top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 28, 2023



Dear Chief Acosta,


Noong taong 2017, nagkaroon ako ng utang at ito ay hindi ko nabayaran. Dahil dito, idinemanda ako ng aking pinagkautangan, at kalaunan ay nagdesisyon ang hukuman na kung saan, ako ay inutusang magbayad ng halagang P200,000.00. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito kayang bayaran kaya naman ang aming tinitirhan na family home mula pa taong 1995 ay nakasama sa mga ari-arian na na-levy. Maaari ba na ma-levy at maibenta ang aming family home upang maibayad sa aking utang? - Chris


Dear Chris,


Ang batas na nasasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Executive Order No. 209, S. 1987 o mas kilala bilang The Family Code of the Philippines. Nakasaad sa Article 155 nito na:


“ARTICLE 155. The family home shall be exempt from execution, forced sale or attachment except:

1. For nonpayment of taxes;

2. For debts incurred prior to the constitution of the family home;

3. For debts secured by mortgages on the premises before or after such constitution;

4. For debts due to laborers, mechanics, architects, builders, materialmen and others who have rendered service or furnished material for the construction of the building.”


Alinsunod sa nabanggit na probisyon, ang isang family home ay hindi maaaring isailalim sa levy, execution o forced sale, maliban na lamang sa mga pagkakataong nakasaad sa batas. Sa kadahilanang ang iyong kalagayan ay hindi isa sa mga sitwasyong nabanggit sa batas na kung saan ang family home ay maaaring isailalim sa execution proceedings.


Malinaw na ang iyong family home ay hindi maaaring isailalim sa levy at kalaunan ay ipagbili upang mabayaran ang iyong utang. Exempted ito sa paniningil na gagawin ng korte para ipatupad ang desisyon nito ukol sa iyong hindi nabayarang utang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 27, 2023


Dear Chief Acosta,


Maaari bang malaman ng aking pinapasukang kumpanya ang nilalaman ng mga personal na bank accounts ko kahit na hindi ako magbigay ng pahintulot sa kanila? – John


Dear John,


Para sa iyong kaalaman, ayon sa Seksyon 2 at 3 ng Republic Act No. 1405, o mas kilala bilang “An Act Prohibiting Disclosure of or Inquiry Into, Deposits With Any Banking Institution And Providing Penalty Therefor,” ang mga account sa bangko ay confidential at hindi maaaring ipaalam sa iba ng walang pahintulot ng may-ari ng account. Ayon sa nasabing batas:


“SECTION 2. All deposits of whatever nature with banks or banking institutions in the Philippines including investments in bonds issued by the Government of the Philippines, its political subdivisions and its instrumentalities, are hereby considered as of an absolutely confidential nature and may not be examined, inquired or looked into by any person, government official, bureau or office, except upon written permission of the depositor, or in cases of impeachment, or upon order of a competent court in cases of bribery or dereliction of duty of public officials, or in cases where the money deposited or invested is the subject matter of the litigation.


SECTION 3. It shall be unlawful for any official or employee of a banking institution to disclose to any person other than those mentioned in Section two hereof any information concerning said deposits.”


Samakatuwid, kung walang pahintulot mo o ng korte, hindi maaaring malaman ng ibang tao ang nilalaman ng iyong bank accounts, kabilang na rito ang iyong employer. Ang sinumang lalabag sa naturang batas ay maaaring makulong o pagmultahin ayon sa Seksyon 5 ng parehong batas na nagsasaad na:


“Section 5. Any violation of this law will subject offender upon conviction, to an imprisonment of not more than five years or a fine of not more than twenty thousand pesos or both, in the discretion of the court.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | June 26, 2023


Dear Chief Acosta,


Natanggal ako sa trabaho kahit na ang patakaran ng kumpanya ay nagbibigay lamang ng parusa ng suspensyon. Mayroon bang mga desisyon ng korte na nagpapatibay ng parusa na mas mabigat kaysa sa ibinibigay sa patakaran ng kumpanya? - Thel


Dear Thel,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa kasong “Stanford Microsystems, Inc. vs. National Labor Relations Commission and Henry Trinio (G.R. No. 74187, 28 January 1988), na isinulat ni Kagalang-galang na yumaong Punong Mahistrado Andres R. Narvasa ng ating Kagalang-galang na Korte Suprema, kung saan nakasaad ang mga sumusunod:


“The issue does not therefore lie in the facts, or the sufficiency of the evidence in proof thereof. The issue posed, rather is whether or not under the established facts, the penalty of dismissal is merited, instead of merely that of suspension for not more than 30 days – which is what the company rules by their literal terms indicate. The respondent Commission, in the Comment submitted in its behalf by the Solicitor General, concedes that the formulation and promulgation by an employer of rules of conduct and discipline for its employees, inclusive of those deemed to constitute serious misconduct, cannot and should not operate altogether negate his prerogative and responsibility to determine and declare whether or not facts not explicitly set out in the rules may and do constitute such serious misconduct as to justify the dismissal of the employee or the imposition of sanctions heavier than those specifically and expressly prescribed. The concession is dictated by logic; otherwise, the rules, literally applied, would result in absurdity: grave offenses, e.g. rape would be penalized by mere suspension; this, despite the heavier penalty provided therefor by the Labor Code, or otherwise dictated by common sense.


Batay sa nabanggit na desisyon, ang paggawa at pagpapatupad ng employer ng mga patakaran ng pag-uugali at disiplina para sa mga empleyado nito, kasama ang mga itinuturing na malubhang maling pag-uugali (serious misconduct), ay hindi dapat maging pagtanggi sa karapatan at responsibilidad ng employer na tukuyin at ideklara kung mayroon pa ring mga pangyayari na maituturing na malubhang maling pag-uugali, bagama’t hindi ito tahasang itinakda sa mga patakaran ng kumpanya, upang bigyang-katwiran ang pagpapataw ng parusa na mas mabigat kaysa sa mga partikular at malinaw na inilalahad sa mga patakaran ng kumpanya, kabilang na ang pagpapataw ng pagtanggal sa trabaho.


Alinsunod dito, pinagtibay ng korte ang parusa na mas mabigat kaysa sa ibinibigay sa patakaran ng kumpanya. Ito ay dikta ng lohika. Kung hindi, ang mga patakaran, na literal na inilapat, ay magreresulta ng kahangalan, sa kabila ng mas mabigat na parusang ibinigay ng Labor Code, o kung hindi man ay idinidikta ng common sense.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page