top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 22, 2021


ree

Magbubukas ng community pantry ang aktres na si Angel Locsin sa Quezon City simula bukas bilang parte ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.


Nag-post si Angel ng series of videos sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang mga grocery items sa naturang community pantry.


Saad pa ni Angel, “Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow by putting up a community pantry.”


Mula alas-10 nang umaga hanggang alas-4 nang hapon bubuksan ang community pantry ng aktres sa Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Bgy. Holy Spirit, Quezon City.


Paalala ni Angel sa publiko, sundin ang mga health protocols at kung maaari ay magdala rin ng sariling ecobag. Siniguro rin naman ni Angel na na-test at negatibo sa COVID-19 ang mga volunteers ng naturang community pantry.

 
 

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | September 4, 2020


ree


Umamin si Angel Locsin na nanghinayang siya sa desisyon ng ABS-CBN na itigil na ang shooting ng pelikulang Darna ni Jane de Leon na idinidirek ni Jerrold Tarog produced ng Star Cinema dahil sa Covid-19 pandemic.


Para kay Gel na kinikilala ng lahat bilang si Darna sa tunay na buhay at nananatiling siya pa rin ang gusto ng lahat para gumanap sa karakter ay timing sanang ipalabas si Darna sa panahon ngayon para may nilu-look-up tayong hero/heroine.

Nakapanayam si Angel ng movie writer na si G3 San Diego sa #LivewithG3.


Sabi ng aktres, “Nanghihinayang ako. Sayang kasi ‘yung panahon ngayon, panahon na kailangan natin ng hero. Maganda sana especially sa mga kabataan na meron tayong someone na tinitingala natin. ‘Yung merong makakapagligtas sa atin sa lahat ng mga pinagdaraanan natin. Sayang ‘yung pagkakataon.”


Dagdag pa niya, “Tama naman ‘yung decision for safety ng lahat. May pandemya, so kailangan nating sumunod sa protocol.”


Naniniwala naman si Angel na matutuloy pa rin ang pelikulang Darna sa tamang panahon at nananatili itong nasa puso ng bawat Pilipino.


“Nandiyan na noon pa man. Hindi siya nawawala. Sabi nga nila, ang bato ni Darna, patuloy na nagniningning 'yan at pupunta 'yan sa taong karapat-dapat. Huwag po kayong mag-alala, babalik si Darna,” paniniguro ng aktres.


Inihayag kamakailan ng ABS-CBN ang pagpapahinto sa shooting ng Darna na sinimulan noong Enero 19 at nagtapos noong Marso 7 na base sa post ni Direk Jerrold ay 15 days pa lang ang nakukunan.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 2, 2020


ree

Ibinulgar ni Angel Locsin ang ilang detalye at dahilan ng 'di pagkakatuloy ng wedding niya sa producer/businessman na si Neil Arce this year.


Sa online interview sa kanya ni G3 San Diego ay inamin ni Angel na priority niya talaga sa 2020 ang wedding nila ni Neil pagkatapos niyang mag-yes sa marriage proposal ng kanyang fiancè last year.


"Actually, priority ko talaga siya," pag-amin ni Angel. "Because, I don't want Neil to feel nga he's, alam mo 'yun? He's second to my job."


On Neil's part kasi, feeling ni Angel, lagi siya ang priority ng kanyang fiancè.


"Lagi niya akong priority, 'di ba? So, bago pa magsara ang ABS, kaya rin hindi ako nag-renew ng contract because I want to focus sana, I mean, sa prenup, wedding, papagawa ng bahay, 'yung mga ganyan."


At para less stress na rin daw, ayon pa kay Angel.


"Kaya lang, na-stress din tayong lahat nang bonggang-bongga. Parang wala na rin tayong choice," natatawang sabi ni Angel.


Na-feel daw ni Angel na mas kailangan nila ni Neil ang isa't isa ngayon.

"Buti na lang 'yung mapapangasawa ko, maintindihin. Naiintindihan niya ang laban ko. Kung anuman ang personal na laban ko, laban din niya."


Grateful na rin daw si Angel kahit naunsiyami ang mga wedding plans nila ni Neil at nagdesisyong i-move ang wedding nila. At least, nagkaroon sila ng time to adjust to plan things at magawan ng paraan ang mga bagay-bagay.


"Pero may prenup shoot na dapat kami. Lilipad na kami dapat. Hindi na namin nagawa," paglalahad pa ni Angel.


Ayaw din daw nilang i-risk ang health ng family niya especially Angel's dad na bukod sa senior citizen na ay PWD pa.


Ini-reveal din ni Angel na hindi sila nagsasama ni Neil sa iisang unit ngunit same condo ang tinitirhan nila.


"Actually, gusto ko lang din i-share, kasi nasa isang condo lang din kami ni Neil. Uh, nasa Serendra kami nakatira. So, nasa isang building siya, nasa isang building ako. So, technically, kapag nag-quarantine kami, puwede. Puwede pa kaming magkita. Like, three minutes away lang 'yung buildings namin. Isang tumbling lang," biro ni Angel.


Malaking tulong daw na magkalapit lang ang tinitirhan nila ni Neil.


At may isang rebelasyon muli na pinakawalan si Angel sa interbyu.


"Mahirap talaga. Sobrang strict pa talaga. Tapos, wala pa akong driver. Hindi ako marunong mag-drive, eh. So, si Neil ang.... oo, hindi ako marunong mag-drive. Secret ko 'yun, actually!"


Pero kapag may eksena raw sa pelikula o teleserye na kailangan niyang mag-drive, nakakapag-drive naman siya.


"Pero hindi talaga ako nagmamaneho sa mga highway. Pero 'yung tracking-tracking... alam nila 'yun, eh, kasi nakasagasa na ako dati ng mga ganu'n, eh. Isa 'yun sa hindi ko kayang gawin."


Naikuwento rin ni Angel kapag dumadalaw siya sa bahay ng kanyang Daddy Angel Colmenares.


"Kapag pumupunta ako sa family ko, hindi ko puwedeng pasukin 'yung bahay nila kasi senior ang daddy ko. Tapos, galing ako sa mga ospital. So, gate lang kami nag-uusap. Nasa loob lang ako ng kotse."


Okey pa rin naman daw ang health ng ama ni Angel who is 93 years old already.


"Siyempre, alam mo 'yung mga lumang tao, medyo mainitin ang ulo. Hindi naniniwala sa face mask. So, medyo pahirapan mag-explain kung bakit kailangan niyang mag-mask. Hindi siya puwedeng lumabas muna, ganyan. Pero later on, naintindihan naman niya. Siya na 'yung nagsasabi sa akin, 'Okey, don't go near me,'" natutuwang tsika pa ni Angel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page