top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 09, 2022





Habang pabalik ng 'Pinas, nagkaroon ng bad experience ang komedyanang si Ai Ai delas Alas sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California nu'ng Biyernes nang madaling-araw, January 7, 2022 (Biyernes nang gabi, Manila time).


May nakatabi siya sa eroplano na foreigner na exhibitionist at pinakitaan siya ng 'ari' ng nasabing seatmate na galing sa Dulles Airport, Dulles, Virginia.


Kuwento ni Ai Ai sa PEP.Ph, “Inilalabas niya 'yung t*t* niya. Natakot ako, bigla akong tumayo, inireklamo ko siya sa flight attendant. Nanginginig ako. Ang akala ko, hindi ako naintindihan ng flight attendant, 'yun pala, style niya 'yun para hindi magkaroon ng commotion.


“Nagpalipat ako ng upuan, iyak ako nang iyak. Grabe, parang naawa ako sa sarili ko. Wala kasi si Gerald (Sibayan), solo lang ako bumiyahe,” dugtong na kuwento ni Ai Ai.


Pansamantalang naiwan pala kasi sa kanilang tirahan sa Northern Virginia, USA ang kanyang mister na si Gerald.


Akala raw ni Ai Ai ay dinedma ng mga flight attendants ang kanyang sumbong.


"So, 'yung lalaking katabi ko sa upuan na nilipatan ko at mukhang mabait, inabutan ko ng note na may nakasulat na, 'Pagbaba natin, puwede po bang tulungan n'yo ako kasi pinagtitripan ako ng katabi ko. Natatakot po ako.'


“'Yun pala, naintindihan ako ng flight attendants. Nilapitan ako ng isang male flight attendant, from Seat Number 30, pinalipat niya ako sa Seat Number 10.


“Sabi niya, ‘Later on, the police will get him.’


“Tapos, tatanungin daw ako ng FBI dahil federal offense raw 'yun. Kailangan daw sagutin ko 'yung mga katanungan.”


Dahil sa insidente, na-delay ang pag-uwi ni Ai Ai dahil inimbestigahan siya ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) tungkol sa insidenteng nangyari sa loob ng eroplanong sinakyan niya galing sa Dulles Airport.


Kasama sa imbestigasyon ang mga flight attendants ng airline company na tumayo bilang mga testigo. Sila ang nagtimbre sa FBI tungkol sa indecent exposure na ginawa ng isang male passenger kay Ai Ai.


Detalyadong ikinuwento ni Ai Ai sa PEP.ph ang karanasang nagbigay sa kanya ng sobrang takot dulot ng nakatabing exhibitionist na pinakitaan siya ng 'ari'.


“Limang oras ang biyahe ko. Sumakay ako ng eroplano nang 10 PM sa Dulles Airport. Then, after mag-take-off, pinatay na 'yung mga ilaw. Bising-busy ako sa pag-browse sa cellphone ko dahil gusto kong manood ng movie, hindi ko ma-download.


"Tapos, sa peripheral vision ko, nakikita ko na tinatakluban niya ng kumot ang mukha niya, tapos aalisin niya. Ang akala ko, hindi siya makatulog.


“Sa peripheral vision ko, nakita ko na inilabas niya 'yung t*t* niya, pero in denial ako dahil naunahan ako ng takot. In denial ako na may ginagawa siya.


"Pero nang makumpirma kong tama 'yung kutob ko na nilalaro nga niya 'yung t*t* niya, nakatingin sa akin, napasigaw ako ng ‘What?!’


"Nu'ng sabihin ko na 'What?!' lalo niyang nilaro 'yung t*t* niya, du'n na ako tumayo at nagsumbong sa flight attendant.


“Sabi ko, 'He’s showing his penis to me.' Pero ang akala ko nga, hindi ako naintindihan dahil ang sabi lang niya, 'What?'


"Nilapitan ng flight attendant 'yung lalaki pero nagtalukbong lang ng kumot. Nag-pretend na natutulog.


“Binalikan ako ng flight attendant, tinanong ako ng ‘Are you alright?’ Pero iyak lang ako nang iyak. Natakot talaga ako, nanginginig ang buong katawan ko.


“Nang malapit na kaming mag-landing, nag-announce 'yung pilot na huwag munang bumaba ang mga pasahero. [In Tagalog] 'Sasabihin namin kapag puwede na kayong bumaba, may aasikasuhin lang.'"


Dahil sa ere pa lang ay naitawag na ito sa FBI, pagkalapag daw ng eroplano ay umakyat ang mga airport police at dinampot na ang lalaking exhibitionist. Agad daw pinosasan ang exhibitionist at unang pinababa mula sa eroplano.


"Pagbaba namin, kinuhanan ako ng statement ng FBI, pati 'yung mga flight attendants. Parang naawa sila sa akin dahil nakita nila, iyak ako nang iyak," ani Ai Ai.


“Sa five hours na biyahe namin, dalawang oras akong umiiyak.” sabi pa niya.


Sa tantiya ni Ai Ai, nasa edad 20 pa lamang ang bagets na nakatabi sa eroplano.


“Akala niya siguro, hindi ako magko-complain kasi para nga akong illiterate, 'di ba? Kasi may nakalagay na notice na 'yung charging ng mga cellphone, nasa ilalim ng seats. Eh, wala akong makita, so, nagpatulong ako sa kanya.


"In fairness, 'yung charger ko, inilagay niya sa ilalim kaya siguro ang feeling niya, tatanga-tanga ako kaya ginanu'n ako. Ang akala niya siguro, mangmang ako," pagtatapos na kuwento ni Ai Ai.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 08, 2022





Karamihan sa showbiz industry, markado ang January 6 bilang kaarawan ni Megastar Sharon Cuneta. Kaya naman, nag-uumapaw ang kanyang mga co-actors, family and friends sa pagbati sa kanyang birthday.


Hindi naman nag-aksaya ng oras si Mega na pasalamatan ang lahat ng nakaalala sa kanyang espesyal na araw kung saan 56 na ngayong taon ang veteran actress.


Sa kanyang Instagram post, sabi ni Mega, "Yup - these all me!" na ang tinutukoy ng aktres ay ang ipinost niyang throwback pictures niya nu'ng bata pa siya, hanggang sa naging teen-ager at kalauna'y naging Megastar sa showbiz.


Sinundan niya ito ng pasasalamat, "Thank you so very much to all of you who sent me gifts (though totally unnecessary, truly much appreciated!), cards, text messages to wish me a Happy Birthday today! So sorry po, 'di ko na kayang i-post isa-isa sa dami! But am thankful to God Almighty for all of you! You are in my [heart]. I love you all so much, family, friends, and Sharonians/Sharmy!!! So blessed to have you all in my life."


Hindi naman nakalimot ang panganay nina Sharon at Gabby Concepcion na si KC na batiin ang kanyang ina sa kaarawan nito.


"January 6th has always been a special day. Happy birthday to the Queen! My first best friend, my first valentine, my only mama. May your day be filled with joy, laughter and love. I love you always, and no matter what," post ni KC sa kanyang Instagram account bilang pagbati kay Sharon.


Maging ang "younger sister" sa showbiz ni Sharon na si Judy Ann Santos ay nagpaabot ng pagbati.


"Para sa 'yo, kakanta ako nang live nang walang sabi-sabi ate @reallysharoncuneta. Para sa 'yo, magluluto ako ng mga paborito mong pagkain agad-agad... mula sa pinakamasarap na curry hanggang sa pinakamabahong keso, ibibigay ko sa 'yo. Ganyan ka kahalaga sa akin.


Happy birthday, my dearest ate! I love you with all my heart… apdo, balumbalunan, bituka, liver, kidneys, lungs atbp. We love you forever!" ani Juday.


Ang mga co-stars nito sa FPJ's Ang Probinsyano gaya nina Coco Martin, Julia Montes, Joseph Marco, Ara Mina, Angel Aquino, Rowell Santiago at marami pang iba ay nagbigay din ng pag-alala at pagbati kay Megastar.


May mga ShaGab fans namang nag-expect na babatiin ni Gabby si Sharon sa kaarawan nito, pero nabigo sila dahil dedma lang si Gabo.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | January 03, 2022





Sa post ni Karen Davila sa kanyang Instagram last December 29, kinumpirma nitong lilisanin na rin ng broadcaster na si Julius Babao ang ABS-CBN, ang kanyang tahanan for almost 30 years of bringing news to every radio and TV households.


Lingid sa kaalaman ng marami, nagsimula si Julius sa ABS-CBN noong 1993 bilang reporter ng TV Patrol.


Matagal ding nagsama sa paghahatid ng balita sina Julius at Karen sa Bandila tuwing gabi.


Ayon kay Karen, bagama't magkakasunod na araw nang nag-a-anchor si Julius sa TV Patrol, ito na ang last week ni Julius sa ABS-CBN.


Post ng broadcaster, “FULL CIRCLE of my 20 years in ABS-CBN, @juliusbabao has been my co-anchor the longest. He is not just a colleague but a friend.

“We first partnered in TV Patrol World from 2004-2010 with Ted Failon & then Bandila in 2010-2019 with Ces Drilon.


“So you can imagine, I’m feeling nostalgic anchoring with Julius on his last week with ABS-CBN.”


Nanghihinayang man si Karen sa paglisan ni Julius, naniniwala at umaasa siyang magkikita at magkakasama silang muli ng dating Bandila partner sa mga darating na araw, dahil gaya ng showbiz, maliit lamang ang industriya ng pagbabalita.


Pag-alala pa ni Karen, “The great Freddie Garcia once told me, ‘Karen, in television, change is the only thing that’s permanent. We aren’t here forever but with the years given us, we give it our ALL.’

“Kapamilyas come and go but our hearts remain bonded for life. I pray and believe for better times ahead for ABS-CBN.


“We are strong. Bilog ang mundo at alam ko, magkikita tayong muli. Wishing you well Julius!

“PS. On a light note, I can’t find good photos of us in 2004 & 2010 [laughing emoji] wala pa kasi akong IG! #abscbnkapamilya #livegrateful #abscbnnews #ilovemyjob #workharder"


Sinagot naman ni Julius ang post ni Karen.


Aniya, “Great to see you again Karen! We will still see each other soon over coffee, lunch and dinners… I’m just a stone’s throw away from you!”


May espekulasyong si Julius ang papalit kay Raffy Tulfo bilang news anchor ng Frontline Pilipinas sa TV5 na ngayo'y tumatakbong senador sa May 9 elections.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page