top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 14, 2023


Dear Chief Acosta,


Kung sakali bang maging taliwas sa isa’t isa ang isang general law at ang isang special law, alin po ba sa dalawa ang mananaig? - Angelica


Dear Angelica,


Ang sagot sa iyong katanungan ay muling binigyang-linaw ng Korte Suprema sa kasong Tumabini v. People (G.R. No. 224495, 19 February 2020) na sinulat ni Honorable Chief Justice Alexander G. Gesmundo. Kaugnay ng nasabing kaso, nabanggit ng Kataas-taasang Hukuman ang mga sumusunod:


“In case of conflict between a general law and a special law, the latter must prevail regardless of the dates of their enactment. Thus, it has been held that — [t]he fact that one law is special and the other general creates a presumption that the special act is to be considered as remaining an exception of the general act, one as a general law of the land and the other as the law of the particular case.”


Kaugnay ng mga nabanggit, mas mananaig ang isang special law kaysa sa isang general law anuman ang mga petsa ng kanilang pagsasabatas. Gayunman, kung maaari namang pagkasunduin ang dalawang batas ̶ maaari ring maituring na isang eksepsyon sa general law ang isang special law.


Samakatuwid, sa mga sitwasyon na binibigyang-bisa ang magkaparehong uri ng batas, ang special law o espesyal na batas ay dapat ituring bilang nananatiling isang pagbubukod ng general law o pangkalahatang batas; ang isa bilang pangkalahatang batas ng lupain at ang isa bilang batas sa partikular na uri ng kaso o sitwasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 13, 2023



Dear Chief Acosta,


Ako ay stockholder sa isang korporasyon. Nais kong malaman kung maaari bang bumuo ng isa pang korporasyon na kung saan ang aking kasalukuyang korporasyon ay magiging isa sa mga incorporators nito? - Kris


Dear Kris,


Ang batas na sasaklaw patungkol sa iyong katanungan ay ang Republic Act No. 11232 o mas kilala bilang Revised Corporation Code of the Philippines. Nakasaad sa Section 10 ng nasabing batas:


“Section 10. Number and Qualifications of Incorporators. - Any person, partnership, association or corporation, singly or jointly with others but not more than fifteen (15) in number, may organize a corporation for any lawful purpose or purposes: Provided, That natural persons who are licensed to practice a profession, and partnerships or associations organized for the purpose of practicing a profession, shall not be allowed to organize as a corporation unless otherwise provided under special laws. Incorporators who are natural persons must be of legal age.


Each incorporator of a stock corporation must own or be a subscriber to at least one (1) share of the capital stock.”


Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang isang ganap na korporasyon ay maaaring bumuo ng panibagong korporasyon, na kung saan ito ay kakatawan bilang isang incorporator. Nakasaad din sa batas na ang nasabing ganap na korporasyon, bilang incorporator ng isang stock corporation, ay kinakailangan na magmay-ari ng hindi bababa sa isang share mula sa capital stock ng panibagong korporasyon.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | July 12, 2023



Dear Chief Acosta,


Dalawang taon nang hindi maayos ang pagsasama naming mag-asawa. Lagi na lang kaming nag-aaway at nagtatalo. Sa katunayan, ilang beses na kami nag-usap sa Barangay.


Noong huli, napagkasunduan naming maghiwalay at magkanya-kanya na, alang-alang sa aming nag-iisang anak. Dahil sa nasabing kasunduan, maituturing na bang walang bisa ang aming kasal? - Lorna


Dear Lorna,

Ayon sa Family Code of the Philippines, ang kasal o marriage ay isang espesyal na kontrata ng permanenteng pagsasama sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na pinasok alinsunod sa batas para sa pagtatatag ng conjugal at family life:


“Article 1. Marriage is a special contract of permanent union between a man and a woman entered into in accordance with law for the establishment of conjugal and family life. It is the foundation of the family and an inviolable social institution whose nature, consequences, and incidents are governed by law and not subject to stipulation, except that marriage settlements may fix the property relations during the marriage within the limits provided by this Code.”


Dahil ang kasal ay isang espesyal na kontrata, ang mga kahihinatnan at mga pangyayaring may kaugnayan dito ay pinamamahalaan ng batas, at hindi napapailalim sa itinakda ng mga partido. Kung kaya, ang mag-asawa ay hindi maaaring magsagawa lamang ng isang kasunduan upang wakasan o buwagin ang kanilang kasal.


Kaugnay nito, sa kasong Jerrysus L. Tilar vs. Elizabeth A. Tilar, et. al., G.R. No. 214529, 12 Hulyo 2017, na isinulat ni Kagalang-galang na dating Chief Justice Diosdado M. Peralta, ang Kagalang-galang na Korte Suprema ay nagpasya na ang mag-asawa ay hindi maaaring basta-basta buwagin ang kasal sa kanilang kapritso:


“As marriage is a lifetime commitment which the parties cannot just dissolve at whim, the Family Code has provided for the grounds for the termination of marriage. These grounds may be invoked and proved in a petition for annulment of voidable marriage or in a petition for declaration of nullity of marriage, which can be decided upon only by the court exercising jurisdiction over the matter.”


Sa ilalim ng Family Code, may grounds o mga batayan lamang para sa pagwawakas ng kasal. Ang grounds na ito ay maaaring gamitin at patunayan sa isang petisyon, na maaaring pagpasyahan lamang ng korte na may hurisdiksyon sa usapin.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page