top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Mylene Alfonso @News | June 4, 2026



Alan Peter Cayetano - FB

Photo: Alan Peter Cayetano - FB



Hayagang kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kanyang mga kasamahan kay Senador Win Gatchalian bilang bagong Senate President Pro Tempore, habang pinaninindigan na siya pa rin ang lehitimong pinuno ng mataas na kapulungan ng Kongreso.


Sa isang livestream, binigyang-diin ni Cayetano na walang bisa at labag sa Saligang Batas ang ginawang hakbang ng 12 senador dahil sa kawalan ng mayorya o quorum upang magpatupad ng pagbabago sa liderato.


Ayon kay Cayetano, kinakailangan ang boto ng 13 senador—ang itinuturing na mayorya sa kabuuang 24 na miyembro ng Senado—bago mapatalsik ang nakaupong opisyal o makapaghalal ng bago ayon sa nakasaad sa Konstitusyon.


"Paano nila aalisin si Sen. Loren Legarda kung 12 lang po sila?" giit ni Cayetano, na tumutukoy sa pinalitang Senate President Pro Tempore.


"Wala silang 13. 'Pag may 13 po sila, ako pa  mag-oath  sa kanila... Pero wala silang 13. You're playing around with fire. This is not just about the Senate, this is about the Philippine Constitution," ani Cayetano. 


Inilahad niya na opisyal na nag-adjourn ang Senado noong nakaraang Martes matapos mag-walkout ang kabilang kampo, at nakarekord na magbabalik ang sesyon sa ganap na alas-5 kahapon. Sinalungat niya ang katwiran ng kabilang panig na mayroon silang tinatawag na "continuing quorum".


Paliwanag pa niya, sa ilalim ng Subparagraph C ng Section 4 ng mga panuntunan ng Senado, maaari lamang gampanan ng Pro Tempore ang pagiging acting Senate President kung ang nakaupong pinuno ay nag-resign, natanggal sa puwesto sa pamamagitan ng sapat na boto, namatay, o nakaranas ng absolute incapacity. 


Inakusahan din ng senador ang kabilang kampo na ginagamit lamang ang dahilan na "naipit ang mga trabaho" sa Senado upang bigyang-katwiran ang biglaang balasahan sa mga komite. 


Ayon kay Cayetano, ang tunay na layunin ng pagbabago sa liderato ay upang harangin ang nakatakdang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa kontrobersyal na flood control scam, kung saan nakatakda sanang imbitahan ang 18 miyembro ng Philippine Marines.  


"Tomorrow (Huwebes), tuloy ang hearing ng Blue Ribbon Committee. You can try to stop us

but you will be stopping the Filipino people," aniya. 


Nanawagan siya sa mga mamamayan na magsagawa ng prayer vigil sa labas ng Senado at hinimok ang kabilang kampo na magmuni-muni at itama ang kanilang pagkakamali upang mapanatili ang isang independyenteng Senado.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 3, 2026



Solid Bloc 11 - Sen. Risa Hontiveros

Photo: Solid Bloc 11 - Sen. Risa Hontiveros



Nanawagan ang minority senators ng pagbibitiw ni Senate President Alan Peter Cayetano kasunod ng patuloy na pagliban ng majority bloc sa mga plenary session ng Senado.


"Senate President Alan Peter Cayetano should resign as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate," ayon sa mga senador sa isang joint statement.

Binasa ni Sen. Erwin Tulfo ang kanilang pahayag kasabay ng pagharap ng minority bloc sa media.


Anila, hindi maaaring matigil ang Senado sa pagtatrabaho lamang dahil tumatangging mamuno ang presiding officer nito.


Sinabi ng mga senador na sa ilalim ng Rule XIV, Sec. 41 ng Rules of the Senate, maaaring ipagpaliban ng Senate President ang pagsasagawa ng sesyon matapos makipagkonsulta sa Majority Leader at Minority Leader.


“That rule was violated. This is not merely a procedural lapse—it is a direct violation of the Rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people," anila.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | June 3, 2026



Alan Peter Cayetano - FB

Photo: Alan Peter Cayetano - FB




Ipinaliwanag ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano kung bakit dalawang araw nang hindi pumapasok sa sesyon ang mayorya.


Giit ni Cayetano, ginagamit lang ng mayorya ang isang "parliamentary tool" para matuloy ang mga pagdinig ng Blue Ribbon Committee at iba pang komite sa Senado.

Nakatakdang magpatuloy ang Blue Ribbon hearing sa Huwebes, June 4


Samantala, nanawagan si SP Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa kalayaan at integridad ng Senado sa gitna umano ng mga panggigipit na kinahaharap ng institusyon.


Ginawa ni Cayetano ang pahayag matapos ipaaresto ng Sandiganbayan Fifth Division si Sen. Jinggoy Estrada.


“The Senate is a co-equal branch of government. It is not a prize to be claimed — by anyone,” ani Cayetano.


Kasabay nito, binanggit din ni Cayetano ang sunud-sunod na pressure at mga bantang pagpaparesto pa sa mga miyembro ng mayorya, kabilang sina Senators Francis “Chiz” Escudero, Rodante Marcoleta, at Joel Villanueva. 


Sa halip umano na ang mga mastermind sa flood scam na kinasasangkutan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Henry Alcantara ang ipakulong ay mga senador na ang target. 


Ayon pa kay Cayetano, nasa kamay ng bawat senador kung paano nila poprotektahan ang institusyong kanilang kinabibilangan sa gitna ng kasalukuyang mga hamon. 


“The door is open. What you do with it is yours to answer — to this institution, and to the people watching it,” pagtatapos nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page