ni Thea Janica Teh | July 28, 2020

Ilang araw ng napupuno ang news feed natin sa Instagram ng mga black-and-white images ng kababaihan, sikat man o hindi.
Sa mga images na ito, makikita ang caption na “supporting women” o “#challengeaccepted”. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga ito?
Trending ang post na ito dahil ito ay promotion n women empowerment at magno-nominate ka lamang ng isang kaibigan upang mangampanya at suportahan ang isa’t isa.
Sa ngayon, halos 3 milyong picture na ang uploaded sa #ChallengeAccepted hashtag sa buong mundo. Ilan sa mga kilalang personalidad na nag-post ay sina Maine Mendoza, Angel Locsin, Nadine Lustre at marami pang iba.
Ayon sa spokeswoman ng Instagram, base sa mga nakikita nitong post, karamihan sa mga sumali ay nagpo-post ng note na related sa strength at support sa kanilang komunidad. Tulad na lamang ng post ni Khloe Kardashian noong Linggo. Sinabi nito sa kaniyang post ang “To all my Quens- Let’s spread love and remember to be a little kinder to one another. #womensupportingwomen”
Hindi bago sa Instagram ang pag-post ng mga ganito dahil noong 2016, marami rin ang nag-post ng kanilang black-and-white pictures para makiisa sa “cancer awareness”. Sa nakalipas na taon, ito ang ginamit para ibahagi ang positivity.

