top of page
Search

ni Lolet Abania | August 7, 2022


ree

Nagpahiwatig na si Olympic champion Hidilyn Diaz-Naranjo ng posibilidad na magretiro matapos ang kanyang kompetisyon sa 2024 Paris Olympics.


Sa Facebook post niya ngayong Linggo, nai-share ni Diaz ang isang larawan ng kanyang mga kamay, kasama ng isang liham para sa kanyang sport, kung saan aniya, naghahanda na siya para sa nalalapit na Olympics na gaganapin 2 taon mula ngayon.


Nagpahaging din siya ng posibleng retirement matapos ang games na may hashtag niyang, “#LastLift”.


“We are officially 2 years to go before I step onto the platform at the #2024parisolympics. I am manifesting this because this is what I want to do. It is my choice to go for my #LastLift and #TeamHD will be with me throughout the whole process. I am claiming this, for the love of God and our Country,” post ni Diaz.


Ayon kay Hidilyn, na kamakailan ay nagpakasal sa kanyang coach na si Julius Naranjo, pinostponed nila ang kanilang honeymoon upang maghanda para sa Olympics.


“These hand are a reminder that despite all I have accomplished, I am still working my hardest for our Country. I am putting aside my honeymoon, and most things that make me happy because even though I don’t need to prove anything, I want to do more for #weightlifting and the #youthweightlifters who are starting to do well in our country,” pahayag pa niya.


Ang weightlifter champion ay nagpakasal noong Hulyo 26, eksaktong isang taon matapos na magwagi ng gold sa 2020 Tokyo Olympics.


Una na nang sinabi ni Hidilyn na handa na siyang na magsimula ng isang pamilya, subalit kailangan itong maghintay hanggang matapos ang 2024.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page