top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg
Search

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 6, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Isang akong baguhang photographer na nagpo-post ng ilan sa mga kuha ko sa isang social media platform. Kahapon, nalaman ko na ang isa sa mga kaibigan ko ay muling nagpo-post ng mga litratong ako ang kumuha at para bang siya ang may gawa. Maayos ko siyang pinakiusapan na alisin ang kanyang mga posts, ngunit tumanggi siya at sinabing ang photography ay hindi saklaw ng batas ukol sa copyright. Tama ba siya? Nais ko po sanang maliwanagan. Maraming salamat po. — Aki James 





Dear Aki James,


Sinusulong ng gobyerno ang karapatan ng likhang intelektwal para sa pagpapabuti ng lipunan. Gayundin, ang pagpapabilis ng proseso ng pagrehistro ng mga patent, trademark, at copyright, ay higit pang palakasin ang pagpapatupad ng mga karapatan sa intelektwal na ari-arian sa Pilipinas.


Ayon sa Seksyon 172.1 ng Republic Act (R.A.) No. 8293, na inamyendahan ng Republic Act (R.A.) No. 10372, na kilala rin bilang “Intellectual Property Code of the Philippines:”


“Section 172. Literary and Artistic Works. – 


172.1. Literary and artistic works, hereinafter referred to as "works", are original intellectual creations in the literary and artistic domain protected from the moment of their creation and shall include in particular:


(k) Photographic works including works produced by a process analogous to photography; lantern slides;

(l) Audiovisual works and cinematographic works and works produced by a process analogous to cinematography or any process for making audio-visual recordings;

(m) Pictorial illustrations and advertisements;

(n) Computer programs; and

(o) Other literary, scholarly, scientific and artistic works.” (Emphasis supplied)


Batay sa nabanggit na batas, ang mga photographic works, gaya ng audiovisual works, pictorial illustrations at iba pang likhang sining ay itinuturing na mga orihinal na likhang intelektwal na protektado ng batas ukol sa copyright mula sa sandali ng kanilang paglikha.


Upang sagutin ang iyong katanungan, hindi tama ang pahayag ng iyong kaibigan na ang mga litrato ay hindi sakop ng batas ukol sa copyright. Malinaw na nakasaad sa batas na ang mga photographic works ay kabilang sa mga likhang intelektwal na binibigyan ng proteksyon. Samakatuwid, ang mga larawang iyong kinunan ay itinuturing na iyong orihinal na likha at protektado ng batas mula pa noong nalikha ang mga ito.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 5, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Ang kambal ko ay isang criminologist. May mga pagkakataon na nagpapanggap ako bilang siya upang tulungan siya sa kanyang mga kaso. Ngayon ay nais kong malaman kung paano ako magiging isang lisensyadong criminologist at kung maaari ba akong maparusahan sa pagpapanggap na ginawa ko. — Reginald





Dear Reginald, 


Kinikilala ng ating Estado ang kahalagahan ng propesyon ng kriminolohiya sa pambansang seguridad, kaligtasan ng publiko, kapayapaan at kaayusan, at sa pagbuo at pag-unlad ng bansa. Kaya naman, isinabatas ang Republic Act (R.A.) No. 11131 o mas kilala bilang "The Philippine Criminology Profession Act of 2018," upang makapagtaguyod ng mabuti, produktibo, at mahuhusay na mga criminologist na may mahusay at dekalidad na pamantayan ng propesyonal na serbisyo na pandaigdigang mapagkumpitensya sa pamamagitan ng sagrado, tapat, epektibo, at kapani-paniwalang mga pagsusulit sa lisensya, at sa pamamagitan ng mga programa at aktibidad na magtataguyod ng kanilang propesyonal na paglago at pag-unlad.


Gayundin, layunin ng batas na ito na mamahala sa pagsusuri, pagpaparehistro at pagbibigay ng lisensya para sa mga criminologist; pangangasiwa, pagkontrol at regulasyon ng pagsasagawa ng kriminolohiya, estandardisasyon at regulasyon ng edukasyon sa kriminolohiya, pagpapaunlad ng propesyonal na kakayahan ng mga criminologist sa pamamagitan ng continuing professional development (CPD), at ang pagsasama ng lahat ng mga grupo ng propesyonal sa criminologist, at pagiging miyembro ng lahat ng rehistradong criminologist sa kinikilalang propesyunal na organisasyon. Kaugnay nito, nakasaad sa Seksyon 14 ng batas na ito ang mga kwalipikasyon para maging isang criminologist:


Section 14. Qualifications of an Applicant for the Licensure Examination. - An applicant for the licensure examination for criminologist shall satisfactorily prove that one possesses the following qualifications:


(a) Must be a citizen of the Philippines or a foreign citizen whose country/state has reciprocity with the Philippines in the practice of criminology;

(b) Must be of good moral character, good reputation and of sound mind and body certified by the school where he/she graduated and the barangay where he/she lives, unless the examinee is a foreign national a certification from any professional of good standing will do;

(c) Must hold a bachelor's degree in criminology duly accredited by the CHED and conferred by a school/college/university duly authorized by the government or its equivalent degree obtained by either a Filipino or foreign citizen from an institution of learning in a foreign country/state: Provided, That it is duly recognized and/or accredited by the CHED;

(d) Must not have been convicted of an offense involving moral turpitude by a court of competent jurisdiction; and

(e) Those who failed five (5) times whether consecutive or cumulative in the criminologist licensure examination, must present a certification issued by a reputable institution duly recognized by the CHED that such applicant has satisfactorily completed a refresher course in criminology.

Gayundin, nais naming ipaalam sa iyo na ang iyong pagpapanggap bilang isang rehistradong kriminologo ay ipinagbabawal ng batas na ito sang-ayon sa Seksyon 37 (e) nito na:


Section 37. Penal Clause. - A fine of not less than One hundred thousand pesos (P100,000) nor more than Five hundred thousand pesos (P500,000), or imprisonment for not less than two (2) years and one (1) day nor more than six (6) years, or both, at the discretion of the court shall be imposed upon any person who shall commit any of the following acts:


(e) Impersonating a registered criminologist or a holder of a temporary/special permit; and xxx”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.



 
 

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 4, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta, 


Ang kapitbahay ko ay may puno ng mangga na hitik na hitik ang bunga. Ang mga sanga nito ay umaabot na sa bakuran ko. Noong una ay hinayaan ko lang, nguni’t nitong kamakailan ay hindi ko na matiis dahil sa dami ng mga sanga sa bakuran ko. Nahihirapan akong linisin ito at nakakasagabal na. Puwede bang ako na lang ang pumutol sa mga sanga na ito?


— Mercy





Dear Mercy,


Ayon sa Article 680 ng New Civil Code of the Philippines, kung ang isang tao ay nagtanim ng puno sa kanyang sariling lupa at bakuran, nguni’t ang mga sanga nito ay lumagpas sa bakod o napunta sa bakuran ng kanyang kapitbahay, maaaring hilingin sa kanya ng kanyang kapitbahay na tanggalin ang mga sanga na lumagpas sa kaniyang bakuran. Narito ang eksaktong pahayag ng batas: 


“Art. 680. If the branches of any tree should extend over a neighboring estate, tenement, garden or yard, the owner of the latter shall have the right to demand that they be cut off insofar as they may spread over his property, and, if it be the roots of a neighboring tree which should penetrate into the land of another, the latter may cut them off himself within his property.”


Malinaw ang nakasulat sa nasabing probisyon ng batas na kung ang sanga ng puno ng kapitbahay ay lumagpas sa kanyang sariling bakuran at ito ay nakalaylay na sa bakuran ng iba, hindi agad maaaring putulin ng may-ari ng apektadong bakuran ang mga nasabing sanga. Kailangan niyang hilingin muna sa may-ari ng puno na tanggalin ito. Bukod dito, mahalagang maintindihan natin na ang maaari lang hilingin na ipaputol ay ang nakalaylay na mga sanga at hindi ang buong puno. 


Sa iyong sitwasyon at batay sa iyong kuwento, ang lumagpas na parte ng puno sa iyong bakuran ay ang mga sanga nito. Dahil dito, kung ikaw lang mismo ang magpapasyang putulin ito, lalo na kung hindi mo pa ito hinihiling sa may-ari ng puno, maaari kang magkaroon ng responsibilidad sa batas. Kaya naman, mas makabubuti na ipaalam mo muna ito sa may-ari ng puno at hilingin sa kanya na putulin ang mga sanga na lumaylay sa iyong bakuran. 


Kung sakaling hindi pansinin ng may-ari ng puno ang iyong kahilingan na putulin ang mga nakalaylay na sanga sa iyong bakuran, maaari kang humingi ng tulong sa mga otoridad o dumulog sa korte para sa pagtatanggal ng mga ito. 


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page