top of page
Search

ni Anthony Servinio @Sports | March 11, 2024



ree


Nabunot ang Philippine Women’s Football National Team sa Grupo A ng 2024 AFC Under-17 Women’s Asian Cup Indonesia sa opisyal na seremonya noong Huwebes sa tanggapan ng Asian Football Confederation sa Kuala Lumpur.  Gaganapin ang torneo mula Mayo 6 hanggang 19 sa Bali. 


Makakasama ng Filipinas sa grupo ang host Indonesia, Hilagang Korea at Timog Korea.  Binubuo ang kabilang Grupo B ng defending champion Japan, Tsina, Australia at Thailand. 


Maglalaro ang mga koponan ng single round o tig-tatlong beses.  Ang dalawang may pinakamataas na kartada ay tutuloy sa knockout crossover semifinals na susundan ng finals at laro para sa ikatlong puwesto. 


Ang unang tatlong bansa ang kakatawan sa Asya sa 2024 FIFA Under-17 Women’s World Cup sa Dominican Republic mula Oktubre 16 hanggang Nobyembre 3.  Ang Hilagang Korea ay nagkampeon sa World Cup noong 2008 at 2016 habang wagi ang Timog Korea noong 2010. 


Bilang paghahanda sumabak ang mga Batang Filipinas sa 2024 Mima Cup sa Espanya nitong Pebrero laban sa mga bigatin Inglatera at Sweden.  Asahan na magtatakda ng iba pang mga FIFA Friendly sa nalalabing buwan bago ang torneo. 


Samantala, naging matagumpay ang unang linggo ng bagong talagang Men’s National Team head coach Tom Saintfiet at nagdaos siya ng kampo sa Rizal Memorial Stadium na dinaluhan ng mahigit 35 manlalaro mula Philippines Football League at UAAP.  Ito ang unang hakbang sa paghahanda para sa 2026 FIFA World Cup at 2027 AFC Asian Cup Qualifiers kontra Iraq sa Marso 21 sa Basra at 26 sa Rizal Memorial. 

       

Inulat ni Coach Saintfiet na maaaring kumuha siya ng lima o higit pa sa mga kandidato para harapin ang mga Iraqi kasama ang mga beterano na naglalaro sa mga liga sa ibayong-dagat.


 
 

ni Anthony Servinio @Sports | March 10, 2024



ree


Ipinasok ni D’Angelo Russell ang huling 8 puntos ng Los Angeles upang maging susi sa 123-122 panalo sa bisitang Milwaukee Bucks sa NBA kahapon sa Crypto.com Arena.  Bumida rin si NBTC Philippines graduate Jalen Green sa 123-107 tagumpay ng Houston Rockets sa Portland Trail Blazers. 

       

Nagtala ng bihirang four-point play si Damian Lillard upang bigyan ang Bucks ng 118-112 bentahe at 1:56 sa orasan.  Bumanat ng tres si Rui Hachimura at iyan ang hudyat para uminit si Russell hanggang maibalik ng kanyang shoot ang lamang sa Lakers may anim na segundong nalalabi, 123-122. 

       

Matapos ang timeout ay pinalpal ni Spencer Dinwiddie ang tira ni Lillard upang mapanatili ang resulta.  Umangat ang Lakers at 35-30 at kunin ang ika-siyam na puwesto sa Western Conference. Nagsabog ng 44 si Russell sa gitna ng pagliban ni LeBron James.  Ang 44 ang kanyang pinakamarami ngayong taon subalit malayo sa 52 na naitala niya para sa Golden State Warriors sa 119-125 talo laban sa Minnesota Timberwolves noong Nobyembre 8, 2019. 

       

Nasayang ang triple double ni Giannis Antetokoumpo na 34 puntos, 14 rebound at 12 assist.  Tumira ng 28 si Lillard tampok ang apat na tres para maging 2,564 at pang-apat na may pinakamarami sa kasaysayan ng NBA sabay lampasan si Reggie Miller na may 2,560.  Bumira ng 27 si Green, lima sa huling quarter kung saan tuluyan nilang iniwan ang kulang-kulang na Blazers.  Tumulong si Fred VanVleet na may 18 at 10 assist. 

       

Sa ibang laro, nagwagi sa overtime ang Cleveland Cavaliers kontra Timberwolves, 113-104.  Gumawa ng 10 ng kanyang 33 at 18 rebound si Jarrett Allen sa overtime habang nanguna na may 34 si Darius Garland. 

     

Dahilo nabigo ang Minnesota, naagaw ng Oklahoma City Thunder ang liderato ng West matapos manaig sa Miami Heat, 107-100.  Halimaw si Shai Gilgeous-Alexander na bumuhos ng 37.                                              


 
 

ni Anthony Servinio @Sports | March 8, 2024



ree


Laro sa Marso 13 – Fuerte Sports Complex


6:30 p.m. Taguig vs. Cam Sur 



Isang panalo na lang ang kailangan ng Taguig Generals upang mawalis ang Cam Sur Express matapos ang 91-85 tagumpay sa Game 2 ng 2023-2024 National Basketball League (NBL-Pilipinas) Chairman’s Cup Finals Miyerkules ng gabi sa siksikang Duenas Gym sa Signal Village.  Maghahanda na ang lahat para sa Game 3 ngayong Marso 13 sa Fuerte Cam Sur Sports Complex. 

     

Kagaya ng Game 1 noong Marso 3 na nagtapos sa 88-81 pabor sa Generals, mahigpitan ang laban bago tuluyang kumalas ang Taguig sa last quarter.  Bumira ng tres si Kyle Philip Domagtoy na may 42 segundo sa orasan at lumapit ng isa ang Express, 85-86. 

       

Nagmintis ng dalawang free throw si Mike Jefferson Sampurna at bumalik ang bola sa Cam Sur.  Hindi pumasok ang malapitang tira ni Fredson Hermonio at ibinato ang bola sa tumatakbong si Sampurna para lalong lumayo, 88-85.

        

Sinikap ni Joshua Ayo na itabla ang laro subalit nanaig ang depensa at napilitang patirahin ng free throw si Dan Anthony Natividad na may 12 segundong nalalabi. Umulit bilang Best Player sa ikalawang sunod na laro si Lerry John Mayo na nagtapos na may 13 puntos at 14 rebound.  Nanguna si Sampurna na may 20. 

       

Bago ang laro ay pinarangalan si Sampurna bilang MVP ng liga para sa 2023 ayon sa pinagsamang numero mula sa President’s at Chairman’s Cup.  Si Lyndon del Rosario ng Zambales Eruption ang MVP ng Chairman’s Cup at sinamahan siya sa Mythical Five nina Sampurna, Ameer Nikko Aguilar ng Tatak GEL Binan, John Lester Maurillo ng Eridanus Santa Rosa at Verman Magpantay ng Express na napili rin para sa Sportsmanship Award. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page