top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 3, 2024



ree

Umikot ang gulong ng palad para sa Philippine Football sa nakalipas na 2023.  Sa gitna ng malaking tagumpay na natamasa ng Women’s National Team, gumawa ng paraan at lumaban ang Azkals upang manatiling bahagi pa rin ng eksena.

 

Nagsilbing malaking balita ang pagtalaga muli kay Hans Michael Weiss na hawakan muli ang Azkals makalipas ang mahigit isang dekada.  Sa gabay ng Aleman ay sumabak ang mga Pinoy sa mga FIFA Friendly kontra sa Nepal, Chinese-Taipei, Bahrain at Afghanistan. 

 

Kahit halo-halo ang mga resulta, lininaw ni Coach Weiss na ang mga laro ay para sa kanilang pangunahing layunin ngayong taon na qualifier para sa 2026 FIFA World Cup simula Nobyembre.  Subalit kahit sa tahanan ng Rizal Memorial Stadium ginanap ang unang dalawang laro ay yumuko ang Azkals sa Vietnam, 2-0, at tumabla sa Indonesia, 1-1, kaya malaki ang kailangan nilang bunuin sa nalalabing laro sa 2024. 

 

Nagwagi ng dobleng kampeonato ang Kaya FC Iloilo at nanaig sa unang pagkakataon sa Philippines Football League (PFL) at 2023 Copa Paulino Alcantara.  Ito ay sa gitna ng suliranin ng pambansang liga bunga ng biglang pag-atras sa kompetisyon ng defending champion United City FC at Azkals Development Team. 

 

Nakita ang laki ng agwat ng kalidad ng mga koponang Pinoy at walang naipanalo sa anim na laro ang Kaya sa 2023 AFC Champions League laban sa mga higante ng kontinente.  Hindi rin pinalad ang Dynamic Herb Cebu FC at Stallion Laguna FC sa kasabay na 2023 AFC Cup.

 

Sa gitna ng mga kabiguan ay may dalang positibong enerhiya ang paghalal kay John Anthony Gutierrez bilang bagong Pangulo ng Philippine Football Federation (PFF).  Ang kanyang administrasyon ay nangako na palalakasin ang pambansang koponan at kasama sa programa ang pagpapalaki sa PFL.

 

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 19, 2023



ree

Humabol ang Boss ACE Zambales Eruption sa last two minutes upang maagaw ang panalo sa Cam Sur Express, 94-90, sa pagpapatuloy ng 2023-2024 National Basketball League (NBL-Pilipinas) Chairman’s Cup sa Villar Coliseum sa Talon Uno, Las Pinas noong Linggo.  Umarangkada rin ang defending champion Taguig Generals at pinisa ang Muntinlupa Chiefs, 107-73. 


Hawak ng Express ang 89-82 bentahe subalit bumuhos ng 12 magkasunod na puntos ang Eruption tampok sina Lyndon del Rosario at Allen Fomera upang lumamang at lumayo, 94-89, at anim na segundo sa orasan.  Umangat ang Zambales sa 2-1 habang bumaba sa 1-2 ang Cam Sur.


Matiyagang humabol ang Zambales mula sa pagkalugmok ng 25 puntos sa kalagitnaan ng third quarter.  Sa fourth quarter lang ay nagsumite ng 15 si del Rosario at 12 kay Fomera na parehong produkto ng Lyceum of Subic Bay Sharks. 


Huling tinamasa ng Chiefs ang lamang, 7-6, at bumira ng three-points si Fidel Castro na sinundan ng 12 puntos mula kay Lerry John Mayo, Dan Anthony Natividad at Noel Santos upang maging 21-7 ang iskor at hindi na lumingon ang Generals.  Umabot ng 102-64 ang agwat subalit nagawang tabasan ito ng bahagya ng Muntinlupa sa huling apat na minuto. 


Namuno si Best Player Mayo na may 27 puntos at 12 rebound habang nag-ambag ng 16 si Natividad.  Ito ang pangalawang sunod na tagumpay ng Taguig na binuksan ang depensa ng kanilang korona sa 110-103 panalo sa Zambales noong Sabado sa Jesus Is Lord Colleges Foundation sa Bocaue, Bulacan. 


Sa parehong araw ay itinala ng Cam Sur ang kanilang unang panalo laban sa Circus Music Festival Makati, 113-105, sa likod ng 18 puntos ni Gab Lumberio na galing sa anim na tres.  Lumubog ang Makati sa 0-2. Magbabalik ang NBL Chairman’s Cup at NBL Youth sa Enero. Ilalahad din ang mga sorpresa ng liga para sa 2024.                    

 
 

ni Anthony Sevinio @Sports | December 12, 2023


ree

Photo : NAASCU


Isang laro lang ang kakailanganin upang malaman ngayong araw ang mga kampeon ng 215 National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) Super Finals hatid ng Game of the Immortals sa FilOil EcoOil Centre. Hahanapin ng defending champion St. Clare College of Caloocan ang kanilang ika-anim na sunod na kampeonato at kabuuang ika-pito ng paaralan laban sa determinadong Our Lady of Fatima University sa tampok na laban ng 12:00 ng tanghali.

 

Nagbigay ng patikim ang Saints sa elimination round sa tapatan nila ng Phoenix, 59-51, noong Nobyembre 15. Bumanat ng 26 puntos si Ahron Estacio at tiyak na siya muli ang aasahan kasama sina Megan Galang, Ryan Sual, Charles Burgos at Babacar Ndong.

 

ree

Sa panig ng Fatima, itatapat nila sina Mamadou Toure, Ace Tiamzon, Andrei Romero, Rodman Templonuevo, Charles Tecson at Gab Gotera upang maiganti ang kanilang nag-iisang talo ngayong taon. Matatandaan na nagharap ang dalawang paaralan para sa kampeonato noong 2016 at handa muling magtagisan ang mga coach na sina Jinino Manansala Sr. ng Saints at Ralph Emerson Rivera ng Phoenix.

 

Bago noon, ipagtatanggol ng St. Clare ang titulo sa Juniors Division kontra New Era University sa 9 a.m. Bahagyang paborito ang Junior Saints sa bisa ng kanilang 75-74 lusot sa Junior Hunters sa huling laro ng elimination round noong Nob.23.

 

Magtatagisan din ang defending Women's champion Enderun Colleges at Fatima sa 7 a.m. na parehong koponan na naglaban noong huling ginanap ang laro ng kababaihan noong 2019. Perpekto sa apat na korona ang Lady Titans buhat noong unang lumahok sila sa liga noong 2016.nagdala kay Avelar upang dumepensa na lamang. Nagdulot ito ng malulutong na koneksyon sa mukha at katawan ng Mexican boxer.       

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page