top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 14, 2022




'Kaaliw panoorin ang birthday celebration si Xian Lim kung saan idinaan nila sa kanta ng girlfriend na si Kim Chiu ang pagseselebra nito.


Nagpa-piano si Xian habang duet silang kumakanta ng Every Breath You Take ni Kim.


Mereseng naa-out of tune si Kim, go pa rin sa pagpa-piano ang boyfriend.


After kumanta ay napatili si Kim nang niyakap ni Xian ang kanyang legs dahil nakaupo ang Chinita Princess na mas mataas sa level ng piano.


Ang cute tingnan ng love birds na hindi nagkakasawaan sa kanilang pagmamahalan.


Kaya naman ang nasabing video clip ay nilagyan ni Kim ng heartfelt message.


"HAPPY BIRTHDAY to the person who gave me this smile since '12!!!! Thank you for being patient with me and for making me feel loved by you every single day! #ily"

Ang nasabing video ay hindi actual na kuha sa mismong birthday ni Xian kundi months ago na pala.


Ayon kay Kim, "Video from months ago, ayaw niyang ipa-post pero ipinost ko pa rin.


Pagpasensiyahan n'yo na voice ko! B-day naman ni @xianlimm hihi! Cheers to more laughter, music and all that jazz!"


Ang daming inggit much na netizens sa sweetness ng KimXi.


Ani ng isang netizen, "Baka 'pag nag-I love you ka, mag-propose na sa 'yo si Kimmy, wahaha!"


"Sweet KimXi. Happy birthday Xian! May you keep dreaming and living your blessed life with the people you love."


"Oh, my! More than 10 years na sila, sana sa kasalan ang tuloy," sabi naman ng isa pa.

Hinahanapan talaga ng mga fans na mag-I love you si Kim.


"Walang I love you? Haha!"


"Grabe ang kilig ko. Gusto ko rin ng Xian Lim, please."


"Sure ako... na mag-best friend talaga sila. Happy birthday, Xian Lim. What a nice guy you are!"

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 05, 2022




May post si Ruffa Gutierrez patungkol sa rumored boyfriend na si Herbert 'Bistek' Bautista.


Ang kanyang ipinost ay ang taos-pusong pagsuporta kay Bistek bilang senador ngayong darating na halalan pagkatapos manilbihan ni HB bilang alkalde ng Kyusi nang siyam na taon.


Itinag ni Ruffa ang dating alkalde at meron din siyang inilagay na hashtag #ILY kung saan binigyang-kahulugan ito ng mga netizens.


Naka-highlight sa post ni Ruffa via her Twitter account "HERBERT 'BISTEK' BAUTISTA Senador ng Kabataan @Bistek858" #ILY.


Sapantaha ng mga netizens, sinamahan ng former beauty queen ng 'I Love You' ang nasabing post. Trending sa socmed ang "ILY" ni Ruffa.


Kinlaro naman ito ng TV host-aktres. Ang ibig daw sabihin ng "ILY" ay "Internet, Livelihood, Youth."


"ILY stands for Internet, Livelihood and Youth. (Smiling face with open mouth) I’m supporting @Bistek858‘s candidacy. (Love you gesture) Thank you for the feature @Politiko_Ph," ani Ruffa.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 14, 2021



Super sweet ang birthday message na ipinost ni Kim Chiu sa kanyang social media account para sa boyfriend na si Xian Lim who celebrated his natal day last July 12.


Sa kanyang mensahe ay sinabi ni Kim na si Xian ang dahilan kung bakit siya palaging masaya.

“Happiest birthday to the person who always puts a smile on my face ever since. Thank you for being you and for being so selfless and understanding!” caption ni Kim sa kanyang post sa Instagram and Facebook account.


Tiniyak ni Kim na lagi siyang nasa likod ni Xian to support him sa bawat desisyon na gagawin ng BF.


“Wishing you nothing but the best in everything that you do because you truly deserve it. Lagi lang ako nandito sa likod mo, supporting you every step of the way. Thank you again and again and again! Happy birthday B!!! Put down my phone yesterday, just enjoyed the moment!!! Happy birthday @xianlimm #ily (I love you),” mensahe pa ng It’s Showtime host kay Xian.


Umani rin ng pagbati si Xian sa socmed mula sa mga celeb friends nila ni Kim gaya nina Bianca Gonzalez, Vina Morales at co-host ni Kim sa It’s Showtime na si Jugs Jugueta.


Pero nag-react ang mga netizens sa comment-post ng Magandang Buhay host at kapwa Bisaya ni Kim na si Melai Cantiveros. Kinilig kasi si Melai sa tawag ni Kim kay Xian na “B.”


“Awwww B. Sana magkaroon na ng B Bells,” comment ni Momshie Melai.


Ang tinutukoy nito na "B Bells" ay future baby nina Xian at Kim.


Sey ng mga netizens…

“'Yan po ang ipinagdarasal namin at makasal sila.”


“Bet ko talaga mga hirit mo, Momshie Mels.”

“Magdilang-anghel ka sana Momshie!!!"


‘Yun na!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page