top of page
Search

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 15, 2022



Nag-bonding kamakailan si Megastar Sharon Cuneta kasama ang buong pamilya sa South Korea, which she referred to as her “happy place.”


Being a certified K-culture fan, lagi raw niyang kino-consider ang Korea as her happy place ever since she first visited it back in 2017, right after she finished watching the series Goblin.


Ayon pa kay Sharon, the last time she visited South Korea was in 2019.


“Seoul, Korea has been my happy place since I first visited back in 2017. I'm glad that for our recent family trip, I got to bring my team with me so we could give you some behind-the-scenes videos here on the vlog about how we are as a family when we go on trips together.


“I love Korea so much and I'm happy to share my happy place with all of you. I love you all! God bless you!” ani Sharon.


Ipinakita ni Sharon sa kanyang mga fans on a virtual adventure ang isang place na inirekomenda sa kanila ng kaibigan ng anak niyang si Frankie Pangilinan.


Sharon couldn’t stop gushing over the fact that her daughter’s friend hails from Daegu, South Korea, the same place where Key, one of her favorite SHINee members, was born.


Sa kabuuan ng kanilang trip, mistulang tour guide si Megastar sa kanyang pamilya at dinala niya ang mga ito sa shopping spots sa Myeong-dong na madalas niyang puntahan nu'ng una siyang nagpunta sa South Korea.


Kumain din sila ng street food na hindi nila nagagawa rito sa 'Pinas.


Habang naglalakad, nagpaka-fan girl si Sharon at waring nakalimot nang makita ang standee ng NCT members.


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 14, 2022



Napukaw ang pansin ng ilang kababayan natin dahil sa naging statement ni Julia Barretto sa naging guesting niya sa Maritest segment ng noontime show na Tropang LOL.


Sa nasabing segment, natanong si Julia ng host na si Matteo Guidicelli ng ganito: “Sino'ng sikat na aktor ang nali-link ngayon sa YouTube content creator na si Bella Racelis — dahil madalas i-like ni aktor ang mga posts ni girl.”


Kahit pa may mga ibinigay na names ng aktor si Matteo bilang choices, sinabi ni Julia na nahihirapan siyang sagutin ang tanong na nauwi sa pagtatanong nito sa audience bilang paghingi ng tulong.


Bukod kay Joshua, pinagpilian ang name nina Donny Pangilinan, Alden Richards at Diego Loyzaga.


Hanggang nag-decide si Julia na piliin ang pangalan ni Joshua, na siyang tamang sagot sa itinatanong ng host.


Biniro ni Matteo si Julia and called it a “sensitive topic” to discuss dahil may history nga ang aktres at si Joshua.


Sagot naman ni Julia, “Hindi ako sensitive. Iko-correct ko lang, ha? Kasi siyempre, 'pag past, dapat i-let go mo 'yan with grace and with gratefulness. So, kapag binabalikan mo ‘yan, dapat, walang bitterness. Dapat, magkakaibigan lang. Kung saan siya masaya, doon tayo masaya. Same with Diego, Alden, Donny,” depensa ng aktres.


Napaisip tuloy ang mga netizens at naalala ang isang dating statement ni Bea Alonzo na hindi niya pa kayang patawarin at makaharap o makasama ang ex-BF na si Gerald Anderson na ngayon nga ay boyfriend naman ni Julia.


Tanong nila, hindi kaya para kay Bea ang tinurang 'yun ni Julia?


Anyway, tungkol kina Joshua at Bella, sabi lang ni Julia, “Oh, that’s nice, that’s nice. Good for both of them. That’s good. Masaya tayo para sa kanila. Approved! Kung saan ang happiness, doon tayo.”


 
 

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | September 13, 2022



Noong January, 2022 pa naging isyu ang pagbisita ng sexy actress na si Barbie Imperial sa bahay ng aktor na si Daniel Padilla. 'Yun 'yung panahong kabe-break lamang ng aktres sa BF niyang si Diego Loyzaga.


Bagama't may malisya kung tutuusin ang pagbisita raw ni Barbie sa bahay ng aktor, katwiran ni Barbie, ang nanay daw ni Daniel na si Karla Estrada ang dinalaw niya nu'ng panahong 'yun.


Kaya't sa kanyang vlog, nilinaw ni Barbie na hindi si Daniel ang dahilan kung bakit siya bumisita noon sa bahay ni Karla.


Paliwanag niya, “Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla [Estrada] kasi first, kaibigan ko si Tita Karla, and si Magui [kapatid ni Daniel], kaibigan ko rin. And nu'ng pumunta ako roon, kaka-break lang namin actually ni Diego nu'n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, si Ate Ara [Mina], si Tita Karla. So, pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si Mama rito.


“Ayaw ko kasi na kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom. Hindi ganu'n. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice, kasi si Tita Karla, parang anak-anakan niya rin si Diego,” aniya pa.


Sinabi pa ni Barbie na hindi sila nagkatagpo ni Daniel nu'ng bisitahin niya si Karla dahil wala roon ang aktor.


“Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang, si Tita Karla, family niya, si Magui. 'Andoon din ‘yung Beks Batallion. So for me, 'Talaga ba?' Kung may gagawin akong masama, 'andoon ‘yung Beks Battalion? Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman [kung ganu'n].”


Nilinaw din ni Barbie sa kanyang vlog ang kumalat na si Daniel umano ang nag-“comfort” sa kanya noong panahong nagmu-move on siya sa hiwalayan nila ni Diego.


“Saan galing ‘to? Not true. Hindi. Wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis. Pero hindi, hindi totoo,” paglilinaw pa niya.


May dahilan din ang sexy actress kung bakit ngayon lamang siya nagpaliwanag sa naging tsismis sa kanila ni Daniel noon?


“Ngayon ko lang 'ata [sinagot] ‘to kasi nanahimik talaga ako, eh. Kasi nu'ng time na ‘yun, ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yun, siyempre, nahihiya ako unang-una kay Kath (Kathryn Bernardo, GF ni Daniel). Kasi ano'ng iisipin niya, ganito, ganyan,” paliwanag ni Barbie.


Sa bandang huli, sinabi ni Barbie na inirerespeto niya ang relasyon nina Kathryn at Daniel, na ngayon ay mahigit isang dekada nang magkasintahan. Sa ibang salita, never niyang magagawa na "ahasin" si Daniel kay Kath.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page