top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 25, 2022





May balitang magbababu na sa ere ang TV5's noontime show na Lunch Out Loud.


Plano na raw ng management na tapusin na ang show dahil sa mababang rating.


Diumano, lugi na ang producer na si dating Congressman Albee Benitez dahil hindi na raw nag-aakyat ng pera ang nasabing show.


Mas tumibay pa ang bulung-bulungan na mawawala na nga sa ere ang LOL ngayong naghahanap na raw ulit ng malilipatan si Billy dahil nararamdaman na nito ang nalalapit nilang pagsasara.


Chika pa, nagpapadala na rin si Billy ng mga feelers sa ibang network bilang paghahanda nga kung saka-sakaling mauwi na nga sa pagkatsugi ang show.


Pero malamang, hindi sa ABS-CBN siya nagpapadala ng feelers dahil iniwanan niya nga ang Kapamilya Network at the time na nagkakaproblema dahil sa pagkakait sa kanila ng prangkisa.


If ever, timely naman dahil balitang tumatanggap ngayon ng mga artista ang AMBS, ang network ni dating Senador Manny Villar. Nakasentro ang bagong network sa paghahanap ng mga hosts, kaya't swak si Billy dito.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 23, 2022





Pinagkaguluhan ang aktor na si Joshua Garcia nu'ng panandalian itong kumain sa isang karinderya sa labas ng ABS-CBN Soundstage sa San Jose, Del Monte, Bulacan.


Marahil ay nagutom in between tapings ang aktor kaya't niyaya niya ang kasamahan sa taping na si Jeffrey Santos.


Sa Soundstage ng Kapamilya Network sa Bulacan isinasagawa ang taping ng Darna series kung saa'y kasama nito ang bidang si Jane de Leon.


Habang kumakain, panay ang kuha ng photos ng mga netizens saka ipinost sa social media account ng Antonio Junior Lugaw-Pares eatery kung saan kumain sina Joshua at Jeffrey.


Sabi sa caption na ipinost sa Facebook, "Joshua Garcia and Jeffrey Santos, kahit sila, nasarapan sa AJ bagnet plain rice."


Ang the height, maging ang kutsara, tinidor at plato na ginamit ng aktor ay 'for sale'.


"At ang kutsara na ginamit ni Josh, naitabi pa po namin. Kaya tara sa island talipapa, palmera 588-b, SJDM, 24 hrs. po kami.


"Ibinebenta po namin ang pinagkainan niya, hahahahaaha!" ayon sa may-ari ng kinainang karinderya.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 22, 2022





Mayo, 2021 nu'ng ma-announce na mag-boyfriend-girlfriend na sina Rico Blanco at Maris Racal.


Nag-umpisa ang lahat sa collaboration nila para sa kantang Abot Langit at du'n na rin nag-start ang sinasabi nilang "spark" sa una nilang pagmi-meet.


After the song, in-announce na nga nila na magdyowa na sila.


“Sa akin, at that time, wala naman akong any assumption or kung ano'ng mangyayari. Kinilig lang ako sa fact na naka-collab ko si Rico Blanco as isa sa mga idols ko sa OPM and 'yun lang talaga 'yung kilig ko. Wala nang anything more,” bungad ni Maris nang maitanong ang tungkol sa una nilang pagkikita ng singer.


Mukha namang going strong ang relasyon ng dalawa, na unang sinabi ng binata na si Maris ang nagpapasaya sa kanya ngayon dahil umano sa kanyang constant positivity. At ganu'n din ang dalagang singer, may dahilan daw siya kung bakit masaya siya sa pakikipagrelasyon sa binatang mas matanda sa kanya ng 25 years.


Sa presscon ng The Goodbye Girl, naitanong kay Maris ang tungkol sa kanila ni Rico.


“Para sa akin, si Rico, ewan ko, if 'yung presence ko to him is like fun, happy vibe.


"Para sa akin talaga, I feel secured, I feel safe when he’s around and that’s what I like about being with him, parang safe talaga 'yung feeling ko 'pag 'andiyan si Rico.


"Feeling ko, any kind of problem or over thinking, 'pag sinasabi ko sa kanya, he always gives this logical reason kung bakit ko 'yun nararamdaman and unti-unti ko nang naiintindihan 'yung self ko and whatever I was thinking. Gusto ko na may ganu'n sa buhay ko and I’d like to keep that around,” paliwanag ni Maris.


Inihayag pa ni Maris sa The Goodbye Girl presscon na she's looking forward in the future na makasama si Rico habambuhay.


“I think parang feeling ko lang, the more na mas tumagal kami, I know, mas marami akong nilu-look forward sa relationship namin ni Rico and 'yung mga firsts namin and memories together.


Lalo na may mga plans kami na na-put on hold muna because of the pandemic. We didn’t really get to go out as much and travel and all. So 'yun 'yung nilu-look forward ko, more memories with him which is going to be a lot of fun and mas makikilala pa namin ang isa’t isa."


Tungkol naman sa 'hiwalay' sila noong V-Day o ang 'di nila pagde-date sa Araw ng mga Puso, “Naku 'yung Valentine’s ko ngayon, nagwo-work ako, so malayo ako kay Rico. Hindi kami magkasama. So 'yun 'yung Valentine’s Day ko, nagtatrabaho ako the whole day,” paliwanag ni Maris.


Sabi pa ni Maris, si Rico ang mentor niya sa music and she listens to any advice her boyfriend has for her.


“Si Rico naman, sasabihin naman niya 'yung totoo. Aside from myself, he’s my number one critic. So, binibigyan niya ako ng mga comments and all and I take that to heart.


Naiintindihan ko naman 'pag hindi niya gusto 'yung gawa ko, pero naa-appreciate ko," ani Maris.


At nagpapasalamat daw siya sa pagiging honest sa kanya ng BF.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page