top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 21, 2022





Wais talaga ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales dahil sa dinami-dami ng kanyang mga suitors mula sa showbiz at non-showbiz, mas pinili niyang maging soon-to-be husband ang binata at guwapong milyonaryong si Mateo Rafael Lorenzo.

Isa sa mga sikat na negosyante ang angkan ni Mateo o ng mga Lorenzo dahil sila lang naman ang nagmamay-ari ng iba't ibang food chains at restaurants gaya ng kilalang Pancake House, ang sikat at dinarayong Dencio's Restaurant, Teriyaki Boy, Sizzlin' Pepper Steak, Le Couer de France, Yellow Cab at Chicken Rice Soup.


Ang mga Lorenzo rin ang sinasabing top player in food manufacturing kung saa'y sila ang nagmamay-ari ng Lapanday Foods Corporation.


Sa inilabas na larawan ng entertainment website na Fashion Pulis, may ibinahaging isang photo na galing umano sa kanilang source at nilalaman nito ang Marriage Bann ng isang simbahan upang maipaalam sa nakararami ang nalalapit na kasal ng aktres.


Makikita sa nasabing litrato ang ilang impormasyon gaya ng pangalan ni Erich Gonzales na Erika Chryselle Gancayco at ang pangalan ng soon-to-be husband niyang si Mateo Rafael Lorenzo.


Base sa wedding banns, nakatakdang ikasal sina Erich at Mateo sa darating na March 23, 2022 sa Saint James Cathedral the Great Parish sa Muntinlupa City.


Sabi-sabi ng mga 'Marites', kung matutuloy ang pagiging Mrs. Lorenzo ng aktres, literal na hihiga siya sa limpak-limpak na salapi sa kanyang buong buhay.


Sa ngayo'y wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ng bride or groom-to-be kung totoo nga ba ang naiulat na kasalan.


Taong 2018 nu’ng unang ianunsiyo ng aktres ang pagkakaroon nito ng relasyon sa isang non-showbiz boyfriend at ito nga'y si Mateo Lorenzo.


Ang huling boyfriend ni Erich ay si Daniel Matsunaga, subali't hindi nagtagal ang kanilang relasyon.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 20, 2022





Nasa Los Angeles, California na si James Reid pagkatapos nitong iulat na maggu-goodbye muna siya sa kanyang career sa 'Pinas para ipagpatuloy ang hinahanap na kapalaran sa US.


Sa isang Instagram video posted by fan account James Reid Royals, ibinahagi ni James ang kanyang mensahe sa mga fans.


“What’s up Reiders and Royals. I landed safely. I’m out here in LA," aniya at makikita sa video recorded na siya'y nasa airport.


Matatandaang last Tuesday (February 15), sinorpresa ni James ang kanyang mga fans sa kanyang pamamaalam pagkatapos i-share sa online ang snapshot ng cake on his Instagram Stories na aniya'y, "Bon Voyage and Good Luck Jams Red (sic)."


Sinundan pa ito ni James ng send-off party with his friends bago ang kanyang departure.


One of his friends, Fiona Faulker, shared a photo from the said farewell party with a caption, "Going to miss you brother."


May espekulasyong sa US nga niya ipagpapatuloy ang kanyang nabantilawang career sa 'Pinas dahil ang Fil-Australian star ay nalamang pumirma sa artist management company na Transparent Arts, which is based in Los Angeles, noon pang October, 2020.


Ilan sa mga Hollywood celebs na under the same management company are Far East Movement, Tiffany Young, and Yultron.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 19, 2022





Nagsalita na sa wakas ang aktor na si Aljur Abrenica kaugnay ng isyung magkasama nilang isinelebreyt ng rumored girlfriend na si AJ Raval ang Valentine's Day sa isang hotel sa Leyte.


Nag-viral ang larawan ng dalawa na ipinost ng ilang staff ng hotel kung saan kasama nilang nagpakuha ng picture ang dumayong rumored celebrity couple sa kanilang lugar.


Sa panayam sa aktor ng Cine Bravo, inamin ni Aljur na nag-check-in nga sila ni AJ sa Haiyan Hotel nu'ng February 14, Araw ng mga Puso, subali't hindi raw para magpahinga lang, kundi kumain daw sila at nag-freshen up.


"We and AJ were invited sa cooperatives... sa may Leyte. Trabaho 'yun, eh," aniya.


"Tapos, nagbihis lang to freshen up para sa show, siyempre, nagkataon lang na February 14, Valentine's (Day), tapos picture-picture. Pero ang dating (sa mga posts), parang ilang araw kami ru'n," dagdag niyang sabi.


Samantala, sa Facebook post ni AJ, ishinare niya ang post ng DORELCO, ang kumpanyang nag-imbita sa kanila ru'n para mag-show.


Sa post, makikitang um-attend sila ng blessing-inauguration at launching ng isang local radio station. Pinatotohanan ng post ang sabi ni Aljur na nandu'n sila para sa trabaho.


Ayon pa sa post ng DORELCO, kasama sa kanilang mga in-invite para mag-perform bukod sa dalawa ang It's Showtime's Tawag ng Tanghalan Season 2 finalist na si Reggie Tortugo at PTV director-anchor na si Cesar Soriano.


Pahayag pa ng DORELCO, "Actor-performer Aljur Abrenica and actress AJ Raval visited DORELCO for the blessing, inauguration of DYAL Radyo Kidlat 90.3 Light FM in DORELCO, Barangay San Roque, Tolosa, Leyte. The two joined in the cutting of ribbon held right after the blessing of the radio station. They also rendered intermission number during the program," depensa ng DORELCO kina Aljur at AJ.


Tuloy, duda at tanong pa rin ng BULGAR subscriber na si Joayne Muksan, isang OFW sa Dubai, magkahiwalay ba ng room ang dalawa nang sila'y magbihis at mag-freshen-up?


"Hindi kasi malinaw kung may kani-kanyang kuwarto sina Aljur at AJ. Nataong Araw ng mga Puso pa naman 'yun," sey pa ng suking reader.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page