top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 05, 2021



Sa iniulat na panayam ni MJ Felipe kay Jane De Leon sa TV Patrol nitong Oktubre 2 (Sabado), tuluy-tuloy na raw ang pagda-Darna ng Kapamilya actress sa ABS-CBN's TV series ngayong Nobyembre.


Sa nasabing panayam, sabi ni Jane, “Kinikilig ako na excited na kinakabahan, sa totoo lang. Iba pa rin ang pakiramdam kapag malapit na, kasi malapit na talaga kaming magsimula.”

Finally, naisukat na ni Jane ang Darna costume.


“Naiyak ako, 'yung feeling na inilalagay na sa akin 'yung headdress. Nagpapasalamat ako kay Lord na matutuloy na,” sey ng dalagang aktres.


Kahapon (Oktubre 4), kinumpirma ng ABS-CBN na si Direk Chito S. Roño ang magdidirek ng 2 weeks episode ng Darna: The TV Series.


Pahayag pa ng ABS-CBN, “Magsisimula na ang taping ng programa sa Nobyembre kasama ang ‘master director’ na si Chito na nasa likod ng mga matagumpay na programa ng ABS-CBN na Imortal, Lastikman, at Spirits at nagbabalik-telebisyon ngayon pagkatapos ng halos isang dekada para sa isa sa pinakamalaking proyekto ng Kapamilya Network sa 2022.


“Bitbit niya ang natatanging galing sa visual effects production at pagkukuwentong may kurot sa puso na aabangan sa makabagong adaptation ng karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang ika-115 kaarawan ay gugunitain sa darating na Oktubre 9.”


Hindi na mabilang ang mga blockbuster movies ni Direk Chito. Ilan dito ay ang pinagbidahan ni Vilma Santos na Bata, Bata, Paano Ka Ginawa (1998). Bukod ito sa mga hit films nitong 'Dekada‘70 (2002), Feng Shui (2004), Sukob (2006), Caregiver (2008), Shake, Rattle & Roll 14 (2012), Etiquette for Mistresses (2015) at ang indie film na Signal Rock (2018).


Ang huling serye ni Direk Chito ay ang ABS CBN's Maria Mercedes na pinagbidahan ni Jessy Mendiola.

 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 26, 2021




September 18 pa noong i-post ni Lea Salonga sa social media ang kanyang biyahe papuntang New York para um-attend ng Tony Awards na gaganapin ngayong Sunday, September 26.


Ang imbitasyon kay Lea ay para maging presenter ng prestihiyosong award-giving body sa US.


Ang Pinoy pride at Broadway star na naging Tony award winner din (nakakuha ng Best Actress award noong 1991 para sa role nitong si Kim sa Miss Saigon) ay masayang nagbahagi sa kanyang Twitter account that she will be one of the presenters at the awarding ceremony.


"The cat's out of the bag! I'll be presenting at @TheTonyAwards on Sunday!!!" she posted.

The event will be held at the Winter Garden Theatre in New York on September 26 (US time).


The official Twitter account of Tony Awards also posted, "The stars! The glamour! The performances! Even more names plus top musical moments are announced for Sunday's #TonyAwards. See it all LIVE on @paramountplus and @CBS."


Bukod kay Lea, ang iba pang celebrities na dadalo sa event ay sina John Legend, Jake Gyllenhaal and Lindsay Mendez, among others.


"Thanks for the warm welcome, New York, it feels good to be back," Lea posted.


 
 

KAYA NEVER MAGSO-SORRY.


ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 24, 2021



Nasangkot sa kontrobersiya ang pangalan ni Julia Barretto dahil sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. Siya ang itinurong dahilan kaya ghinosting daw ni Gerald si Bea.


Sa vlog ng dating PBB housemate na si Joe Vargas na Sagot o Lagot, tinanong ang aktres kung meron ba siyang dapat ihingi ng “sorry” dahil sa nangyari.


Si Marco Gumabao na kasama ni Julia as guest on Joe’s vlog ang mabilis na sumagot ng, “Ako, kay God. Alam mo 'yun kung bakit.”


Napangiti lamang si Julia bago nito sinabing “none”.


Kahit pa ano pang pagbabakasakali nina Joe at Marco na pasagutin si Julia, wala silang nakuhang sagot mula sa aktres tungkol sa isyu.


Ang sinabi lang ng aktres, “Siguro, kung magso-sorry, ‘yung simpleng… 'yung alam mo kunwari, pagod ka, tapos nailalabas mo sa mga kasama mo minsan... Siguro, 'pag feeling nila ay natarayan ko.”


Sa nasabing vlog, parehong tinanong ni Joe sina Julia at Marco kung may nagawa ba silang kasalanan in the past that they ever regret doing. 


Ani Julia, “Major? Wala!”


Ang kanya lang daw pinagsisisihan ay ang hindi paglilinis ng kanyang kuwarto.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page