ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Apr. 10, 2025
Tila pribado at tahimik na sana ang kasal ni Claudia Barretto kay Basti Lorenzo, subalit pinaingay ng amang si Dennis Padilla ang okasyon na ginanap nitong Abril 7, 2025.
Ilang araw lamang matapos i-post ni Dennis ang reunion niya sa 3 anak nila ng ex-wife na si Marjorie Barretto — sina Julia, Claudia, at Leon — mukhang hindi na naman okey ang relasyon ng komedyante sa mga ito.
Nitong Martes, Abril 8, 2025, sa pamamagitan muli ng social media, naglabas ng saloobin si Dennis dahil sa naging pagtrato umano sa kanya sa kasal ng anak na si Claudia.
Base sa Instagram (IG) post ni Dennis, ikinasal si Claudia sa fiancé nitong si Basti Lorenzo at feeling niya’y hindi raw siya itinrato ng kung ano ang parte niya sa kasal.
Sey ni Dennis, ‘nabudol’ siya dahil sa halip na maging ‘father of the bride’ siya sa ginanap na kasal ay naging ‘visitor’ lamang siya.
Kalakip nito ang screenshot ng sulat-kamay na mensahe, in all caps: “GRABE KAYO!! NABUDOL N’YO AKO! FATHER OF THE BRIDE NAGING VISITOR. GALING N’YO!”
Makahulugang caption ni Dennis sa parehong posts: “FINISH [broken heart emoji].”
Maliban dito ay wala nang ibinigay na detalye si Dennis kung ano ang nangyari sa kasal.
Pero may ilan siyang sinagot na mga netizens.
Isang netizen ang nagtanong kung sino ang ikinasal na ibig sabihin, hindi kumalat sa social media at lalong hindi ipinag-imbita ang kasalang Barretto-Lorenzo.
Pagsimpatya ng isang netizen, “How sad naman po [crying emoji].”
Tugon dito ni Dennis, kahit imbitado siya sa kasal ay wala siyang naging papel sa programa.
Hindi rin daw siya pinadalhan ng invitation.
Buong sabi niya, “I don’t [have] a part sa program... Ayaw nila ipadala invites.”
Marami pang nakisimpatya kay Dennis sa comments section.
Sabi ng isa, “Hayaan mo na lang po sila.. Basta ikaw be good to them. Still be a good father kahit ayaw nila sa ‘yo. Diyos na lang po bahala gumanti sa kanila.”
May ilan ding pinayuhan si Dennis na kung hindi naging maganda ang trato sa kanya sa kasal ni Claudia, manahimik na lang.
True, mas lumala ang hindi pagkakaunawaan nila ng kanyang mga anak.
Ayon pa sa isang netizen, “Buti nga in-invite ka kahit may galit sa ‘yo mga anak mo tapos magpo-post ka pa ng ganyan, eh, di lalo ka lang kabubuwisitan ng anak mo. Sinisiraan mo pa sa ibang tao, hindi naman dapat nalalaman ‘yan, mga anak mo ang sinisiraan mo. Ano ba gusto mo gawin nila sa ‘yo?”
Pakikisimpatya naman ng ilan, “Masakit sobra ‘to pero Sir, please take down your post po, siguro ganun’ talaga… Kinakalkal mo ‘yung mga sugat sa puso nila sa ‘yo. Kaya sana, ‘wag na po dagdagan pa. Be happy and be proud of them, pasasaan ba’t darating din sa point na makakasama ka nila in natural way na. ‘Yung galit mo po sa puso mo, idulog mo kay Lord at doon mo sabihin. ‘Wag na sa post kasi lalo kayo masisira niyan sa isa’t isa.”
Ayon sa isang netizen, “Sir, you should be silent. The more you do this they will hate you for posting in public. If you are not acknowledged as a father, please be grateful they still invited you, remember you don’t have a relationship with Claudia just be grateful and remove this post.”
Payo ng ilan kay Dennis na sana ay ayusin na lang niya ito nang pribado. Bilang ama at siyang nakatatanda, sila-sila na lang ang mag-usap at hindi nagsusumbong sa social media, dahil siya ang higit na dapat nakakaunawa sa kanyang mga anak.
Mahabang sermon ng netizen, “Should just deal with this privately, you may get sympathy from other people who doesn’t know why you and your kids with Marjorie ended up this way. Most of the people from socmed (social media) don’t know you have so many kids from different women yet none of these mothers and kids stay at your side right now.
“We mostly doesn’t have any idea why, and who are we to judge? But as a Father the Elder, the supposedly mature one and the one who should shield his kids from all the bashing and condemnation of everyone who doesn’t have any idea on what really happened with you and your children.
“At least try to bend this out not in social media but with people who can advise you fairly.
“And who knew you and your kids truly. Your kids keep being quiet with their status of relationship to you, even the other children from other mothers.
“As a Dad who doesn’t get any younger and might end up with no one beside you, even a partner or a child.
“Pray and meditate, ask yourself if social media really is the best place that can help you all to heal. Ask yourself even if being quiet if you feel that you are hurting is the best thing you ever do as a dad and as a person.”