shall be required to submit an Affidavit of Undertaking, provided as Annex 3, signed by the parent/guardian in order to be temporarily enrolled.


Upon complete submission of the documentary requirements, the learner shall be tagged as officially enrolled in the LIS [Learner Information System]. Otherwise, the learner retains the status of temporarily enrolled; the learner cannot be officially promoted to a higher level, and the learner cannot officially graduate from the school. The learner will not be recognized should he/she attain the qualifying average and other criteria for academic honors, and the receiving school shall not release official documents such as SF 9, SF 10, Certificate of Completion, Diploma, etc.”


Alinsunod sa nabanggit na panuntunan, ang enrollment status ng iyong anak sa kanyang nilipatang paaralan ay temporary o pansamantala lamang, sapagkat siya ay may kulang pa na rekisito. Sa iyong pagsumite ng affidavit of undertaking, inaako mo ang responsibilidad na ibigay sa kanyang nilipatang paaralan ang mga kulang na rekisito upang maging ganap ang kanyang enrollment. Malinaw din na nakasaad sa nasabing panuntunan na ang isang mag-aaral na may estado na “temporarily enrolled” ay hindi kikilalanin, kung siya man ay maging kuwalipikado sa pamantayan ng eskuwelahan upang magawaran ng academic honors. Bukod dito at higit na makaaapekto sa iyong anak, ang isang “temporarily enrolled” na mag-aaral ay hindi papayagang umakyat ng baitang at opisyal na makatapos sa pag-aaaral.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page