top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 19, 2023


Dear Chief Acosta,


Napapadalas na ang malakas na ulan nitong mga nakaraang araw at batid ko na pagkatapos ng malakas na ulan ay nagbabaha sa ilang lugar sa amin. Minsan ay may mga basura na lumulutang-lutang sa baha at pagkahupa naman ng baha ay naiiwan ang ibang basura sa kalye. Dahil dito, nais ko sanang malaman kung may batayan ba na sinusunod sa pagtatapon o paghihiwa-hiwalay ng mga basura. Salamat po sa inyong tugon. - Kap


Dear Kap,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 22 ng Republic Act (R.A.) No. 9003, o ang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”, na nagsasaad na:

“SECTION 22. Requirements for the Segregation and Storage of Solid Waste. — The following shall be the minimum standards and requirements for segregation and storage of solid waste pending collection:


a. There shall be a separate container for each type of waste from all sources: Provided, That in the case of bulky waste, it will suffice that the same be collected and placed in a separate and designated area;

b. The solid waste container depending on its use shall be properly marked or identified for on-site collection as “compostable”, “non-recyclable”, “recyclable” or “special waste”, or any other classification as may be determined by the Commission.”


Ayon sa nasabing probisyon ng batas, may kailangang sundin na minimum standards o requirements patungkol sa paghihiwa-hiwalay at pagtatago ng mga solidong basura na hindi pa nakokolekta sa isang lugar.


Base sa nakasaad sa Seksyon 22 ng R.A. No. 9003, nararapat na may mga magkakahiwalay na lagayan para sa kada uri ng basura na nakukuha sa iba’t ibang pinanggalingan nito, at kung sakaling malaki ang nasabing basura, maaari na itong makolekta at ilagay sa ibang lugar.


Gayundin, ang iba’t ibang lagayan ng basura ay nararapat na lagyan ng wastong marka o pagkakakilanlan para sa maayos na pangongolekta tulad ng “compostable,” “non-recyclable,” “recyclable” o “special waste,” o kahit ano pang klasipikasyon na maaaring madetermina ng National Solid Waste Management Commission. Karagdagan dito, nais din naming ipaalam sa iyo na may karampatang multa o pagkakakulong na maaaring ipataw sa sino man na mapatutunayan na lumabag sa kahit anong probisyon ng R.A. No. 9003 alinsunod sa Seksyon 48 ng nasabing batas.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 18, 2023


Dear Chief Acosta,


Nasususpinde ba talaga ang cash benefit na ibinibigay sa ilalim ng 4Ps? Rehistradong benepisyaryo ang kapatid ko sa programang iyon subalit nasuspinde diumano ang pagpapadala sa kanya ng pinansyal na tulong nang matigil sa pag-aaral ang isa niyang anak. Malaking tulong sana kasi iyon sa pamilya nila na hikahos naman talaga sa buhay. Sana ay malinawan ninyo ako. - Carmen


Dear Carmen,


Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o “4Ps” ay isinulong upang mabigyan ng tulong ang mga mahihirap na mamamayan sa ating bansa. Ang isa sa mga benepisyo na maaaring makuha sa naturang programa ay ang cash grants na maipagkakaloob sa mga kuwalipikadong benepisyaryo. Nakasaad sa Section 6 ng Republic Act (R. A.) No. 11310, o mas kilala bilang “Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act”, ang mga pamantayan para sa mga mabibigyan ng naturang pinansyal na tulong:


“Section 6. Eligible Beneficiaries. - Farmers, fisherfolks, homeless families, indigenous peoples, those in the informal settler sector and those in geographically isolated and disadvantaged areas including those in areas without electricity shall be automatically included in the standardized targeting system to be conducted by the DSWD: Provided, That to be eligible for the cash grants, households or families must meet the following criteria:


a. Classified as poor and near-poor based on the Standardized Targeting System and the poverty threshold issued by the Philippine Statistics Authority (PSA) at the time of selection;

b. Have members who are aged zero (0) to eighteen (18) years old or have members who are pregnant at the time of registration;

c. Willing to comply with the conditions specified by this Act.”


Gayon pa man, ang mga kuwalipikadong benepisyaryo ay kinakailangang patuloy na tumalima sa mga kondisyong iniaatas ng nasabing batas upang patuloy na makatanggap ng naturang pinansyal na tulong. Ang hindi pagtalima ay maaaring mauwi sa pagkakahinto ng pagtanggap sa cash grants o kaya naman ay pagkakatanggal mismo sa programa. Malinaw na nakasaad sa Sections 11 at 12 ng R.A. No. 11310:


“Section 11. Conditions for Entitlement. - All qualified household-beneficiaries shall comply with all of the following conditions as a requirement for continued program eligibility:


a. Pregnant women must avail of pre-natal services, give birth in a health facility attended by a skilled health professional, and receive post-partum care and post-natal care for her newborn;

b. Children zero (0) to five (5) years old must receive regular preventive health and nutrition services including check-ups and vaccinations;

c. Children one (1) to fourteen (14) years old must avail of deworming pills at least twice a year;

d. Children three (3) to four (4) years old must attend day care or pre-school classes at least eighty-five percent (85%) of them time;

e. Children five (5) to eighteen (18) years old must attend elementary or secondary classes at least eighty-five percent (85%) of their time;

f. At least one (1) responsible person must attend family development sessions conducted by the DSWD, at least once a month.


Section 12. Noncompliance with Conditions. - The responsible person of a reported qualified household-beneficiary who fails to comply with conditions set forth in Section 11 of this Act shall at first be notified in writing and the payment of cash grants will immediately be terminated. After four (4) months of noncompliance, the household-beneficiary shall be subject to case management process of DSWD.


Should the qualified household-beneficiary so notified persist in not complying with the conditions within a period of one (1) year since the day of receipt of the written notification, the household-beneficiary shall be removed from the program.


Kung mayroong kondisyon na hindi natupad o naipagpatuloy na tuparin ng iyong kapatid, tulad ng pagtigil sa pag-aaral ng isa sa kanyang mga anak, taliwas sa kondisyon na nabanggit sa batas, ay sadyang mahihinto ang pagtanggap niya ng pinansyal na tulong sa ilalim ng 4Ps. Magiging mainam na siya ang makipag-ugnayan sa lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa munisipalidad, siyudad o probinsya niya upang magabayan ng mga dapat niyang gawin upang makuha muli ang benepisyong ito at maiwasan din na matanggal siya sa mismong programa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 17, 2023


Dear Chief Acosta,


Nagsumbong ang pamangkin ko sa akin na siya diumano ay sekswal na inabuso.


Noong una ay ayaw niya pang sabihin ang lahat ng nangyari, ngunit sa tulong na rin ng matalik niyang kaibigan ay naglakas-loob siyang sumama na magpasuri sa doktor at idetalye ang lahat ng nangyari sa kanya. Kamakailan ay nabalitaan niya na ipinagkakalat diumano ng lalaki na nang-abuso sa kanya na sila ay magnobyo ng pamangkin ko. Mariing itinanggi ito ng pamangkin ko. Bagaman naging “crush” diumano niya ang naturang lalaki ay hindi umabot sa punto na naging sila dahil nalaman ng pamangkin ko na mayroon nang dalawang pinagsasabay na kasintahan ang lalaking iyon. Pinipilit diumano siya ng lalaking iyon na maging sila at nang sabihin ng pamangkin ko na talagang ayaw niya, doon na diumano siya pinuwersa na makipagtalik. Sinubukang manlaban ng pamangkin ko ngunit sadyang malakas diumano ang lalaking iyon. Matapos ang malagim na pangyayari ay binalaan siyang huwag magsusumbong kundi ay papatayin diumano siya at ang kanyang pamilya. Ang nais ko lamang malaman ay kung mayroong laban ang pamangkin ko kung sakaling ituloy niya ang kanyang reklamo, gayong ang ipinapalabas ng lalaking iyon ay magkasintahan sila. Sana ay malinawan n'yo ako. - Barbie


Dear Barbie,


Ang anumang sekswal na gawain, kabilang na ang pakikipagtalik, ay kinakailangan na mayroong malayang pagsang-ayon ng parehong partido. Ang nasabing panuntunan ay angkop sa bawat isa sa atin, kahit sa mga partido na nag-iibigan tulad ng mga magkasintahan, mga nagsasama, at sa mga mag-asawa.


Ang pagkakaroon ng relasyon bilang magkasintahan o kaya naman ay mag-asawa ay hindi nangangahulugan na wala nang kalayaang mamili ang sinumang partido rito sa nais niyang gawin sa aspetong sekswal. Bagkus, mananatiling kanya at kanya lamang ang desisyon sa aspeto na ito. Kung hindi niya malayang ibibigay ang kanyang pagsang-ayon at ipipilit ng kanyang kasintahan o asawa na gawin ang anumang sekswal na gawain, maaaring panagutin ang huli sa ilalim ng ating batas kriminal, tulad ng Republic Act No. 8353 o ang “Anti-Rape Law of 1997,” Republic Act No. 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004,” at iba pang angkop na probisyon ng ating Revised Penal Code.


Sa sitwasyon na ibinahagi mo, maaaring maghain ng reklamo ang iyong pamangkin kung sadyang siya ay sekswal na inabuso. Kahit na kakilala pa niya o napusuan niya ang lalaking nais niyang ireklamo, ang mahalagang tanong: Malaya ba siyang sumang-ayon na makipagtalik sa lalaking iyon? Kung hindi, totoong may relasyon man sila o wala, maaari niyang isulong ang paghahain ng kaso kaugnay sa ginawang pang-aabuso sa kanya nang sa gayon ay makamit niya ang hustisya. Nais naming bigyang-diin na kinakailangan na consensual o kapwa nila ninais at malayang sinang-ayunan ang anumang gagawin nila sa isa’t isa. Bilang karagdagang kaalaman, nais naming ibahagi ang paliwanag ng ating Korte Suprema, sa panulat ni Kagalang-galang na dating Mahistrado Mariano C. Del Castillo, sa kasong People of the Philippines vs. Reynaldo Olesco (G.R. No. 174861, April 11, 2011):


“In rape, the ‘sweetheart’ defense must be proven by compelling evidence: first, that the accused and the victim were lovers; and, second, that she consented to the alleged sexual relations. The second is as important as the first, because this Court has held often enough that love is not a license for lust.


In any event, the claim is inconsequential since it is well-settled that being sweethearts does not negate the commission of rape because such fact does not give appellant license to have sexual intercourse against her will, and will not exonerate him from the criminal charge of rape. Being sweethearts does not prove consent to the sexual act. Thus, having failed to satisfactorily establish that “AAA” voluntarily consented to engage in sexual intercourse with him, the said act constitutes rape on the part of the appellant.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page