ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 24, 2021

Inili-link ngayon ng mga netizens si KC Concepcion at ang English actor-singer na member ng British vocal group na Blake na si Jules Knight.
Nakasama siya sa medical drama na Holby City bilang si Doc Harry Tressler.
Doon yata siya napanood ni KC kaya nag-congratulatory note ang aktres.
“Congratulations for having the courage to make the right choices for you! You’re doing an amazing job. Thought someone needed to hear that today! Xx, K!" ang post ni KC sa photo niyang super sexy ang suot.
Nag-reply naman ang singer-actor ng, “Thanks KC.”
Sagot ng TV host-actress-entrepreneur, “I gotchu!"
“There she is!” reply uli ni Jules.
Dahil sa naging palitan nila ng mensahe, maraming netizens ang nagsasabing mas maganda kung magkita, mag-duet at maging magdyowa ang dalawa.
Wala naman daw idine-date ngayon ang foreign celebrity.
“@julesknightofficial and @kristinaconcepcion, I believe you guys should reconnect that life that was not made to fruition. I think both of you are single; maybe you were meant to be for each other. BTW @julesknightofficial make the move man,” hirit ng may user ID na #inoblaseftr.
“Hi Jules, you and KC can sing a duet Christmas gift to your fans,” sey naman ni @mariamiladahl.
Well, ang hindi yata alam ng mga netizens, dati nang magkakilala sina KC at Jules.
Nakapunta na rito sa 'Pinas ang grupong Blake para mag-promote ng kanilang album sa ASAP at du'n nga niyaya ng foreign singer-actor ng date ang anak ni Megastar Sharon Cuneta.
Kaya lang, that time ay sariwa pa ang breakup nina KC at Piolo Pascual kaya tumanggi si KC sa alok na date ni Jules.
Hindi naman isinara ni KC ang pintuan niya para kay Jules, at ngayong muli silang nag-reconnect, sana ay handa na si KC sakaling alukin uli ng singer-actor.
Naku, in that case, paano naman si Apl.de.Ap?
Sabagay, sabi naman nilang pareho, magkaibigan lang sila.
Samantala, naaksidente pala si KC habang nagluluto.
Post niya habang ginagamot ang kanyang paso sa braso, "Got into kitchen accident & ended up with a painful 2nd degree burn! Thank you so much to FNP Lauren of @iskinmedspa for my wound care & my much-needed weekly IV vitamin drip!!! Big help!"
Ang mga Marites, hindi maiwasang magkomento. Ang arte raw ni KC na maliit na bagay ay ibig pa raw ipaalam sa social media.
"Gosh! She is not maarte at all. Can you define maarte?"
"Buti na lang may sponsor na derma sa US, take care, lalo na 'pag solo, mahirap din."
"Pati ba naman 'yan i-share pa? How about kelan siya huling nagka-singaw?"
"Bilib ako sa kanya, kahit mayaman, nagta-try siyang gumawa sa kitchen, she's trying to live without the help of a nanny. Love u, KC."

