ni Nitz Miralles - @Bida | September 5, 2022
Nagka-idea ang mga netizens na pagsamahin sa pelikula sina Marian Rivera at Vice Ganda pagkatapos magkaroon ng isyu ang pagkikita nila sa Preview Ball 2022.
Itinanggi ni Vice ang balita na sa nasabing event natuldukan ang kanilang away dahil never naman talaga silang nagkaisyu.
Kaya nang pusuan ni Marian ang post ni Vice na kuha sa Preview Ball 2022 na may caption na:
“I share each and every achievement that I have with my LGBTQIA+ Community. #PRIDE,” lalong natuwa ang mga netizens at nagka-idea nga sila na sana, may producer na makaisip na pagsamahin ang dalawa sa pelikula.
May nag-request naman na kundi pa puwedeng magsama sa pelikula sina Marian at Vice, sana ay mag-collab na lang sila sa vlog ni Vice o kaya, sa TikTok ni Marian.
Nanawagan din ang mga fans sa Star Cinema at Viva Films na magprodyus ng movie nina Vice at Marian.