Julie Bonifacio - @Winner | April 16, 2021

Lait-to-the max ang inabot ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga netizens dahil sa paghahalintulad niya sa sarili kay James Reid.
Sa kanyang Facebook account last Wednesday, may ipinost si Spox Roque na dialogue sa kuning-kuning na eksena with a saleslady.
Tanong ni Spox Roque sa saleslady, “Magkano po 'tong picture ni James Reid, Miss?"
Sagot ng saleslady, “Salamin po 'yan, Sir….”
Sa dulo ng post ay may pa-hashtag pa si Spox Roque na ganito, #kalmaAkoLangTo.
Pinalagan ito ng mga netizens at ginawan ng iba’t ibang memes.
“Napaka-unchristian naman ng statement na 'yan ni Harry Roque. Ginawa niyang pangit si James Reid.”
“Nabuang na.”
“Sobra pa sa nabuang!”
“HARRY N'YO, SABOG, HAHAHA, JAMES WEIRD.”
“Kasuka.”
“My gosh! Kapal naman nitong Roque, ha! Ang layoooo!”
May nagsabi na netizen na epekto raw 'yan ng pagkakasakit niya ng COVID.
“Harry may still have the virus in his system; he's having bouts of hallucinations.”
May netizen ang tumawag naman kay Roque na ‘dandruff ni James Reid.
At eto pa, huh, “Crush mo na naman 'yan, eh."
Hala!

