SANDRA SEIFERT, TINAWAG NA KABIT, IMORAL AT PAKAWALA NG NETIZEN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 27, 2020

May post ang netizen para kay Sandra Seifert hinggil sa siya umano ang nasa viral video na nasa likod ni Cesar Montano na naked.
Post ni @mary_christine98, “So confirmed, si Sandra nga ba ang kumabit kay Cesar at nasa viral video??? #kabit #imoral #pakawala #mistress #ahas”
Hindi nagpatumpik-tumpik si Sandra at sinagot ang netizen.
“@mary_christine98 sorry to disappoint you but I’m not the woman in the viral video. Pls. do your research so you can find out who she is (with smile emoji). God bless (with prayer emoji).”
Ang mapanuring mata ng isang nakabasa, pinuna ang mga hashtags ng basher. Pero ang magic word daw ay naroon din ang "God bless."
May nag-react din na paninirang-puri raw kay Sandra ang lahat ng hashtags ng netizen.
“'Di ba puwedeng idemanda mga ito? Confirmed daw, siguradung-sigurado si netizen.”
May punto naman ang sagot ng isang netizen, “She’s not confirming the mistress, girl sa viral video issues.... NOTE: May question marks at the end of her comment.”
“Parang si basher 'yung tunay na asawa ni Cesar Montano at ramdam na ramdam ko ang galit niya via hashtags niya, hahahaha!”
May post din naman si Sandra sa kanyang social media na larawan ni Cesar at ng isang batang lalaki. Marami tuloy ang nagtatanong kung anak ba ni Cesar ang bagets kay Sandra.
“Cesar, nilahat mo na, matakot ka naman.”
Ayon naman sa ibang netizen, ninong lang daw ng bata si Cesar.
“Good luck girl. Sana nagbago na si Buboy.”
“Lakas maka-manly 'tong si Cesar kaya dami nauto.”
“True. Nakita ko na 'yan kasabay si Rocco N, grabe ang guwapo ni Cesar, maski mas matanda nang di hamak kay Rocco. Napaka-manly na kayumanggi ang kulay.
“Ex niya yata si Cesar. Naku, girl, sayang ka, ang ganda pa naman.”
Palaisipan naman para sa ibang netizen ang pagpo-post ni Sandra ng larawan ni Cesar na may kasamang bata. Hindi raw kasi nilinaw kung ano ang relasyon ng bata sa aktor.
Pero kung matatandaan, ilang taon na ang lumipas ay kumalat ang isyung buntis ang dating Miss Earth winner na si Sandra Seifert at si Cesar daw ang ama.

