top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 25, 2023


Sakop ng civil service ang lahat ng ahensya, subdibisyon at tanggapan ng pamahalaan, kasama ang mga government-owned or controlled corporations na may orihinal na charter. Ang civil service ay may dalawang uri ng klasipikasyon; ito ay ang Career at Non-Career Service.


Ayon sa Administrative Code of 1987, “The Career Service shall be characterized by (1) entrance based on merit and fitness to be determined as far as practicable by competitive examination, or based on highly technical qualifications; (2) opportunity for advancement to higher career positions; and (3) security of tenure.”


Samantala, ang Non-Career Service, “shall be characterized by (1) entrance on bases other than those of the usual tests of merit and fitness utilized for the career service; and (2) tenure which is limited to a period specified by law, or which is co-terminus with that of the appointing authority or subject to his pleasure, or which is limited to the duration of a particular project for which is employment purpose was made.”


Makikita sa mga nabanggit na klasipikasyon na malaki ang pagkakaiba ng career at non-career service sapagkat walang security of tenure ang huli. Sa alinmang sangay ng pamahalaan na ang mga kawani ay may security of tenure, hindi sila maaaring masuspinde o matanggal sa serbisyo nang walang dahilan. Ang pagkakaalis sa serbisyo ng isang manggagawa sa gobyerno na nabibilang sa career service ay maisasagawa lamang matapos na siya ay marinig sa isang parehas at patas na pagdinig.


Ang career service ay ang mga sumusunod:

  1. Open career positions;

  2. Closed Career positions;

  3. Positions in the Career Executive Service;

  4. Career Officers

  5. Commissioned officers and enlisted men of the Armed Forces of the Philippines;

  6. Personnel of government-owned or controlled corporations which do not fall under the non-career service; and

  7. Permanent laborers, whether skilled, semi-skilled, or unskilled.

Samantala, ang non-career service ay ang mga sumusunod:

  1. Elective officials and their personnel or confidential staff;

  2. Secretaries and other officials of Cabinet rank who hold their positions at the pleasure of the President and their personal or confidential staff(s);

  3. Chairman or members of the commissions and boards with fixed terms of office and their personal or confidential staff;

  4. Contractual personnel or those whose employment in the government is in accordance with special contract to undertake specific work or job, requiring special skills not available in the employing agency; and

  5. Emergency and seasonal personnel.


Ang mga kawani ng pamahalaan na nasa career service o mga tinatawag na civil servants ay may mga karapatan katulad ng mga pribadong manggagawa. Subalit ang paraan ng paggamit ng mga nasabing karapatan ay kaiba sa paggamit ng mga pribadong manggagawa dahilan sa kailangang isaalang-alang ang serbisyo sa bayan at sa mga mamamayan. Nabibigyan ng limitasyon ang mga karapatang ito, ayon sa tawag ng tungkulin, dikta ng batas, at utos ng mga nakatataas para sa ikabubuti ng pamayanan at ng buong sambayanan.


Ang lahat ng mga naglilingkod sa pamahalaan at sa mga korporasyong pag-aari at pinamumunuan ng pamahalaan na may orihinal na charter, maliban sa mga manggagawang nasa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ay may karapatang bumuo, sumali o tumulong sa pagbuo ng isang organisasyon na kanilang pinili para sa ikalalawig at proteksyon ng kanilang mga interes. Maaari rin silang bumuo, sa pakikipagtulungan sa mga kaukulang awtoridad ng pamahalaan, ng labor-management committees, work councils, at iba pang uri ng pakikibahagi ng mga manggagawa sa mga aktibidad upang makamit ang kaparehong layunin (Section 38 ng E.O. No. 292).


Bukod sa mga nabanggit na empleyado, ang mga manggagawa na humahawak ng posisyon sa trabaho na maituturing na policy-making, managerial, o gumagawa ng mga tungkuling highly confidential ay hindi maaaring makilahok sa organisasyon ng mga rank-and-file na manggagawa ng pamahalaan (Section 39, E.O. No. 292).


Subalit, ang karapatang ito ay limitado sa paghahain ng petisyon sa mga kinauukulan upang bigyan ng pansin ang kanilang mga hinaing. Hindi pinahihintulutang mag-alsa (strike) ang mga manggagawa sa pamahalaan, katulad ng mga nasa pribadong kumpanya dahil na rin sa ang kapakanan ng sambayanan ang nakasalalay sa kanilang pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin.


May mga pagkakataon na ang mga manggagawa sa pamahalaan ay kinakailangang magtrabaho ng lampas sa takdang oras dahil sa tawag ng tungkulin. Sa ganitong pagkakataon ay hindi maaaring manghingi ang nasabing manggagawa ng kanyang overtime pay para sa bawat oras na pagtatrabaho ng lampas sa takdang oras, katulad ng isang manggagawa sa pribadong kumpanya.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 24, 2023


Dear Chief Acosta,


Mayroon bang partikular na batas na nakakasaklaw at nagpapataw ng kaparusahan sa sino man na mapapatunayan na nagsasalita nang hindi maganda sa isang taong may kapansanan? - Richard


Dear Richard,


Ang sagot sa iyong katanungan ay oo. Para sa iyong kaalaman, ang Republic Act Number 7277, na inamyendahan ng Republic Act Number 9442, o mas kilala sa tawag na “Magna Carta for Disabled Persons,” ang batas na espisipikong sumasaklaw sa mga taong may kapansanan. Kaugnay nito, nakasaad sa nasabing batas ang mga sumusunod:


“SEC. 39. Public Ridicule. – For purposes of this chapter, public ridicule shall be defined as an act of making fun or contemptuous imitating or making mockery of persons with disability whether in writing, or in words, or in action due to their impairment/s.


SEC. 40. No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.


SEC 41. Vilification. – For purposes of this Chapter, vilification shall be defined as:

a. The utterance of slanderous and abusive statements against a person with disability; and/or


b. An activity in public which incites hatred towards, serious contempt for, or severe ridicule of persons with disability.

SEC. 42. Any individual, group or community is hereby prohibited from vilifying any person with disability which could result into loss of self-esteem of the latter.”


Alinsunod sa mga nabanggit na probisyon ng batas, malinaw na ipinagbabawal at pinaparusahan ng batas ang public ridicule o pamamahiya sa pampublikong lugar, at ang vilification o masasakit/mapanirang puring mga pananalita sa isang taong may kapansanan o persons with disability. Hinggil pa rin sa nabanggit, sakop din sa depinisyon ng vilification – na ipinagbabawal at pinaparusahan -- ang ano mang aktibidad sa isang pampublikong lugar na nag-uudyok ng pagkamuhi sa, seryosong paghamak, o matinding pangungutya sa mga taong may kapansanan.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 23, 2023


Dear Chief Acosta,


May maliit na negosyo ng talyer at carwash ang kapatid ko na halos mag-iisang taon pa lamang.


Mayroon siyang isang manggagawa na lumipat na ng pinagtatrabahuan. Kamakailan ay bumalik diumano ang manggagawa na ito sa talyer at iginigiit niya na mayroon pa diumano siyang sahod at benepisyo na hindi ibinibigay ng kapatid ko. Sa tala naman ng kapatid ko ay nabayaran na niya ang lahat ng dapat niyang bayaran. Obligasyon ba ng kapatid ko na ipakita ang mga nasa tala niya kaugnay sa mga ibinayad niya sa manggagawang ito? Hindi ba pasanin ng manggagawang ito na patunayan ang kanyang ibinibintang kung nais niyang magreklamo? - Gino


Dear Gino,


Ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas ang pagbibigay ng legal na proteksyon sa mga manggagawa, kabilang na rito ang pagsiguro na mabigyan ng sapat na proteksyon ang kanilang karapatan na mabayaran ng angkop na sahod at mga benepisyo. Ang garantiya na ito ay mababanaag sa Section 3, Article XIII ng 1987 Philippine Constitution:


“SECTION 3. The State shall afford full protection to labor, local and overseas, organized and unorganized, and promote full employment and equality of employment opportunities for all.


It shall guarantee the rights of all workers to self-organization, collective bargaining and negotiations, and peaceful concerted activities, including the right to strike in accordance with law. They shall be entitled to security of tenure, humane conditions of work, and a living wage.”


Kung sa totoong palagay ng dating manggagawa ng iyong kapatid na hindi siya nabayaran ng angkop na sahod at benepisyo, maaari niyang igiit iyon. Maaari rin siyang magpresinta ng dokumento o ebidensya na susuporta sa kanyang alegasyon. Ngunit nais naming bigyang-diin na hindi lamang ang manggagawa ang mayroong pasanin ng pagpapatunay. Ang employer, tulad ng kapatid mo, ay mayroon ding pasanin na patunayan na sadyang nabayaran niya nang tama ang kanyang manggagawa.


Ipinaliwanag ng ating Korte Suprema, sa panulat ni Honorable Associate Justice Rodil V. Zalameda, sa kasong Salvador dela Fuente and Manuel Sarraga vs. Marilyn E. Gimenez (G.R. No. 214419. November 17, 2021):


“Moreover, it is a settled labor doctrine that in cases involving non-payment of monetary claims of employees, the employer has the burden of proving that the employees did receive their wages and benefits and that the same were paid in accordance with law. As we have explained in Heirs of Ridad v. Gregorio Araneta University Foundation:


“Well-settled is the rule that once the employee has set out with particularity in his complaint, position paper, affidavits and other documents the labor standard benefits he is entitled to, and which he alleged that the employer failed to pay him, it becomes the employer's burden to prove that it has paid these money claims. One who pleads payment has the burden of proving it, and even where the employees must allege non-payment, the general rule is that the burden rests on the employer to prove payment, rather than on the employees to prove non-payment. The reason for the rule is that the pertinent personnel files, payrolls, records, remittances, and other similar documents — which will show that overtime, differentials, service incentive leave, and other claims of the worker have been paid — are not in the possession of the worker but in the custody and absolute control of the employer.”


Kung kaya’t magiging mainam na ipakita at ipaliwanag ng iyong kapatid sa dati niyang manggagawa ang tala na kung saan nakasaad na ang huli ay nabayaran na nang angkop at sapat ng iyong kapatid. Kung sadyang hindi kumbinsido ang naturang manggagawa at ipilit pa rin nito na maningil ay hindi siya mapipigilan na maghain ng reklamo. Kung mangyari man iyon ay obligado ang iyong kapatid na patunayan, maging sa National Labor Relations Commission (NLRC) man o umabot hanggang sa hukuman, na nagbigay siya ng sapat na pagpapasahod at legal na mga benepisyo sa naturang manggagawa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page